higit sayo.

sa pitong buwan na di tayo nagkita, madaming nagbago, madaming nangyari, may pangyayaring di sinasadya, may pang yayaring sadya.

mahirap man, pinilit kong tumayo sa sarili kong paa, dahil un ang turo sakin ng mga magulang ko, nag iisa man ako o kasama ko man sila,.

may pagkakataong minsan nawawala kas sa isipan ko, nawawala sa pagkakataong di ka pumapasok sa utak ko, sa pagkakataong napapangiti ako ng iba, sa pagkakataong hindi kita naaalala.

may pagkakataon naman na ikaw lang ang laman ng isip ko, pagkakataong naalala kita, pag kakataong naalala ko kung san tayo nag umpisa, kung paano kita nakilala, kung paano mo ko napangiti sa paraang alam mo, napaluha sa paraang magkalayo tayo, napalungkot sa paraang madalang tayo magkausap,  ayoko mang magbilang ng araw na di kita nakasama pero nabibilang ko ang ilang beses na nagkasama tayo,..(bilang na bilang sa patak ng ulan)buti pa nga ang ulan nailalabas nya ang hinanakit nya nailuluha nya..

may pagkakataong narerealize ko na mali ang mahalin ka, mali ang mag antay sayo. pero may pagkakataong umaasa pa rin pala akong makikita pa kita at makakasama, pagkakataong nag aantay ako sa pagbalik mo.

tanga man akong sabihan ng iba,  sabihan man akong martir o kung ano man, alam kong napakagago ko para antayin ka.

eh anong magagawa ko minahal kita. (tanga na kung tanga)

gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko sa pammamgitan man lang ng ispasyo dito.

sa pamamagitan man lang nito gumaan ang loob ko.

na kahit isang pursyento man lang mabawasan ang galit at sakit sa puso ko.

oo alam ko hindi ko napadama lahat sayo, paano ko naman un gagawin kung ikaw mismo di ka gumagawa ng paraan para makasama ko. sapilitan pa nga minsan, sapilitan pa.

hindi pala sa lahat ng bagay mapag bibigyan ko ang sarili ko, ngayon ko napagtanto na tama na tapos na kung ano man ang naiisip ko pang mangyari iwawaglit ko na lang un sa isipan ko, dahil ayoko ng saktan mo at saktan ko pa ang sarili ko,.

kung akala mo hahabulin pa kita tulad ng dati, nagkakamali ka mahal ko pa naman ang sarili ko. na mas mahal ko higit sayo…

may pangyayari man na hindi dapat nangyari, may pangyayari man na bigla na lang umusbong, nagpapasalamat ako sa sa itaas na pinagbigyan pa nya ko n pagkakataon para makahanap  ng mas higit sayo.

Advertisements
Published in: Uncategorized on July 24, 2010 at 4:20 am  Comments (14)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2010/07/24/higit-sayo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

14 CommentsLeave a comment

  1. una sa lahat, welkam back ulit dito sa dot WP. ok na dito, wala pang hasel diba?

    second, wala pa din ba ang labs mo? wala man lang kayong closure? aba, di naman ata tama yun! gayunpaman, nangyari na lahat iyan. mas maganda nga dahil natuto ka. madami pang higit dyan at soon u’ll be able to find him.

    enjoy life. hindi complicado ang buhay, idaan natin yan sa pagmamahal para sa pamilya natin!

    • salamat dencio, kitakits na next time ha hehe..

  2. “kung akala mo hahabulin pa kita tulad ng dati, nagkakamali ka mahal ko pa naman ang sarili ko. na mas mahal ko higit sayo…”

    dahil kapag mahal ang sarili, may tsansa pang magmahal ng iba.

    • jkulisap, thanks hehe. madaming chance pa talaga..

  3. hi.. napadaan… akala ko ako lang ang emo sa mundo.. marami pala tayo.. it’s not wrong to love a person, pero dapat handa ka rin tanggapin ang desisyon nya. I’ve felt what you feel too.. ang hirap lalo na kung masaya ka pag nanjan cya… at bigla nalang mawawala… mahirap isipin na kulang ang araw mo kung wala ang taong yun, pero kung hindi mo matatanggap ang mga nangyayayri sayo ngayun ay baka hindi ka maka move-on.
    so let go ka muna… malay mo bumalik…

    Treasure your self muna. love your self and share that love to others, cause God will give you your Prize..

    • salamat lonely girl
      masaya na ko ng wala sya..
      ang puso ko ay humihilom na.. salamat ..

  4. “kung akala mo hahabulin pa kita tulad ng dati, nagkakamali ka mahal ko pa naman ang sarili ko. na mas mahal ko higit sayo…”

    inulit kolang yung sinabi mo at ni lolo jkul.. hehhe

    tama kajan Love!! 🙂

  5. oo nga masarap alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan, nguni’t dapat hanggang sa alaala na lamang sila – malawak ang mundo para sa panibagong pag-ibig at pagmamahal. Kapag nawala ang isa higit pa sa sampu ang darating na mapagpipilian mo. Kaya go on buksan ang puso, isip at mata para sa iba – sila ay nasa paligid lamang. Malay mo ang isa sa kanila ay nasa tabi muna pala!

  6. Uyy bago lang po ako dito. Ikaw pala ang anak ng pating. Heniway gusto ko yung sinabi mong “ayaw mo ng maghintay dahil mas mahal mo ang iyong sarili” Tama!!

  7. hiatus ka ba? musta ang buhay-buhay natin jan? may tumatae pa rin ba sa kompyutershap niyo? haha!

    iinom na lang natin ‘yan, anakngpating! inlababo rin kasi ako. hahay.

    • tutyal ka inlababo ka rin pala.. haha.. broken hearted ako adik ka ..hehe//tagay na..

  8. uso na ulit ang blog… labas na


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: