Ang Aso ng Kapitbahay Ko, May Breeding

ang mga aso ko

Tinatawag ko siyang Hirschberger.  Poreyn na poreyn ang alias nya di ba?  Dalawang kulay ang balahibo. Hindi malaki, hindi maliit.  Ang pagkain niya lagi ay buto ng manok, kanin, at kung ano ano pa.  Dahil marami siyang pulgas, pinapaliguan ko siya ng Rejoice shampoo at sinusuklayan.  Pag tumahol siya, maririndi pati mga nakalibing na aso sa court.

Siya si Hirschberger.  Yan ang aso ko at wala siyang breeding! Simpleng askal.

Yung kapitbahay namin, meron din silang aso!  Ang laki laki at ang ganda ganda.  Pati pusa nahuhulog sa bubong pag nakikita yun.  Ginto ang kulay ng balahibo, walang epek ang gravity sa tenga, at nagsusumigaw na silver dog tag ang nasa leeg nito.  Yun ang aso ng kapitbahay namin.  May breeding.

Minsan magkasabay kami ng kapitbahay ko kasama ang aso niyang may breeding para igala namin ang mga aso namin. Habang ang mga taong makakasalubong namin ay tititig at gusto pang i-hug ang aso ng kapitbahay kong may breeding, yay, ang asong may breeding ng kapitbahay ko.

Buti pa yung kapitbahay ko, maganda yung aso niya. Pwede niyang pagkakitaan at pwede niya ipagmalaki sa buong neyborhood. Kaya bumili ako ng jobus para paliguan ng kulay blue ang aso ko para magmukhang poodle terrier. Sobra sobra sa breeding! Pero lumipas ang panahon, asong askal ulit ang aso ko.

Minsan naglalakad ako para kuhain ang epektus sa kaibigan ko! Tapos may mamang lalakeng tinulak ang kaliwang parte ng balikat ko. Nakainom siya kaya alam ko na ang mangyayari. Away away na’to!

Sinara ko ang kamay ko, naghanap ng maipambabato ng biglang! ayun, kinagat na ni Hirschberger ang kaliwang mata ng mamang lasing. Sumirko sirko ang cervical spine ng nakainom. Panigurado, di na siya lasing pag bangon niya.

Nakatayo lang ako doon, pinagmamasdan kung paano ako iligtas ng isang kaibigan. Nakatunganga sa isang pangyayaring ako dapat ang nagtanggol sa sarili ko. Ang aso kong askal, walang breeding pero dito ko naramdaman na mahal ko talaga ang aso ako!

Ito ang natutunan ko, hindi mo pala kailangan maging perpekto para mahalin ka. Kaya ka nasusugatan dahil normal yun. Hindi mo kailangan maging isang modelo para mahanap ang tunay na magmamahal sa iyo. Hindi mo kailangan ng magagandang damit para ibigay sa iyo ng tadhana ang taong kukumpleto sa iyo.

Kailangan mo lang maging ikaw.

Para sa mga kaibigan kong single: jason, alvin, rhona, allen, mon, muffie, lovely, joycee! teka, single ka ba? magreklamo ka para maidagdag kita!

atsaka, hindi ako si pating. Ayos yung mga aso ko di ba? May black, may brown at may white.

Advertisements
Published in: on July 3, 2009 at 12:31 pm  Comments (52)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/07/03/ang-aso-ng-kapitbahay-ko-may-breeding/trackback/

RSS feed for comments on this post.

52 CommentsLeave a comment

  1. buhay pa ba yun aso mo di ko mabigkas ung name nya ang hirap haha..wala bang nick name yan hehe..

    ang sweet nung aso mo..kapag talaga ang amo na ang naapi ang ang aso minsan ang nag tatanggol..

    awwww..axreal salamat sa pag guest..

    o yes nabsa nyo guest blogger ko sya ngayon ..

    salamat…ikiss mo na rin ako sa aso mo (di ko talaga kayang bigkasin eh hehe..)

    at kasama ako sa single ha ehhe…

    • si hirschberger, si zuckerman at si leckhart. pinoy na pinoy ang mga pangalan!

      naku, hindi ka ba liligawan ni… hehe.

      • liligawan ni…?no

      • nino?? wee kinikilig ako!!

      • crossed out na si jason sa pagpipilian. may naririnig kase ako sa ibang blog pag dumadalaw ako sa mga blog nila. haha.

      • @joycee

        hala hehe,,kilig ehhe..

      • @ax
        ha?
        ano na naman naririnig mo hala ka ..
        intriga na naman itech haha..

  2. ang cute nung 3 aso akin na lang ung itim hehe..

    • wala na yung itim, pinamigay na! hehe.

      • sayang naman..

  3. ang cute ng mga aso sarap kainin..

    si wolf o

    pati si weshchesrster

    • haha nakakatakot ka nangangain ka ng hayop haha..

    • kumakain ka ng azucena? hehe.

      ikaw ba pating di kumakain ng baboy, baka, o isda?

      • azu hindi pero baboy baka isda oo hehe..

  4. wow! ang cute ng mga pups mo, naalala ko tuloy si aquano..

    kaya i love my dogs kahit ang sakit nila manglambing!

    ganyan talaga magmahal, maging sino ka pa.

    • hehe, bea ikaw ba yan?

  5. ang kukyuuut…pakuruuut

    ayan its my second time here..ang red carpet pls

    • kapag naka limang beses ka na dito hehe..

      may confetti na haha..hindi lang red carpet haha..

  6. penge naman ng pet dog. hahaha

    kaya lang mahirap maintenance…

    hamster na lang ehehhe

    • nakow, wala na rin akong mabibigay na pet dog jason! hehe. hamster na nga lang ang alagaan mo. yung nagsasalitang hamster para masaya!

    • waaaahhhhh….namatay na yung alaga kong hermit crab..sumama na kay Michael Jackson….

      • anong hayop ba un ate hehe..
        ano kinamatay hehe..

      • hermit crab…

        namatay sa sobrang stress 😦

  7. saglet bat hinde ako kasama sa single?? isama ako dyan! daya o!

    hansweet naman ng aso mo, labs ka nya talaga 🙂

    at kelangan dapat may reflection wuhuuu!

    • noted. dumadami ang single. hehe.

      • @ax hehe ..
        ang dami ba hehe..

    • single pa nga ba hehe..
      ayieeeeeeee,,,..

      • makiki-ayiiieeee na rin ako nyahahaha

  8. na-tats naman ako dun sa huling part…seryoso 🙂

    salamat Ax and Lovely…lalo ka na Lovely

    • @kikayness

      ayieeeee..na tats din ako..
      kinilig pa nga hehe..

  9. wow may kaguluhan pala dito. late na naman ako! kasi pangit connection ng tattoo minsan mabagal tlaga.

    Ax, ang galeng ng aso mo. May aso din akong askal na puti. kaso duwag! haha.. gusto ko yung itim na tuta.. mukhang cute at astegg rolled into one. 🙂

    • mukha ngang wolf yung una

      sarap kainin

      s**t!!! hahahah

      • kakatakot naman ng hamster na to. nangangain ng tutta! haha.. bawal yan oi!

        Lovely, wag mo naman ipagkalat na mabagal ang globe tattoo. hehe
        baka nasa location din ng user yan kaya mabagal kasi wireless parang cellphone lang, nakadepende sa signal ng provider. pagmalayo sa cellsite, mabagal talaga!

      • @mon

        ay sory po hehe..depende pala un sa location kaya pala ganun hehe..
        cenxa na..papa mon hehe..
        ewan ko ba jan kay hamster pati tutta pinag diskitahan ehhe..

    • @mon..

      aso bat naman duwag ung aso mo hehe..
      turuan mong maging matapang tulad ni papa mon oha hehe..

      mabagal pala ang tatoo hehe..masabi nga yan sa mga kakilala ko na wag na mag tattoo hehe

  10. ayiii… ka cucute naman ng mga puppies… hmmmm i miss my puppy kaya lang sumakabilang buhay na sya huhuhu… wawa naman si tweety!

    and tama galing ng pagkasulat may relevance.. hindi kelangan maging perpekto para mahalin ka… mahal na mahal din ako ng aso ko nun eh.. ahahaha.. gusto laging sumama sa akin kahit pumasok ng office ,,,, haizzz

    hoonga pala single dun ako ahaha 😆

    • hindi ko na mahingi ung itim kahit na hindi ako animal lover hehe..

      ang daming single hehe..musta ate…

  11. ang cute ng mga tuta pero pag adult na, ayoko na. 🙂

    • hehe. adult na nga sila.

      pag naging adult na, ipamigay na. yay.

  12. ang cute nga ng mga tuta pwede manghingi?

    napadaan lang po

    • nakow, malalaki na sila ngayon. may mga nagtatanong kung nangangagat. ang sagot ko na lang,

      may mga ngipin sila.

      • dapat dun pinainjectionan na kasi mahirap pag malaki na, mahirap na injectionan ng anti rabies

  13. galing talaga ni Ax.. kyut din nung mga puppy..hehe nasa palanggana!

    hmmm.namiss ko ang aking aso..

  14. breedingless ba ikamo…ba’y wala yan sa breeding sa pagmamahal yan …
    ako’y may alagang aso…isang asong mataba at walang breeding..
    pag ako’y dumarating syay tuwang-tuwa at biglang sabi ng ganito: miyyyyawwwww!

    • huwaw, natatawa ako sa sinabi mo Kuya Blu. may kasalanan pa ako sa iyo.

      • ax sugurado ka aso yung ansa kaliwa???
        mukhang wolf sya sa britanya

      • hehe. aso yun. aso talaga yun! nung una nga akala ko panda.

  15. anak ng aso oo, napadaan lang, kararating ko palang e, later na chikahan

  16. hahaha, kakatuwa naman. kahit askal e cute na cute pa din!

  17. Ayun kasali na ko sa single wuhuu!! pero malapit na ko din mawala dyan nyahahaha!

    define blossoming lovelife! wuhuu!

  18. parang naaalala ko dito yaong cd ng eheads na milkyway… may aso kasi dun eh! hakhak!

    hindi ako animal lover eh pero gusto ko magtrain ng hayuf! hakhak!

  19. penge ngan dog


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: