Guest Blogger: Feeling Dyosa

(Paumanhin, hinde ako si Lovely…ako po si Kikayness nyahahahaha)

Nag-request na ang isang ito, sino ba naman ako para tumanggi. Guest blogger daw ako (sosyal!) ang problema, WB ako (nyemas!). Alangan namang dito ako magkalat ng kalandian ako non-existent lablayp ko?!

Pa’no nga ba kami naging close ni Lovely? Akshuli, nagsimula lang sa simpleng hirit sa kuta ng aking my labs na hinde ako labs (nyemas por da sekan taym!). Mahilig makigulo ang lola mo kaya naaliw ako sa kanya ng bonggang bongga. Dahil madalas kaming magkita doon sa blog na yun, napatawid na rin sya sa blog ako at ganun din naman ako. In short, naging main stay kami sa blog ng isa’t isa. Nagkapalitan ng YM and, later on, pati na ng cel number.

Bakit kami nagin close? Kasi isa si Lovely sa mga napaka-sweet na taong nakilala ko *ubo, ubo* (yung may krassnes sa kanya, pwede ba, ituloy mo na ang panliligaw, babatukan na kita e).Lahat ng posts ko, kyut man o nakakasuka, e hinde maaring hinde sya mag-comment. Pag online ako sa YM, todo chikahan din kami to the point na sya ang unang nakakaalam pag may problema ako. Akshuli, sa maiksing panahon na pagkakakilala namin, nakita na ni Lovely kung pano ako magselos, umiyak, tumawa at maging baliw. Nakita nya lahat yun bago pa man ang makasaysayang EB…at tinanggap pa rin nya ako bilang kaibigan.

At nakita ko na rin kung gano sya ka-willing matuto, kung gano nya kamahal ang pamilya nya, at kung gano sya ka-maaasahan bilang kaibigan (sows ka! willing syang tulungan akong lunurin ang mga kinaiinisan ko nyahahaha)

Halos pareho kami nang hinaing sa buhay – lablayp…Wala e, pang-prens lang ang dating namin….pero masaya kami kasi hinde kami nauubusan ng kaibigan.

Madami pa kaming pag dadaanan – ako, sya, si Winkie, si Star, si Azul at si Joycee. Madadagdagan pa ang mga EB girls (sana boys ang madagdag ahek!)

Eto lang ang masasabi ko Lovely

.

.

.

.

.

.

.

.

nyemas! yayain mo na yang manood ng Transformers! Wala nang hiya-hiya…sayang ang chance!

Andito lang ako…kami…na mga ka-EB mo. Hinde ako ang pinaka-perfect na kaibigang mahahanap mo.Ibang klase din kasi ako pag tinopak pero ilalaban ko nang patayan pag may nagpa-iyak sa kahit na sino sa mga EB girls….promise!

’til next EB!

Paalala sa nagbabasa: hinde magandang kunin akong guest blogger except kung ang topic ay abnormal psychology at sex therapy

Advertisements
Published in: on June 29, 2009 at 10:35 am  Comments (25)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/06/29/an-interview-with-a-dyosa/trackback/

RSS feed for comments on this post.

25 CommentsLeave a comment

  1. Naka naman may guest blogger si Lovely

    at sino yang manliligaw mo lovely. ikaw ah

    oi si kamahalang kikayness pala ang writer.

    HEHEHHE

    hehe nanliligaw eh wala naman eh hehe…uu sya nga guest blogger ko..

    • naks! beys a! wala pang nagkakalakas loob manligaw dyan…baka may kilala ka

      hehe..eh bakit ate nisabi mo na umamin na ung gustong manligaw hehe..ayan tuloy ..hehe..salamat ate ng sobra-sobra sa pagiging guest blogger ko hehe..ang saya..pababalikin kita dito pramis..

  2. may guest blogger galore??? dapat may singing number din pag nagge-guest sa kuta ni lovely, whehehe!

    at dapat may feykchur… para bonggang-bongga ang pagiging guest blogger! whehehe!

    uu nga noh dapat pala nasabi ko rin kay ate un hehe..hmm neks time ikaw naman ate winkie ha hehe..

    • naku, mahiyain akong maglagay ng pic dito…baka batukan ako ni lovely…ang korni nga ng topic ko e…wla akong maisip na pwedeng ilagay na makabagbagdamdamin

      ate ang topic mo sobrang sobra na naapreciate ko..love it..mwah..

  3. ahaha! ang biba talaga ni Ms Winkie. kakatuwa ang comment. tama sya rhona, sana nag-sing and dance number ka na rin. hehe

    kakatakot pala awayin ang mga EB girls kasi… nakikipagpatayan ang machong-machong si Rhona. hehe

    kaya matakot ka monkay ate rhona pa lang ehhe..

    • ay oo naman….aawayin ko talaga nang bonggang bongga

      madalian yan e kaya hinde ako nakapag-prepare ng song and dance number

      hehe bonggang bongga na nga nagawa ni ate hehe..salamat talaga,,

      • dapat next time kakanta ka ng Lucky by Jason Mraz at Colbie Caillat. tama ba spelling. correct me if ur wrong. hehe

        haha si ate pa talaga ang mag kokorek sa mali nya eh noh hehe..

  4. asus…at may secret ang lovely…NABUKO ka na..umamin ka na! hahahahahahahha

    ha anong sedret hindi yan secret hehe totoo yan haha jokeness..

    • nakupo! patay ako kay lovely! anong secret ang nabuko mo?

      hanu nga ba ate un..hehe..

      • lagot ka kikay hahahhahahaa
        di nga mapakali si lovely kahapon
        tanong sya ng tanong kunga ano raw pinost mo!!!

        heheheheh

        ui hindi naman napag hahalata tuloy ako na naexcite hehe..totoo naman,..

      • sabihin mo binuking ko na ang sikreto nya hehehehe

        medjo nabubuking na nga ko eh hehe..

  5. okei nauuso na talaga ang guest blogger..parang gusto din kitang gawing guest blogger tas ang topic ee tungkol ciempwe sayo tas yun na gagawin kong entry sa kontes mo..anu deal?ahaha

    kayo mag usap nyan ni ate kikay hehe..

    • nyahahahaha….magandang idea yan kaso mahal ang profeyshunal fee ko nyehehehehe…woist online ka ba?

      ate online kami asan ka na ba hehe..

  6. kikayness OT: alam mo kaya di ako nakaka koment sayo kasi usually ang time ko for blogging ay sa ofis haha pero sa ibang blogspot nakakacoment ako kasi yung sayo kelangan pa daw akong magsign in sa Wp e bawala sa opisina namen ang WP ka ang nagyayari di na ko makakoment. puro basa lang kahi gusto kong sumawsaw sa kulitan nyo. ayun. pero sa ibang blogspot hindi na kelangan yung mag sign in. hmm… ok sige yun lang hehe

    @lovely, sino ba kasi ang nagkakacrush sayo at crush mo? ikalat mo na sa buong web hehe

    ayoko medjo buko na nga ako eh hehe..sekret muna saka hehe..basta..

  7. at andito pla ang aking kafatid na (feeling) DYOSA…ahihi
    wow ang sweet nyo nman lovely, labs na labs ka talaga ng sister ko.. ^_^

    oo nga nman yayain na kc yan at ngmakapanood ka na ng transformer 2..ahihi!

    hmm ate tayo rin CF di ba hehe..at kasama ka na dapat sa susunod na EB hmm..ate sa tingin mo may right ako na yayain sya manood hehe..nahihiya ako haha..

  8. salamat ate kikay dito …

    salamat..

    mwah mwah…

  9. @ kikayness- talaga naman pang ibang lebel na tong prenship ng mga mariang ito..maghahalo ang balat sa tinalupan(tama ba?).. haha 😉

    pssst lovely.. sa akin mo na lang ibulong

    kuya pm mo ko ibubulong ko sayo hehe..

    • ay sos! oo naman

    • @ talaga ha? mamaya ibulong mo sa akin

      • @lovely

  10. aba may manliligaw ka garl, baket di ka naman nagsasabi jan, daya naman o.

    ah basta garl, kahit lagi akong wala, kahit hinde niyo ko maramdaman, alam mo naman na basta itext mo lang ako o i-ping sa YM to the rescue ako lahat para sa inyo.

    lab ko kayo my EB gels! *mwahergggs*

    hehe..hindi naman un nanliligaw sis di ko alam kung meron bang something samen haha..but were friends as in hehe..mwah..

  11. ang cute ng EB girls!!!

    haha..todo papuri si papa mon oh ehhe..takot kay ate rhona haha..

  12. wow ang astig naman….

    salamat nga pala sa pagdaan sa blogbahay ko.
    marahil yun ang pamamaraan mo ng pangwe welcome sa mga baguhan dito.

    add po kita ha?

  13. Ehehe miss kikayness…pwede ba kitang kunin sa sex therapy? magkano ba ang singil mo per consultation? hahaha

    Makulay pala ang sinabawang gulay nyo ni lovely. Goodluck sa inyong dalawa. Hugsss!

    ate heleyna napatawa mo ko sa sex therapy na yan hehe…hugsss

    • naku neng, 750 per consultation pag sa babae…boys ang forte ko e


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: