you want to dance with me?

akswaly nakiuso lang ako sa emo mode post ng iba..hehe..kaya naging emo ako hehe..kalimutan na ang nangyari nung nagdaang araw..alam ko naman na wala na kong mapapala kung mag aantay pa ko sa hinayupak na un..bading kasi sya bading hehe,,..heneway my way…

mag share lang ako ng isa sa gusto ko ulit gawin tulad ng pag lalaro ng baseball/softball, eto ang pag sasayaw..wala sa itsura na nag sasayaw ako noh hehe..edad 5 yrs old pa lang daw ako mahilig na ko sumayaw palagi akong kasali kapag may mga events sa school from prep to high school di ako pwedeng di nawawala sa kung ano-anong interpretative,modern dance, cheering, at sa mga dance contest kapag pyesta samen,..

mahilig na kong sumayaw noon pa..natatandaan ko pa ang (mr.jones,angelina,makarena,barbie girls, madami pang iba medjo natanda na ko di ko na maalala hehe.)

prep ako sumayaw kami ng klasmeyts ko ng tinikling, at ung may bao sa katawan (may picture kami nito pero dahil sa bagyo na hindi ko na matandaan nalunod ung picture ayun hindi na namen sa save pa..)

grade school mga pambansang sayaw ung sinsayaw namen,di ko narin matandaan tumatanda na talaga ko, pero natandaan kong sumayaw kami ng mr.jones nun malapit na mag pasko nun..

high school : sa 1st year parang nahihiya pa ko sumali sa dance troupe nun, alam nyo naman di ba pag freshmen ka may time na may hiya pa nun hehe nangangapa ka pa..3rd year na ko nung nag audition ako sa dance troupe, kapag interpretative dance ng linggo ng wika, kasali pa rin ako na try kong maging agila hehe..dahil sa song na ininterpret namen (pasensya na di ko na din maalala ung song) every time na may interpretative dance sa kada subject laging kasali ang lola nyo..haha hinakot ko eh noh..4rth year na nung mapasama ako sa cheering squad..nakakatawa dahil kapag 4rth year un ang laging panalo, effort kung effort haha..

ang hilig ko sa mga movie na tungkol sa sayaw tulad na lang ng mga movie na YOU GOT SERVED, STEP-UP 1 & 2..at ang manood ng mga dance contest sa TV, sa bayan,o barangay, at sa mall..update ako sa mga ganyan ngayon na lang hindi dahil sa trabaho..madalas din ako sa disco pero nanging madalang na dahil pa nga rin sa trabaho hehe..pero ok lang hehe,..ipinamana ko na lang sa kapatid kong lalaki ang pag sasayaw naks!gumaganun ako..sya na ngayon ang madalas sa kung ano-anong sayawan suportive kami/ako pag dating na may dance contest syang sinasalihan, suportive ako sa damit nya kahit ako wala basta sya meron, (wag ko lang malalaman na he taking bad thing na alam nyo na kung ano..)

sa mga paborito ko nga pa lang movie kung di nyo pa to napanood share ako konting clips..

STEP UP 2 FINAL DANCE(grabe gusto kong sumayaw sa ilalim din ng ulan at ka-partner ko si chase,atΒ  gayahin si andie sa the moves syang ang lupet-lupet..

YOU GOT SERVED( dito ko sobrang manghang-mangha dahil sa dami ng break dance at ang matagal na head spin na ginawa nung cute na maitim hehe..)

at dahil sa nag pakita na rin naman ako nito lubusin ko na ang suporta sa kapatid ko hehe..eto ung mga nasalihan na nilang contest..

pasensya na sa kuha ng video..nasa taas kasi kami naka pwesto ng mga girls friends lang naman ng mga lalaking yan hehe..at patay sindi ang ilaw hehe..asan ang kapatid ko..basta ung laging nasaunahan, at may scarf na green sa ulo, mdami pa sana tong video eh, hindi ko na ipost ung iba hehe..makapal na masyado mukha ko..at sa kapatid ko madami na kong sinabi sayo..kung san ka masaya susuportahan kita hehe..

o? ung video ko wag ka ng umasa wala akong naging video sa you tube habang sumasayaw di pa ksi uso digi cam nun hehe..

you want to dance with me?..let’s have a party..

Advertisements
Published in: on June 26, 2009 at 7:08 am  Comments (42)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/06/26/you-want-to-dance-with-me/trackback/

RSS feed for comments on this post.

42 CommentsLeave a comment

  1. wow
    dancer ka pa la lovely

    hahaa

    sige nga sample sample!!!

  2. @jayson..sa tingin mo matutuwa ka kapag nag bigay ako ng sample haha..

    • depende sa sample.. nyahahahhaha

      wagnut:” makarena hehe..ehhh makarena…haha

      • yung may pole.

        flag pole ba tawag dun?

        haywan ko…haha

  3. sAYAW KUNG SAYAW! so dancer ka rin pala ha…ano pa…..ano pa ang iba mong talent…..bilis po….para malaman naman namin…
    enewey! mmmmm…..lovely ang dakilang mananayaw! yan ang bago mong title!

    wagnut:” pansin mo kuya ang dami kong talent noh hehe..itra-try ko na nga rin minsan kumain ng apoy eh hehe…ang sosyal ng tittle ko kuya blu hehe..

    • kakain ka ng apoy? ay, teka may naaamoy akong nasusunog.

      hm, baka kaluluwa ko yun ah! hehe.

      ang dami mong talent lovely. pwede ka ng maging parte ng FBI. alam ko na susunod mong talent, maging si darna!

      syempre nag papakitang gilas na ko ngayon pa lang..u know..baka sakling sumali ako sa talentadong pino, o kaya sa kakaibang bida haha..

  4. naks! kaya kita prenli pren e…pareho tau ng hilig…mahilig din ako magsayaw….

    ..at peyborit ko rn ang step up (1 nga lang), you got served at take the lead πŸ™‚

    wagnut:” mga talentadong babae talaga tayo ate hehe..i hope may mainlove na satin nito hahah..jokeness..movie marathon tayo minsan puro movie lang bout dancing hehe..tapos saka tayo sasayaw..yebah hehe..

    • ay sige…sino ba susunot na magbebetdei?

      sino nga ba?

  5. huwow,,,,,pa dnce dance na lng hehe

    wagnut:” kasama sa pag laki un hehe..naligaw ka?

  6. ay naku sis batang bata ka pa no kase tandang tanada mo pa ang makarena..hehehe

    wagnut:” yap batang bata pa ko sa itsura haha..

  7. sporty na dancer ka pa, dami mong talent

    kuya hehe salamat pero mas talentado ka..galing galing avid fan mo na ko ngayon..

  8. wow.. yugyugan na lovely!

    igiling-igiling …hehe

  9. video mo naman
    i wanna see yah dance

    wee… sensya sa late comment
    mwahh

    weeee nakakatampo ka na nga eh ..hmp..u wanna see me while dancing sige pag ui mo papakitaan kita pero hindi careless whisper ha..utang na loob hehe..mwah

  10. talagang literal na dance pala… hahaha

    lovely sorry nakalimutan kong iadd ka sa YM…

    ganyan ka naman eh hehe..add mo ko magtatampo ko sige ka hehe..

    • hala ka alvin

      lagot!!!

  11. ilabas ang cassette tape ng instrumental. ilabas ang mga flashlight. iurong lahat ng upuan at table. patayin ang ilaw.

    this is it! macarena!

    ahaha..talagang may instrumental at cassette tape ha ehhe..paano naman ang costume ko..

  12. kainggit naman… dancer ka pala. sana binayaan din ako ni God ng ganyang talent.

    ate gusto mo teach kita gawa tayo intermition no.sa piberdei ni ate kikay hehe…

  13. bumuo kami ng dance crew dito sa cebu..ha ha ha..sali ka.ikaw yung ihahagis hagis namin..ha ha ha..

    sure hehe sanay na ko ng hinahagis eh pero sa tingin mo kaya nyo ba ko haha..

  14. wow galing naman ng kapatid mo. eh bat di kayong dalawa ang mapunta sa isang group kaya hehe?!!!

    mr.jones,angelina,makarena,barbie girls — yan din mga sinasayaw ng inaanak ko dati…ayun lumaking bakla ata ang hitad. lol

    hehe oo sya ata ang magpapatuloy sa dream ko hehe..haha..un lang masama kapag mga girls ang kumanta ng mga sikat ng dancing song..tulad ng lang ng pussy cat dolls, kita mo naman kung paano mag dont cha ang ibang mga ka pederasyon..hehe..

  15. ahahaaah. sobrang naaliw ako sa entry na to! naalala ko din kasi ako nung bata pa ako (well, mas bata pa ako i should say!) kasi walang puknat din sali namin ng tropa sa mga pa contest kahit isang kabang bigas nag premyo tinitira namin! ahahaha eh nung nag college naman na ako, medyo nahati kasi kumakanta naman ako sayang raket ahehehe.

    cool naaalala ko pa din mga tugtog na nabanggit mo ahahah isama mo pa nag “lick it” “dont wanna short man” “it began in africa” “hey mickey!”

    ahahahah cool! sarap balik balikan!

    yang lick it tuwang tuwa ako dyan haha,.hey mickey..yeah hey mickey sarap nga balikan kuya hehe..salamat pala sa pagdaan..balik ka hehe..

  16. frustrated dancer ako kaya nag enroll ako sa aero with hip hop and other dance as a replacement for aero..

    but i cant keep to cathc up on the moves and my friend says that im making my own steps ha ha!

    talagang pwede ka naman gumwa ng sariling step eh, pwedeng hindi ka mag enroll sa mga dance school meron jan mga dancer na willing mag turo hehe..tulad ng brother ko..sa mga bata minsan nagtuturo din sya pag may time na wala naman syang events na pinupunthan,..

    • ganun ba muf! hehe.

      pwedeng mag plug? hehe. pabisita naman ito! atsaka ito!

      kung may time ka lang! salamat! hehe.

      nabisita ko na ikaw pa lakas mo sakin eh hehe..

  17. turuan mo naman ako sumayaw lovely..

    sure kaylan ba uwi mo ng maturuan ka at maitapat na kita kay shaina ..

  18. wow sis lovely, magaling ka palang mag danz moves….tara lets groove to the beat of….tinikling….

    oh ha? at least makabayan ang dating…LOLs

    kuya..let get to party yeah hehe..abat di ka ata bisi naligaw ka hehe..

  19. sis lovely pasensya na at ngayon lang ulit ako nakadalw sa iyong bahay, sobrang bisi-bisihan ako ngayon…daming work

    ok lang kuya ang maligaw minsan eh ok na sakin hehe..work lang ng work..para makauwi na neks year..

  20. wow dancing queen ka pala. sino naman ang hinihintay mo hehehehe tama yan dance lang ng dance, healthy pa sa katawan.

    yes hehe..kuya sayaw ka rin hehe..

  21. wala daw sa hitsura, di naman sobra naman humble mo sis..marunong ka pala sumayaw ha..

    opo hehe…pero sa ngayon mukang tumigas na ata katawan ko tagal na rin kasi di nasayaw mahigit limang taon na rin hehe..ikaw ba?

  22. kakauwi ko lang. hehe. di ko lang alam kung nakauwi na sila jason at alvin!

  23. ako, folk dance lang yata ang nasayaw ko. haha. elementary pa yun. yun kasi yung madali, pasway sway lang. yung mga tipong street dance, nakow, mukhang magkakabuhol buhol ang paa ko dyan

    naku madali lang ang street dance hehe..pag na try mo masaya,..kamusta watusi..nabisita namiss ko bahay mo mapuntahan nga..

  24. hehe alam kong dancer ka πŸ™‚

    di na ko nagtataka kasi kanino ba magmamana ang mga kapatid mo, e di sayo lang!

    sana magtuloy tuloy ang pagsayaw mo.

    nextime na EB nyo sayaw kayo ha tas post nyo dito

    ang theme? hmmm… perly shels hehe

    takecare lovely!

    huwawaa perly shels talaga ang trip mong ipasayaw sakin ha pwedeng hip-hop na lang haha,..salamat

  25. pareho pala tayao mahilig sa dance flicks… napanood ko rin yang step up 2 pati na rin siempre yung step up (1). heheh yes naalala ko rin nung nag-aaral ako mahilig din akong maisali sa mga dance presentations – folk dance, ball room, interpretative and of course hip hop. pero sali-sali lang ako… hindi yung pang-kumpetisyon hehehe.

    mabuhay.. masarap sumayaw nakakapagpalimot ng stress and problems. and another form pa yan ng exercise. mabuhay po!

    talaga tara gawa tayo ng grupo hehe,ng maipag patuloy ko na ang dream ko haha..kaso hirap lang busy sa work de pwedeng piliin ang pag sasayaw bread winner kasi ang lola mo hehe..u r right nakaka tanggal talaga ng stress ang dancing..

  26. i never gonna dance again!!! careless whhisper!!

    oi lovely ang napagusapan natin!!!
    hahahahahha aabangan ko

    acheche

    ha?ano un?hehe..about san bulong mo sakin dali memory gap eh hehe..

    • yung tungkol sa ano – sa D.

  27. ..perform ka ate pag may EB ulit. madaming pupunta. pramis. hehe. πŸ˜‰

    hehe sige sasabihin ko neks time na mag sasayaw ako kapag maraming pupunta hehe…

  28. lovely request pwede?

    isang tumbling naman dyan..hahaha

    ow sure…eto na..nakita mo ba?hehe…

  29. wow!! dami mo nasalihan!! hehehe..

    at buti ka pa marunong sumayaw.. hehehe..

    hmm ehhe puro saling ket-ket ako jan ate hehe…

    • hmm.. at least you have the talent^^,

      at ang galing mo!!;-)

  30. WOW! HAHA. napaemo na nga rin ung post q eh. ewan q ba.. nakakahawa dba? πŸ˜‰

    proud sister! πŸ™‚ galing2x ni kapatid. kaw din sana maglagay ka ng vid ate lovely. πŸ˜€ ung tinikling days mo. hahaha

    wala kasing video pa nun di pa uso kaya wala akong mapakita senyo hehe…kuya rifter hehe..

  31. nung elem ako nagsasayaw din ako…grade 3 ballet nung nag grade 4 ako shift naman sa ballroom nung hiskul iba na inaasikaso ko..ahehe

    ano na inaasikaso mo hehe..

  32. sali na sa pacontest ko hehehe

    kapag kaya ko ang ipapagwa mo sasali ako kuya hehe..

  33. baka gusto mo ng domain, check my last post

    cge kuya dadaanan kita mamaya..

  34. huwaw naman dancer ka pala… mana ka talaga kay ate joy mo… hahaha… πŸ™‚

    xempre naman ate ..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: