maging akin ka lamang (part 3)

Lalong nagkalapit sina roxanne at raymond nang mga sumunod na araw. Laging isinasama ni Roxanne si Gellie sa mga lakad niya gaya ng pagsashopping,panonood ng sine, pagbo-bowling at pag-aatend sa ilang social gatherings. bagamat kasama rin nila si raymond,dahil ito ang driver ni roxanne,mas madalas pa ring magkausap ang dalawang babae.”nakakainggit kayo ni raymond,ang sweet-sweet nyo,”komento ni roxanne.araw ng Linggo no’n, niyaya niya si gellie ng mag work out sa fitness gym.

Mag boyfriend ka na kasi. marami ka namang suitors na bukod sa may sinasabi sa buhay ay mukha namang mababait.” mukha lang mababait, gellie siyempre, nanliligaw e, pero kapag boyfriend mo na, o asawa mo na, doon lumalabas ang pangil. ayokona na. ilan na ba ang naging boyfriend ko, puro palpak naman. si jojo arogante. si alvin, napaka seloso, at si frank, super babaero na, drug user pa. mabuti ka pa nga, okay ang lalaking ibinigay sa iyo ng Diyos.” ganon naman ang diyos eh. ikainakalat ang blessings,” ani gellie habang nag eehersisyo sa thredmill.” ipinanganak akong mahirap.salat sa maraming bagay,pero maswerte naman ako sa pag-ibig.” mabuti ka pa nga eh,” namanglaw ang mukha ni roxanne. saka nag pakawala ng malalim na buntunghininga.” ako eto,tingnan mo i have everything.pero loveless may kulang sa buhay ko..

“na hindi malayong matagpuan mo rin.hindi ka lang yata maganda,mabait pa.Gago na lang ang lalaking hindi maiin-love sayo.nangiti si roxanne sa tinuring ni gellie. yan ang gusto ko sayo gel.you always wish me the best..”mas magaan ang trabaho,mas malaki pa ang suweldo.napakalaking kaginhawahan ang idinulot ng bagong trabahong ibinigay ni roxanne para kay gellie.kaya nga,wala nang bukambibig ang dalaga sa harap ng tatay niya’t madrasta kundi si roxanne.at kahit si raymond ang kasama niya, si roxanne pa rin ang topic nilang madalas.

see? ang bait talaga ni roxanne,ano?pinayagan niya tayong mag half day sa trabaho para lang mai-celebrate natin ang fourth anniversary natin bilang mag steady.” ani gellie habang nakaabresiete kay raymond.palabas sila sa sinehan.”nagtataka nga ako kung bakit sobra yatang bait ng babaeng yon, dahil hanggang ngayon, tinatanaw pa rin niyang utang na loob ang pagkakaligtas natin sa buhay nila ni mang insiong.akala daw niya,mare-rape na siya sa tatlong lalaking yon, saka gagawing chop-chop lady,kung hindi tayo sumaklolo.”pumasok sila sa isang fastfood center.pag-upo nila’y may iniabot na kahita si gellie sa nobyo.”happy anniversary,”masuyong bati niya sa katipan.bukod sa roses na ipinadala ni raymond sa opisina knaina bilang pagbati nga kay gellie,may isa pa siyang regalo para rito.may dinukot sya sa bulsa na isang velvet na kahita.”happy anniversary rin sweeteheart..”ganting bati ni kay gellie.nang buksan ni raymond ang kahitang iniabot ni gellie ay nanlaki ang mga mata niya.isang mamahaling men’s watch ang laman niyon.

mahal ito ah! baka naman inubos mo na ang isang buong taong sweldo mo rito,”humalo ang tuwa sa pag-aalala sa sobrang paggastos ng dalaga.”actually,matagal ko na talagang pangarap regaluhan ka niyan.kaya lang hindi nga ako makaipon ng pambili.”at dahil ten thousand na ang suweldo mo ngayon isang buwan kaya gumastos ka na nang ganito..”si roxanne ang kasama ko kaninang namili ng ireregalo sa iyo. nabanggit ko sa kanyang yan ang gusto kong iregalo sa iyo. tinuungan niya akong mabili.hulug-hulugan ko na lang daw kanya.”hindi mo na sana pinagkaabalahan pa ng ganito ang ireregalo mo sa akin.dati naman tayong sanay sa simpleng regalo lang”, habang sinasabi yun gagap ni raymond ang palad ng nobya.”siyempre,mahal kita kaya gusto kong ibigay sa iyo ang lahat ng maganda. saka, hindi naman ako mabibigatan dahil hinuhulug-hulugan k lang naman kay roxanne, e. katuwiran ni gellie.”o isuot mo na.”

si gellie na mismo ang nagsuot ng mamahaling relo sa bisig ng binata.”masyadong na yata kayong nagiging close ng boss natin,”makahulugang puna ni raymond sa nobya.”super bait kasi siya.lahat halos ng meron siya’y isini-share niya sa akin.” hindi naman kaya may kapalit siyang hihingin pagadating ng araw?”natigilan si gellie sa sinabing iyon ni raymond.”anong ibig mong sabihin?” wala naman akong masamang gustong ipakahulugan sa sinasabi ko, gel.kaya lang,naiisip kong ang mga taong nagiging matalik na magkaibigan,iyon ang madalas ay nagiging mortal na magkaaway.alalahanin mo,gel.magkaiba kayo ni roxanne.amo siya, tauhan ka lang niya.matayog siya, nakatapak lang tayo sa lupa. kahit nagpapakita siya ng kabutihan sa iyo,sa atin,may pader pa ring hindi basta matitibag sa pagitan natin.” nagbahan ang anyo ni gellie.nanatili lang siyang nakatitig sa nobyo.may laman ang sinasabing iyon ni raymond.nagtataka na siguro ito kung bakit ganun na lamang ang kabutihang pinapapakita ni roxanne sa kanila.sa kanya partikular na.may kapalit nga kayang hihingin si roxanne pagdating ng araw?

“hoy, miss, natahimik ka na dyan?nandito tayo para mag- celebrate at mag-enjoy, ano! umorder na tayo ng pagkain,pukaw ni raymond sa knaya.”huwag mo ngang intindihin yung sinasabi ko.kumain na tayo dahl pagkatapos,may pupuntahan pa tayo.”saan?”puno ng kapilyuhan ang ngiti at tinging isinagot ng binata kay gellie.”ikaw ha, kung ano na namang kalokohan yang umaandar sa utak mo, mister” anniversary naman natin, a?baka bigla tayong mapasabak sa wala sa oras na pag-aasawa,ikaw rin.”maganda na naman ang kinikita natin e,si raymond..”iniisip ko na ngang yayain kang pakasal.”nakakahiya naman kay roxanne.magdadalawang buwan pa lang tayong nagtratrabaho sknya. “saka unfairdin naman yata sa tao yung pinag-iisipan natin siya ng hindi maganada.siya na nga itong tumutulong sa atin,eh”sige na.wala na po akong sinabi.basta’t yung sinabi ko ha,next month,magsimula na tayong mag-ipon para sa kasal at future natin.”oo na po,mister,”nangingiting pakli ni gellie.

Ikwento mo naman sakin kung saan kayo nagpunta kahapon at kung paano nyo niselebra ni raymond ang anniversary nyo.”kinikilig na untag ni roxanne kinabukasan kay gellienang ipatawag niya ito sa opisina niya kinabukasan,para hingin ang ilang reports na kailangan niya.”secreeet” nangingiting sabi ng dalaga,habang nauupo sa silyang nasa harap ng mesa ni roxanne.”ang daya mo naman,ayaw mong i-share sa akin ang nangyari.para naman tayong hindi magkaibigan nyan eh”kunway nagtatampo ang tono ni roxanne.dumekuwatro ng pagkakaupo si gellie”huwag na,baka maiingit ka pa..”aniya”luka-luka ka talaga”sige na, ikwento mo na.malay mo,baka bukas,sagutin ko na ang isa sa mga suitors ko.”o, soge na nga.”ani gellie.tutal pareho naman tayong babae.ba’t ba mag-aalangan pa akong magkuwento sayo.”saan ba kayo nagpunta?anong nangyari sa date nyo?nagusutuhan nya ba ang binili nating regalo?”sunod-sunod na tanong ni roxanne.nanood kami ng sine,tapos kumain sa labas,tapos..” “tapos ano?”excited si roxanne na malaman ang idurugtong ni gellie.”kinulit ako ng loko,”nawawala ang pagka-conservative ko kapag si raymond na ang nag lambing.kaya hayun..nagpunta kami ron..”ay, nakakainggit naman”kinikilig na reaksyon ni roxanne.”masarap bang magmahal si raymond,ha gellie.?”super, roxanne.napakkarinyoso niya.napaka-passionate.ay,ba’t ko ba ito iknukuwento sa iyo.?”magkaibigan naman tayo, eh.saka pareho tayong babae.ba’t ba mag-aalangan ka pa?”mag boyfriend ka na kasi roxanne,para hindi ka na naiingit nang ganyan.”

“kung may makikita lang ba ko akong katulad ni raymond mo, e bakit hindi.” may bundol sa dibdib na nadama si gellie sa sinabing iyon ni roxanne.kung makakakita lang ako ng katulad ni raymond,ibig bang sabihin, katulad ni raymond ang gusto ng kaibigan at amo.”ihanap mo nga ako ng katulad ng boyfriend mo, gellie”ewan kung seryoso so roxanne sa sinabi .ngunit naghatid iyon ng munting pag-aalala sa isip niya.ah, hindi.nagbibiro lang siguro si roxanne.hindi naman siguro isang tulad lang nito ang gustong mahalin ng isang babaeng tulad ni roxanne na hindi basta-basta. si gellie rin ang bumura ng anumang negatibong isipin tungkol kay roxanne.

dahil driver/bodyguard ni roxanne si raymond ay lagi ring magkasama ang dalawa sa lakaran.may mga lakad silang hindi kasama si gellie.at kung gaano kabait ang mayamang dalaga kay gellie ay ganon din siya kay raymond.hindi rin siya nagpapatawag ng mam dito tuld ni gellie.gusto niya’y ituring siya ng binata na kaibigan at hindi amo.isang araw na galing sila sa construction site ng bagong building na itinatayo nila’y inabot sila ng oras ng pannghalian.”sa barrio fiesta na tayo mag lunch,raymond,”anang dalaga.”ikaw na lang, roxanne busog pa naman ako.mamaya na lang ako sa canteen ng opisina mo,”tanggi ni raymond. A hindi. i wont take no for an answer. ang lagay, hahayaan mo akong magmukhang tanga sa pagkain nang nag-iisa?”giit ni roxanne.”pero nakakahiya naman sa iyo kung..”no more buts.basta’t ihinto mo tong sasakyan sa barrio fiesta sa kahabaan ng edsa ay inihimpil niya ang sasakyan sa parking lot nito.umibis sila ni roxanne at pumasok sila sa loob ng restaurant.nahihiya’t medyo nag-aalangan pang sumunod si raymond sa dalaga. si roxanne ang umorder ng pagkain nila.at nang mangalahati na ang pananghaliang inorder nila’y sinimulan ni roxanne ang pagbubukas ng konbersasyon.”hanggang ngayon ba’y nahihiya’t nag-aalangan ka pa sakin?”tanong niya sa kasama.”sabi naman sa iyo,ituring mo akong kaibigan at hindi amo.gaya ni gellie.magkaibigan ang relasyon namin.hindi employer-employee ang relasyon namin.”nakakaalangan.mataas ang kinaroroonan mo.kung tutuusi’y hindi ka namin kauri ni geliie.”kalokohan,raymond.wala namang batas na nagsasabing ang mga taong magkauri lang ang puwedeng maging magkaibigan,a.isa pa, kahit na mga simpleng tao lang kayo ni gellie,daig nyo pa ang mayaman dahil malaki ang puso nyo.”salamat sa compliment.”kiming tugon ng binata.”sabi ko nga kay gellie,ako pa nga ang naiingit sknya.dahil meron siyang tulad mo.salat man siya sa maraming bagay na meron ako,puno naman ng pag-ibig ang buhay niya,kung puwede nga lang,payag akong magpalit kami ng katayuan ngayon sa buhay.lahat ng akin ay ibibigay ko sa kanya.pero lahat ng sa kanya’y ibibigay nniya sa akin.”tila sinilihan sa pagkaka-upo si raymond sa narinig.may ibig bang ipahiwatig si roxanne sa sinabi? at lalo siyang nanlamig sa kinauupuan nang mapansing pinapupungay ni roxanne ang mga mata nito habang nakatitig sa knya.

“nabanggit nasa akin ni gellie na may plano na kayong pakasal”binasag ni roxanne ang saglit na pananahimik ng binata.”plano na nga namin.mga early next year siguro.mag-iipon lang kami.”at para madali kayong makaipon,mas maganda siguro kung ililipat kita ng trabaho.yung mas malaki na ang suweldo mo’y mag-aangat pa sa estado mo.gagawin kitang kanang kamay sa mga project ng construction firm.how about that,raymond.?”nanlaki ang mga mata ng binata sa narinig niyang sinabi ng kausap.siya, gagawing kanang kamay ni roxanne?magandang alok,maganadang tsansang umasenso.pero ano naman ang nalalaman niya sa construction ng mga building?

“ako?” paniniyak niya kay roxanne,gagawin mong kanang kamay?”oo bakit ayaw mo?”hindi naman sa ayaw pero hini yata ako deserving.wala akong alam sa mga pasikot-sikoy ng kumpanya nyo.”madali ko nang maituturo sa iyo ang mga dapat mong matutunan.raymond yun ay kung willing kang matutunan ang mga iyon.”yung kanang kamay kong si gilbert kasi’y hindi ko na gusto ang trabaho.tauhan ko lang siyay mas marunong pa sa akin.napakayabang.kahit ang iba ko pang tauhan ay naiinis sa pagiging dominante’t mayabang niya.”saglit nag-isip si raymond.tinitimbang-timbang sa isip kung tatanggapin ang alok ni roxanne.kung iba-iba lang siya siguro’y susunggaban na niya ang magandang oportunidad para makatiyak siya ng magandang kinabukasan para sa kanila ni gellie.ang kaso’y nag-aalangan siya.sobra naman yatang laki ng tiwala ni roxanne sa kakayahan niya.”opportunity like that knocks only once, raymond.kaya inaasahan kong tatanggapin mo ang maganda kong offer sa iyo.gusto ko ng isang mapgkakatiwalaan at maasahang kanang-kamay sa kumpanya ko.”sa palagay mo, kaya ko ang responsibilidad?”nananatiyang tanong niya kay roxanne na alam niyang seryosong ibigay sa kanya ang magandang trabaho. “oo naman” nangingiting paniniyak ni roxanne”

ayaw mo bang maniwalang totoo ang sinasabi ko?” hindi naman sa ganon.”over-whelmed lang ako,roxanne.sino ba naman ang tatanggi sa magandang oportunidad? kaya lang, baka kako, hindi ako makaabot sa expectations mo.” alam kong kaya mo,raymond.” tinitigan ni raymond ang dalagang kaharap.saka niya inubos ang lamang tubig ng baso niya.

“ngayon pa lang, roxanne..nagpapasalamat na ako sa iyo.”

isang makahulugang ngiti rin ang isinukli ng dalag.saka tinapik-tapik ang kamay ni raymond na nasa ibabaw ng mesa.kung marunong lang bumasa ng isip si raymond,tiyak na mahahalata niyang may lason sa pagkakangiti ni roxanne.

P.S pasensya na kayo kung matagal bago ko nai-release ang pangatlong kabanata..salamat..

Advertisements
Published in: on June 25, 2009 at 8:14 am  Comments (26)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/06/25/maging-akin-ka-lamang-part-3/trackback/

RSS feed for comments on this post.

26 CommentsLeave a comment

  1. lovely, sorry. di ko siya binasa. 🙂

  2. hmmm the plot thickens..nanaka-excite….

  3. wait di ko pa nababasa. pa comment muna..

    pa advertise na rin:

    http://bernardumali.wordpress.com/2009/06/23/best-friend-pluto/

    hehehe

  4. ang haba… bukas ko babasahin pag dating na pagdating ko dito sa office… hehe

  5. di ko pa nabasa sis..cencia bc maxado..bukas i’ll find time para mabasa ko..okie..mizue!

  6. saglit balikan ko ang umpisa ng post mo ang haba e

  7. ang haba nito ah! pakikwento na lang sa akin pag nagkita tayo uli. whehehe!

  8. haba..pero binasa ko ha!

    ano ba nangyari?hehe

  9. naku naman! bitin naman! gusto ko nang kurutin sa singit yang roxanne na yan

    • rhona!!!!!!!!!! oi

      rhona!!! rhona!!!

    • parang si anu lang ba?si anu..ahmmmm di ko maisip…meow!

      weh sino?

      • ay naku! ay naku! at isa pang ay naku!

        hala ano kaya un?

      • alangan namang hindi ako sumali sa usapang ganito.

        teka, anong kaguluhan ito?

        ikaw kasi ang promotor eh hehe..

      • ako ba?! hindi ko alam. wala akong kasalanan. di ako ang nagpakalat ng video!

        pareho ng IP address mo ikaw un haha

      • hinde! kaw talaga promotor

        o kitam may kakampi ako haha,..talo ka ax..haha

      • inaaway niyo na ako! hehe. isusumbong ko kayo kay..

        uhm, wala pala ako masusumbungan!

        hmmm belat..

  10. ay..im disappointed…

    walang bed scene?ha ha ha..

    jokeness!

    loko bed scene talaga ang inabangan mo ha hehe..sige neks time hehe..abangan mo ..

  11. hokie nabasa ko na at gusto kong ingudngod si roxanne sa taglay niyang kalandian..ahehe

    • tulungan kita…sama mo na rn si ano…si…si….arfy! nyahahaha

      ate sino si arfy hehe..

      • rhona!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

      • naiinggit ako kay hamster.

        rhonaaaaaaaaa!!!

        wag ganun at bakit naman hehe..

      • arf…arf…sino kaaway?

        gets?

        haha un pala un hehe…

  12. wihh! drama galore..

  13. ang haba. naumay na kong basahin. pwedeng magkwento ka na lang, lovely? huhlolz!

    wagnut:” sige ikwento ko na lang pag nagkita tayo..hmmkei..hanep sa gravatar ah..ang puge mo hehe..kmusta naman..

  14. wehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  15. mukhang bukas pa ako makakapag comment ng matino!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: