gago kasi talaga to..pag dating sayo..

aasa na lang ba lagi..

palagi bang dapat sasabihin mong “oo makakarating ako”

…pero hindi naman pala matutupad..

ang hirap sayo nagg bibigay ka ng petsa pero di mo kayang panindigan

hindi naman kita pinipilit na dumating ka

…pero ang palaging ganun na sige antayin mo ko dahil miss na rin kita..

wag ganun..sumasaya ako kapag nasasabi mong gusto mo kong makita..

…pero kapag anjan na sasabihin mong pasensya na nilagnat ako,nagkaron ng problema sa pamilya ko, wala pa kong sapat na pamasahe pabalik jan, hindi ko pa kayang iwan ang tito ko dahil malaki ang utang na loob ko, may trabaho na ko ulit sayang naman kung di ko tatapusin ang termino ko, kung tayo maantay mo ko..sorry talaga palagi na lang kitang pinaasa hindi k to ginusto..

pucha kung may paraan may solusyon, pag ayaw maraming dahilan..sagot kong umiiyak sa txt ko sayo..

lahat ng mga dahilan mo naintindihan ko..dahil kaylangan dahil sa labis na pagmamahal nga talaga ata sayo..umaasang ako ang mamahalin mo,

naging komplikado nung mag isang taon tayong hindi nagkita,naging magkaibigan pero nandun pa rin ang pagmamahal kuno natin sa isat-isa,

…pero talagang nasa puso ko pa talaga ang pag-ibig ko sayo binaling ko sa iba ang atensyon na gusto kong makuha sayo,

…pero hindi un nag work mas hinahanap pa rin pala kita..

…paano ko ba gagawing hindi komplikado ang lahat..na dapat nasa piling kita, kung pwede lang lumipad para puntahan ka hindi ko magawa, sana si darna na lang ako na pwedeng lumipad gaya nya.

…hindi ko na alam kung maiintindihan pa ba, kung handa pa ba kong intayin ka kahit na alam kong may kalabuan kung babalik ka pa nga..

…hindi ko magawang hindi mag-isip kung ang mga words na iniwan mo sakin e,totoo pa ba..na wala kang naging kaulayaw jan sa lugar na kinatatayuan mo..

4 na taon..ang tanga ko na ..ewan ko sayo..bahala ka na nga sa buhay mo..

…pero alam mo bang sinasabi ng puso ko, antayin pa kita..dahil babalik ka raw..

di ba ang korni ng puso ko..gago kasi talaga to..pag dating sayo..

Advertisements
Published in: on June 23, 2009 at 1:35 pm  Comments (32)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/06/23/gago-kasi-talaga-to-pag-dating-sayo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

32 CommentsLeave a comment

  1. ANO BA YAN

    ganun talaga. ibinigay mo kasi ang lahat lahat,
    ayan tuloy. sobra kang nasaktan.
    sabagay pag nagmahal dapat todo..

    pero mahirap talaga masaktan.
    kelangan ng oras at panahon para maghilom.

    pero tama yan. nailabas mo nararamdaman mo.
    kesa naman sarilihin mo lang, bibigat pa dibdib mo.

    Para saan pa’t nandito kami heheh
    para saan pa at nandito na si jason

    cheesee!!!!!

    🙂

    wagnut:” salamat..chesseee

  2. di pala ko nakalog in bagal kasi interneet ngayon di makapasok sa word press. Ahehehe

  3. ANG PAG-IBIG TALAGANG GAGO KADALASAN.

    pero nagpapakagago ka din sa hayup na yun.
    somebody, someone out there deserve much of
    YOUR LOVE. wag mong ipilit na bulagin ang puso mo,

    naks!

    takecare!

    wagnut:” salamat..

  4. alam mo, may kaibigan ako na spammer din. minsan nga nauuna pa siya mag comment sa akin. gusto mo, i-reto kita! hehe.

    • parang ang dami kong nabasang broken hearted ngayon. tsk.

      seriously, there is an indelible division between waiting and expecting.

    • ay! feeling ko bagay sila nyang friend mo yan!

      wagnut:” ano ate?

      • oo nga pakilala nyo naman kay lovely yun para di na sya malungkot

        wagnut:” sa tingin mo?

      • wahaha! period na ang kasunod.

        wagnut:” kalokohan mo talaga..

      • Ax, reto mo na!

        ate seryoso ka?

  5. dami ba ngayong brokenhearted? isa na dito si mareng lovely!…hmmm may nirereto ka ba kay lovely ax….wow love corner na rin pala ito….at si ax mukhang kinakarer ang lovematchmaker..hehehehehe..

    saya naman,,,,,yippeeeeeeee!

    wagnut:” si papa jack ata yan si ax eh hehe..napatawa mo ko dun kuya blu ha hehe..

    • kaso taken na pala si lovely.

      taken for granted. hehe. tsk.

      wagnut:” ax ang kaylangan ko simpatya at advice hindi para asarin mo ko sa time na ganto..huhuhu

      • uy, sorry. hindi kita inaasar. it was not meant to be funny!

  6. hanube girl may ganto ka palang problema hinde ka man lang nagkkwento itext mo nga ako.

    di na ko magcocomment about this dahil sapul na sapul eh kita mo ang puso ko nadugo na!

    wagnut:” ikwento ko na lang sa next EB hehe..salamat sis..

  7. emo ka!emo!emo!emo!

    wagnut:” naman eh..kahapon lang..

  8. alam mo ganda pabor ako sa binibigay lahat kapag nakikipag-relasyon (not sex) kasi obligasyon mo yun sa iyong kasintahan. isa pa ano man ang mangyari, mag hiwalay man kayo sa huli, wala kang pagsisisihan.

    yun lang… (halata bang may pinaghuhugutan)

    wagnut:” dyosko nalula ako..hehe..joke..pinagsisihan oo..minahal ko kasi,,salamat ha..

    • oo nga livingstain, kaw ba? kamusta ka?

  9. paranag mabigat ang mga paratang ng mga salita mo… may pinanghuhugutang matindi… hehhee

  10. teka… ok ka lang ba?

    wagnut:” ok lang ako ate..kapag nakikita ko ung sm sa pangasinan mas naalala ko sya..huwaaaaa..hehe..pramis ok lang po..salamat ate..

  11. ehem…ehem…

    wagnut:” ate may ubo ka ba? hehe

    • ikain mo na lang yan ng hopia… ahahay… o kaya chocolate makakalimutan mo yan weeeeeeeeee.!

      wagnut:” hopia bibili nga ko nyan …ayoko choco..saging na lang hehe//

  12. sino yan?dimo nababanggit sa akin yan aa.nakakatampo!niweis okei ka na ba?

    sus ang kukulit nio kasi ee sabi naman sa paghihintay dalawa ng dapat isipin yun ay
    Patience is a virtue
    and Time is gold..

    alin ba jan ang mas mahalaga?naku kaw talaga..

    wagnut:” kaylangan ko pa bang banggitin hehe..wak ka na tampo misan ikwento ko rin sayo..pareho atang kaylangan yan..paki batukan mo nga ako at ng matauhan na..

  13. aww. inosente ako. wla akong masabi. 😀

    wagnut:” uy di kita nabibisita ah..iwan ka nga ng bahid ng url mo at mabisita ka hehe..

  14. uy, emo post! bakit madalas ang mga drama ngayon? kulang na ba ang mga teleserye sa primetime bida? whehehe!

    well, i just hope you’ll feel ok soon, lovely. kasi naman… si terry na lang! hahaha!

    wagnut:” ate napatawa ako sa banat mo as in..batukan mo na lang ako ate at magiging ok na rin ako heeh..terry gusto nya kong i-date busy pa ko haha..ewan ko dun nose bleed talaga ako..

    • neng, bigyan mo rin sya nang matinding nosebleed…nyahahaha….ako boto ako kay Terry atsaka dun sa nirereto ni Ax nyahahahaah

      ate boto ka rin aba’t may dalawang boto na si terry ah hehe..at sa nirereto ni ax?bakit boto ka ate?

      • ako din boto kay terry..wuhoo..

        ay ganun…at bakit?

  15. Love is not blind it sees but it doesnt mind.. harharhar emo mode

    wagnut:” hindi na ko emo mode hehe..

    • pickleminded, ganyan ba mag advise ang isang pickleminded? hehe.

  16. waaaaa.. lab lab pala ito. ! hehe

    ang payo ko lang sayo lovely, move on!!!apat na taon ka na nag aantay sa wala? are you gonna waste another year(s) for nothing? hehe

    please lang ineng, maghanap ka ng iba!!!

    wagnut:” ate may mairereto ka ba hehe..joke lang..napag-isip-isip ko..na ayoko na mag sayang ng panahon hehe..salamat ate..

  17. dagdag:

    may kasabihan, na:

    pag-ayaw, madaming dahilan pag gusto, di kailangan ng dahilan.

    bow!

    wagnut:” bago yan ate ah hehe..salamat..

  18. naks.
    wala akong masabi.
    marapat kang i-CLAP! CLAP!

    wagnut:” kuya parang natuwa ka pa hehe..ikaw lang hindi nakisimpatya sakin ah ehhe..

  19. uuuy sobrang cheeesy!

    wala lang para maiba lang. hehe!

    o sige eto na nga yung totoong comment…iwan mo na sya ‘day! bago ka pa iwananan ng mundo ‘day. madami pang ibang lalaki sa paligid. maghanap ka ng kamukha nya kung gusto mo. – tita annabelle

    wagnut:” cheseee..dong si tita anabil naman ang nag comment eh hindi ikaw..hehe..para napatawa mo ko dun dong grabe ka talaga..nakalimutan ko sya agad haha…

  20. ngek! late ako. i hope ur feeling better now

    oh yes im ok now hehe..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: