Happy tatay’s day (moments)

Pyzam Glitter Text Maker

hindi kita nayakap kanina,nahihiya kasi ako binibiro ko si nanay na kiss ka, ang sabi ni nanay ayoko hindi pa nag sisipilyo yang tatay mo..tawa naman ako, tay sipilyo ka kikiss ka ni nanay, o sige brailee kiss mo si lolo tapos hug mo..ang mga apo mo ang nagpapangiti sayo di ba..kahit dami-daming problema dumarating satin anjan ka pa rin..mahal na mahal mo kami..

kahapon tinanong kita kung san mo ba idinaan si nanay para mapasagot mo sya, sa pansit ba o sa mami, ang sabi mo..ang nanay mo ang pumikot sakin hindi ko yan niligawan sya ang humabol sakin na kinatawa ko talaga dahil madalas mong lokohin ang nanay sa ganyang way..hehe..

nung pag pasok ko ng bahay sabi ni nanay kaya ka umuwi na sorpresa na walang sinabi kasi babatiin mo si tatay mo noh..bakit sya walang cake o flowers tulad ng binigay mo sakin nung mother’s day..ang sabi ko i know naman ang gusto nyang hilingin sakin eh..di ba tay hehe..alak un..alam ko yun..and ayun nga kagabi lasing ka sa inuman nyo ng tropa nyo..at ang bunganga ni nanay ang sumalubong sayo hehe..pero dahil nanjan si brailee..nag pa cute si brailee kay nanay kaya natahimik na lang ang bahay dahil sa kakatawa na lang namen ni tatay sa pag papa cute ni brailee..

hindi mo na ko pinayagan umalis kahapon dahil pagabi na rin un nung sabi ko aalis ako, pero di ko na tinuloy hehe,,.kasi one day nga lang ung off ko..i give you 100 pang inom..(oo kuripot ako yun lang nibigay ko kasi para di maparami hehe) at kaylangan unahin ang pagkain nyo kinabukasan hehe..sabi ko sayo itabi mo na yan at wag mo ipakita kay nanay hehe..pero alam kong hindi mo gagastuhin yan sa alak alam ko kung san mo yan gagamitin ..kilala kita..hehe..sa mga apo mo pa rin yan mapupunta..

ang dami kong namimiss sayo, natatandaan ko ikaw lagi ang kasama ko kapag grumagraduate ako, since elem, hanggang high school, ang lokohin kami ng mga kapatid ko nung bata kami na pag dumarating ka at tulog na kami ung manok o kahit anong pasalubong mo samen eh ipapa amoy mo samen habang kami eh nakanganga at tulo laway habang tulog haha,..at xempre magigising kami at lalantakan namen ang pasalubong mo kahit madaling araw na yun hehe..

ang dalin kami sa C.O.D sa cubao dati kapag nalalapit ang pasko, ang ibili na pamasko sa SM cubao na hirap na hirap ka sakin dahil every time na nabyahe tayo alam mo na ang nangyayari sakin..suka as in ung kinain ko ilalabas ko lahat hehe,,pero handa ka sa plastic, na gagamitin ko..ang pag kandong mo sakin kapag may byahe para libre na sa pamasahe..na ok lang sakin dahil nakakatulog ako ng maayos..ang pag nood namen nila ate at tropa ng laro mo sa basket ball, ang manood nung ALASKA Vs. GINEBRA sa grand finals sa ARANETA Coliseum at asar na asar ka sa nasa likod natin dahil maka ginebra sya hehe..kahit na dulong dulo tayo sa upuan ok lang sayo, samen hindi hehe..ang manood ng sine na kami lang tatlo ng anak mo ang kasama, at mawawala ang makulet mong bunso..dahil bumitawΒ  sa pag kakawak kay ate na akala natin hindi na natin makikita buti na lang at may isang pulis na nakakkita saknya at hinatid sya nung pulis sa bahay natin..

ang pagkain natin ng sabay-sabay kapag may birthday ang isa satin..dun sa STO.NINO panciteria..ang dami kong naiisip ang dami kong gustong sabihin kahapon pero hindi ko nasabi hehe..hindi ako nakagawa ng letter para sayo pero babawi ako senyo sa 27th wedding aniv nyo ni nanay..treat ko pramis..

hindi ko na isasama dito ung mga panget na nakaraan mo samen ng mga kapatid ko..dahil alam ko naman kaya mo kami napag buhatanΒ  nga kamay dahil para mag tino kami..na ikinatino naman namen..

sa txt ko lang lagi nasasabi na mahal na mahal ko kayo..na kahit itong taon lang na to ko nagawa un dahil sa wala pa kayong cellphone..sinasabi ko rin lagi sayo na tama na ang pag inom, gawin mo na lang 2 times a week hindi 6times a week..kaya ka naka ranas ng matinding sakit ng tyan..iwas iwas na lang po ..sige ka..magagaya ka dun sa na kapost na poster dun sa LRT na ang daming sakit..pero dahil sa sigarilyo un..malay mo ganun din mangyari kapag alak ang bisyo mo hehe..alam ko naman na di ka naninigarilyo..alak lang talaga..hindi ka nag susugal pero minsan lang hehe..

salamat..tay, na lagi kong sinasabi sayo..at walang katapusan kong sasabihin lagi sayo yan..dahil naging mabuting ama ka samen ng mga kapatid ko, naging mabuti kang asawa kay nanay..maraming maraming salamat po..mahal na mahal ko kayo ni nanay..sobra sobra..lahat ng ginawa nyo, at naibigay nyo samen iingatan namen, ..ang suporta mo samen ay isa rin po sa pinag papasalamat ko..im proud of you tay dahil ikaw ang binigay ni BRO samen..

i love you tay..

i love you tay..

gusto mo pa bang manood sa ARANETA..yan ang susnod na tanong ko syo sa susunod na uwi ko ..manonood tayo..kung si Abaryentos ay naglalaro pa hehe..mwahhhh…

P.S binabati ko ang mga lalaki sa blogsphere ng happy tatay’s day..at sa iba pa ..enjoy..hehe..

Advertisements
Published in: on June 21, 2009 at 4:24 am  Comments (16)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/06/21/548/trackback/

RSS feed for comments on this post.

16 CommentsLeave a comment

  1. Happy father’s Day sa papa mo… πŸ™‚

    wagnut:” thanks ate ..also sa dad mo rin..iparating mo sknya na binabati ko rin sya hehe..mwah

  2. Happy Father’s Day sa iyong daddy!!

    anong gift mo sa daddy mo?

    wagnut:” eto ang gift ko pag nagkaron ng pagkakataon ipapabasa ko sknya to..hehe..

  3. alam mo nakakatuwa ang kilig moments pag sila sila ang nagbibiruan. alam m omswerte ako at parang ganyan din ang tatay ko kaibahan lang kasi di nainom yun. well kung anu man ay ako ay talagang nasiyahan sa post mo na ito. veeeerrrry touching. kahit sa ganyang paraan alam ko alam na ng taty mo na mahal mo sya πŸ™‚

    hapi pader’s day sa lahat!

    wagnut:” hehe salamat ..basta iaparating mo ang pagbati kay tatay mo ha hehe..

  4. Happy Father’s Day sa tatay mo πŸ™‚

    wagnut:” sa tatay mo rin ate hehe..grit mo rin ako sknya..salamat..

  5. hehe, nakakatuwa yung post mo! mahilig pala sa basketball ang pamilya mo! sa amin, hindi mahilig si daddy sa basketball! at muntik pang nawala yung kapatid mo sa mall.

    umuwi ka pala senyo, stay in ka ba dyan sa subdivision(?) hehe. nakakatuwa ka naman! umuwi ka pa talaga sa inyo dahil father’s day.

    pero trivia lang ha, ang pinakamaraming messages sa text na sine send ay hindi father’s day. hindi rin christmas. hindi rin new year at lalong hindi all soul’s day.. ano?

    nope.. hindi valentines day.

    ang pinakamaraming text messages according to Smart ay mother’s day. yay, father’s day pala ngayon!

    wagnut:” yap stay in ako hehe..4times a month ako kung umuwi sa bahay…hehe halata talagang sporty ang pamilya namen noh hehe..salamat..hehe…paki grit ako sa daddy mo hehe..mwah

    • hehe = 5 times! dahil dyan, sige, gri greet ko siya!

      wagnut:” wushuuu..hmmkei..

  6. kkaiyak naman itong mo lovely ….punong -puno ng pagmamahal…sa bawat salaysay mo sa mga simple pangyayari sa buhay nyo…..feel ko talaga! happy father’s day sa tatay mo!

    wagnut:” salamat kuya blu hehe..happy father’s day din kay papa mo kuya..

    • yay. bakit ba di niyo binabati si Blu. paano kung father na rin siya?

      wagnut:” matagal pa yun..

      • wahh tatay na ba si blu?

        wagnut:” hindi pa wag ka maniwala jan kay ax..

      • tsk. ayaw niyong maniwala sa akin.

        wagnut:” paano kaming maniniwala..

  7. kapag ganitong mga panahon, naiinggit ako sa mga katulad mong kapiling pa ang kanilang tatay. paki-greet naman ako ke tatay mo ng Happy Father’s Day.

    salamat pala sa comment mo sa post ko πŸ™‚

    wagnut:” naku ate pasensya na..hugs na lang kita..makakarating trhu txt hehe..salamat din po..

  8. Happy father’s day syong tatay πŸ˜‰

    wagnut:” salamat kuya..

  9. hi po…
    happy fathers day po kay tatay…

    wahhhh nakitatay na ako..
    wala ako nun eh~

    add po kita sa listahan ko po ah.. πŸ˜‰
    anyway my feysbuk acct..

    tuutuukii@gmail.com at salamat sa pagdaan sa aking
    ‘mahiwagang basurahan’ πŸ˜€

    wagnut:” ok lang..tatay din naman ng lahat ang tatay ko eh hehe..oh sure tnx sa pag add hehe..salamat din sa pag daan..

  10. Just seen your site po.. You’re a good writer. I will constantly visit your site. Happy Father’s day πŸ™‚

    wagnut:” salamat po..happy father’s day din po kay tatay mo..

  11. ANO ba yan lovely. ngayon ko lang nalaman
    may background music pala
    blog bahay mo
    heheehee

    ngayon lang kasi ako nag open ng sounds sa pag iinternet!
    hahahah

    wagnut:” naku tagal na may sounds to hehe..

  12. happy belated dad’s day sa tatay mo loveley! hinde ako nakagawa ng post about father’s day, hay 😦

    wagnut:” ok lang sis alam ko naman love mo si daddy eh hehe..salamat..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: