Base Ball/Soft Ball being one of the player

napatitig sa patak ng ulan, bumabagsak na ang lupa ang sumasalo, pero hindi umaaray sa sakit na pag hampas sa lupa,sana ulan na lang ako ng di ko nararamdaman at hindi ako nag rereklamo sa sakit na bumabalot sknya..wahaha hindi to emo post napatitig lang talaga ako..tulala sa isang tabi at di mapakali ating nakaraan minumunimuni haha…kumanta,im practicing my self sa bonggang bonggang video-oke na gaganapin sa july hehe..pero hindi na mga tittle ng kanta ang topic ko..

na miss ko lang naman mag laro ulit apoy baseball/soft ball, nagtataka kayo noh, kung paano ko kinayang mag laro nun sa liit kong to, hehe..well opo player ako dati..hindi pa ko sa school naglalaro, 1 yr high school ako nung sumali ang kapatid kong lalaki  sa training ng base ball sa lugar namen, at nanging player sya ng bara=barangay, nag simula sya pagiging water boy outfield,grass line, infield sumunod nun nag aral syang mag catcher, at maging pitcher, per mas nabigyan nyang pansin ang pagiging catcher,ng mag karon na ng laban o tinatawag na inter barangay hindi lang naman po sa basket ball un hehe..nanonood kami ng tatay at nanay ko, umagang tapat..mga alas syete ang laro..magandang vitamin-c haha,..mas masarap kasi ang ganung umaga..

nag simula ako sa nood-nood lang sa kapatid ko every time na may game, tapos ang hiramin ang gloves at baseball ball at mag sariling praktice kasama ang pinsan kong babae, saluhan lang ang laro namen nun sa labas pa ng bahay, hindi dun sa open ground na nilalaruan ng brother ko, ng minsang nanonood kami pag katapos ng laro, nag announce sila ng free training sa base ball pwede ang babae at lalaki, age 9yrs old to 15, eh mag fifteen na ko ng month ng april summer training program sya..at dahil pag kakataon narin namen un ng pinsan ko sumali kami,payag ang tatay ko dahil sa iba daw talaga ang may sports kaya ok lang sknya dahil naging player din sya nung bata,sya tapos isa din sya sa MVP ng basket ball nung kabataan nya hehehe..

at nag simula na nga kaming mag training, masaya sayang lang at wala akong pcture na mapapakita sa inyo kasi tagal na kong di naka bisita sa open grounds sa marikina river park at yung mga naging coach namen eh sinundo na ni bro..namimiiss ko na rin ung mga nag turo samen ang babait..at isa sa coach namen ang naging paboritism nyang player eh ako haywan ko kung bakit eh isa sya sa nag sabi sakin na ipag patuloy ko hanggang mag tapos ng hig school ang pagiging player ng SOFTBALL at tutulungan nya kong maging varsity player at makapag aral sa UE at maging scholar sa School na yun na nung nag lalaro ako eh naging pangarap kong mag aral dun dahil sa naririnig kong back ground at nakita kong open field ng university na yun ang lawak ng field nila..

until mag 2nd yr ako hindi ako sumali sa Soft Ball player ng INTRAMS namen, takot pa ko nun, hanggang mga naging tropa ko lang sa training ang madalas kong makalaro, ng kausapin na ko ni Mang Fred na bakit hindi pa ko sumasali sayang daw ang mga ni train ko sa larong un kung hindi ko ipapakita, kaya ng mag 3rd yr ako kahit kabado dahil sa kilala ko ang training o ung teacher na mag tuturo samen ng larong un eh at take note: lesbian ung gurong un at grabe ang sobrang istrikto, hindi nawalang ako’y kabahan nung sinabi ko na mag papalista ako, at sasali sa darating na INTRAMS ng school namen, tinanggap naman ako yun nga lang naging mahigpit at nakakatakot na training ang pinag daanan ko, naka experience na tamaan ng bola sa nguso dahil sa lakas ng bato ni coach, ang sampung ikot na jogging sa field, ang fifty push-ups at di ko na matandaan ang ibang parusa sa maling paraan ng pagiging alerto sa laro hehe..

Natalo, Nanalo sa laro..napag daanan ko hanggang sa mag 4rth yr ako, madaming experience hindi ko na maikwento lahat hehe..pero ng mag 4rth yr ako, kasali pa rin ako sa varsity player ng batch namen, at ang pagiging dancer din ng cheering squad, hectic na shedule nung mag 4rth year na pero masaya andun na rin na madalas akong pagalitan ng leader squad namen dahil sa late ako sa practice, mag practice ng walang kain, dahil sa pagmamadali at ang late na nakapag bigay ng pam pa uniform sa cheering squad dahil hindi nag kasya ang pera na bigay ni nanay, ang pagalitan ako ng nanay ko dahil sali daw ako ng sali eh wala naman daw kaming pera para sa achuchu na yun..ang dahilan ko “nay ayaw mo bang tumaas ang grade ko hehe sayang ang dagdag points at excuses sa mga quizes at test dahil nakausap na ng coach at leader sa squad ang mga ibang subject teacher..

sayang ulit dahil wala akong mapapakita sa inyo sa mga pictures dahil ang iba eh nasa adviser namen nung 4rth year na kami, limang taon na rin ako hindi nakaka apak sa alma matter ko..pag ka graduate ng high school at hindi na rin nakapag laro at nakapag sayaw, at syempre ang nakapag aral, hindi na kasi ako nakapag report na rin kay mang fred para sa sinasabi nyang schoolar ship dahil nag hanap na ko agad ng trabaho..

at nung maisipan ko naman na bumalik sa pag lalaro eh, nalaman ko naman na may sakit na si mang fred at after a year eh namatay sya kaya ayun di na ko nakatutong ulit sa field na gusto ko..

certificate of attendance hehe

certificate of attendance hehe

yan na lang ang natatanging alaala ko sa pagiging SOFTBALL PLAYER ko..bukod sa high school, i know nakakatawa dahil CERTIFICATE OF ATTENDANE yan hehe..eh sa perfect attendance ako nun hehe..at oo nga pala hindi ko nasabi sa inyo ang naging posisyon ko nung ako’y naglalaro..papalit-palit lang..madalas ako 1st base,catcher(oo wag kang mag taka dahil naging trainor ko si kapatid hehe..) at grass line, nung nag train ako nag kukunwari akong pitcher minsan pero di ko sinubukan nung player na ko..kasi may payborit si coach hehe,,hmmm..at xempre kapag palo batter na..at its my turn madalas out huwaawawa joke xempre pinag aralan ko ring pumalo ng malakas na tipong malilito si outfield o ung mga nasa 1st to 3rd base pati si pitcher, pero alam nyo bang may pag kakaiba minsan kapag training at ang totoong laro na..

training : madalas kapag training malakas ang palo ng bola at maka home base..

totoong laro: madalas sa madalas na ang bola napupunta sa pitcher kaya nasasalo ito, o kaya naman isa sa 1st to 3rd base mahinang palo ang kinakalabasan..at kapag may kakampi ka na nasa 1st base at syempre papuntang 2nd base hindi makatakbo dahil sa hawak na ng 2nd base ang bola..kaya kapag ikaw ang taya alerto ka ..at kapag ikaw naman ang batter lahat ng lakas mo at isip,alerto i-pokus muna..ng maka home base ang kakampi mo..

mabibilang sa daliri ko ang home base na nagawa ko nung totoong laro..pero sa training,.tiba-tiba kami ng mga team mates ko hehe..kaya pustahan na RC COLA kami ang nakakainom..

alam ko ang iba kakatamaran  basahin kapag sports ang pina-uusapan..hehe..

pero may tips lang ako..

kapag mahilig ka sa sports o kahit anong larangan na gamit ang isip,at katawan,pati abilidad eh alam nyo bang nakaka liit ng puson at nakaka itim slim ng katawan oo maniwala kayo hehe..sa exercise pa lang wala na ang tinatagong taba hehe..

heneway..eto ang field o itsura ng court ng larong ito..

Baseball_diamond

Baseball_diamond

o yes..may sukat yan..tingnan nyo na lang ung base na kintatayuan ko at nag paitim sa makinis na balat ko hehe..dahil sa tirik ng araw sa larong ito..

ang equipments na namimiss ko na hawakan at laruiin ulit..

e5dee4491461e6b258d441d14d7dbcb0 base ball bats

gloves

gloves

Baseball - Ball

Baseball - Ball

madami pa to yang mga yan na lang ang nilagay ko..mga safety gear sa catcher,uniforms,spike shoes na dati pangarap kong makabili mahal lang talaga, mask gear para sa catcher, base ball gear for catcher.

wushuuu..i miss my baseball/softball game at ang sto.niño team mates,may Coach mam Emma and Coach Fred..salamat po sa inyo..*sigh*

🙂

Advertisements
Published in: on June 17, 2009 at 8:45 am  Comments (29)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/06/17/base-ballsoft-ball-being-one-of-the-player/trackback/

RSS feed for comments on this post.

29 CommentsLeave a comment

  1. pwede na ba magcomment?

    • ayos, eto si joycee. sporty yan! lahat ng sports. pati sa pang-aasar ko sports yan! hehe.

      • teka lang ha, bakit ba joycee nasabi kong name?

        wagnut:” ewan ko ba sayo..:) kaya nga hindi kita nireplyan ..haha

    • nahabaan talaga ako sa post mo. di ko alam kung ano yung cocomentan ko. yung award mo ba! o sa training o sa totoong laro!
      wagnut:” basta nag comment ka ok na yun hehe..:)

      • hehe! eh di mas maraming comment mas okay!

  2. nagpalit ka na pala ng name at lovely na? hehehe… inaasar ka ni jason sa blog ko (sumbungera di ba?.

    hmmm tama si papa mo, iba talaga ang may sports. at saka buti rin nagustuhan mo rin yung sports na yan ng kuya mo. bibihira na rin yung ganyan.

    mabuhay!

    wagnut:” aba’t loko un si jason ah hehe..hmp..
    yep gusto talaga ni ama na may sports kami ate ko lang di nahilig..ung kapatid ko pala na sinsabi eh mas matanda ako sknya hehe..ako ang ate nya …hehe..di ko pala nabanggit hehe..
    yap nag palit ako name hehe…hehe..

    • oi sabi ko lang sports ni lovely gardening. heehe tama naman diba??

      wagnut:” hehe..yes may tama ka jason hamster hehe..

  3. nakwento mo na to sa akin.. tagal ko ng request to nagyon lang lumabas hahaha. well good to know u r sporty. good for the health. keep it up. sana ituloy mo ulit. gawa ka ng team sa pinapasukan mo tas ikaw ang coach. ako naman ang taga masame mo pag pagod ka. thai massgae. haha

    wagnut:” yap kaya naikwento ko na hehe…tagal mo na nga to request eh hehe..huwawawa mukang mahirap na ngayon bumuo ng team kasi wala na kong kilala sa assoc dun sa marikina saka mahirap na bumalik kapag may trabaho ka na hehe..ok lang dati kasi may summer pa walang pasok ang students hehe..nakakamiss talaga..

  4. tulad ni ax nawindang ako kung ano ko-commentan ko hehehehe

    akshuli, galit ako sa sopbol at beysbol…bakit? malabo mata ko e…gud luck naman kung pano ko tatamaan ang bola devah?!

    ako, peyborit kong isport ay soccer at badminton….wala lang gusto ko lang i-share hehehehe
    wagnut:” akswaly hehe,,.sari-saring kwento pinag sasama ko po..hhe,,kaya ngulo hhehe..tara ate laro tayo minsan badminton hehe..

  5. Let’s play ball lovely! minsan lang ako nakapaglaro ng softball.. hindi ko tamaan ang bola kapag hinhagis na sa akin..iniilagaan ko kasi..natatakot kasi ako baka tamaan ako eh..hahaha! At least may award kahit cert. of attendance lang.. mahirap din yun ha 🙂
    wagnut:” masakit po talaga pag natamaan ka pero, masarap kasi kasama un sa laro hehe..tara kuya minsan laro tayo hehe..kaso wala na kaming gear dati meron pinamigay na lang namen ksi wala ng nag lalaro samen..

  6. huwaaaaw…aba at may talent pa itong lovely…buti naman at nishare mo sa amin….sana sa susunod ng eb may palarong baseball!

    congrtaz kapatid…kahit huli na…at talagang perfect attendance ha…

    wagnut:” yes kuya hehe tagal na nga nyan 2002 pa hehe..hindi ko na nga medjo kabisado kung paano mag laro eh hehe..salamat kuya…hehe..gusto mo rin bang mag laro hehe..

  7. galing galing.. may hidden talent ka pala

    akalain mong nag sosopball ka pala!!!

    turuan moo kaming lahat para gawa tayo ng baseball team

    wagnut:” hehe uu gagawa tayo ng base ball team eh ung dance group nga di pa natin nagagawa hehe…

    • di naman ako marunong sumayaw ng normal. pangmacho dancer lang alam kong sayawin sa tugtog ng careless whisper.. heheheheh

      sa computer lang ako nakakalaro ng baseball sa family computer pa naaalala mo family computer na kulay orange controllers?? heheh
      wagnut:” hehe sige turuan kita hehe pero not tune in careless whisper..hip hop tayo hehe..manawa ka naman sa tugtog na ma ala hayden kho..sus ka..
      hmmm nalaro ko na rin yan sa family computer pero mas gusto ko ang load runner alam mo un hehe,..tuwang tuwa kasi ako dun hehe..

      • hahah lode runner hindi ko nga matapos yung stage 1. ang hirap kolektahin ng bigas. may mga nanghahabol pa.

        tapos magbubutas ka ng sahig…..

        wagnut:” hehe..ako hanggang stage 3 lang matgal pa yun maka stage 3 hehe..pero masayang laruin ..hang kukulet kasi nung humahabol tayo ung tunog nya kapag nakuha ung bigas na kumikintab tuwang tuwa ako hehe..

  8. ayos to ah. pang sports ka rin pala. Naaalala ko tuloy ang PE namin nung college, kasabay ng paghampas ng classmate ko sa bola ay sabay lipad ng sapatos niya paitaas, kaya hindi niya alam kung tatakbo siya o hihintayin niyang bumagsak ang sapatos nya. hehehehe

    wagnut:” haha tawa naman ako dun hehe..baka maluwag ang sapatos nya kaya siguro humagis heeh,..ikaw naka homerun ka ba dun sa PE ehehhe..

  9. hindi talaga ako mahilig sa isport na iyan. hehe. gusto ko sana tennis, pero hndi ako masyadong naglalaro.

    naks, at may cert of attendance pa si lovely!!

    wagnut:” tennis dati gusto ko rin makalaro kaso nung nahawakan ko ung raketa mas mabigat pa sakin eh ehhe..joke..opo kahit cert of attendance nitabi ko hehe…

  10. di lang pampamilya si lovely, pang sports pa!

    wagnut:” rubbing alcohol hahaa.//

  11. neng, sori hinde ako naka-reply sa txt mo kagabi…busy-busyhan ang lola…bukod sa 3 am ko na sya natanggap huhuhuhuhu

    wagnut:”oki lang ate..hehe..mwah

  12. hmmmm… parang masaya yang laro na yan… kaso kapag sumali ako jan, malamang laging talo yung team ko,mabagal ako tumakbo bwahahaha!

    wagnut:” naku out ka pala..kasi wala ka pa sa base1 talo na nga hehe..
    pero masaya tlagang laro ang baseball..hehe..

  13. sporty,,,,loveit 😛

    wagnut:” fula..comment ba yan hehe pis..mwah..

  14. ayoko ng sport na ito nakakapagod… hehehe…

    pero mahilig akong manuod dati ng mga naglalaro nito kasi mukang nakaka thrill siya… hehe

    wagnut:” may thrill po talaga,..kapag nasa 3rd base ka na tapos malapit ka na maka homerun hehe…:)saya2..
    salamat ate yjen sa pag bisita..

  15. turuan mo ko nyan! haha

    wagnut:” gusto mo bang matuto eheh..laro tayo..pag umuwi ka..

  16. hmmm kaya naman pala seksi ka sis eh. Sporty ka pala. Complete with evidence pa..may certificate of attendance haha. Sayang kung di siguro ko mahiyain nung bata ako siguro nahilig din ako sa mga ganyan…edi sana seksi din ako. lol.
    Asaness!

    wagnut:” hehe..sis pumapalakpak naman ang tenga ko sa nabasa ko hehe..naku mahiyain ka pala alam mo bang bukod sa basketball player may mga papa at puge din sa baseball hehe yah macho din sila hehe..kasi madami ako naging kras na player dati kaso di ako naligawan hehe..ang itim ko kasi nun hehe..

  17. tama ka lovely. masarap talagang maglaro ng soft balls.

    wagnut:” bakit kuya naglalaro ka rin ba?

  18. yun sporty palang itong si lovely e, di malakas ka pumalo nyan

    wagnut:” malakas ako humampas hehe..palo batter talaga pag laro na hehe…

  19. hindi ako mahilig sa sports eh. sexports lang talaga. nyahahaha. jokeness.

    hmmkeibye.

    hiatus mode ule.

    wagnut:” hmmm..akala ko di mo ko maalala eh hehe..heneway..sexports tlaga..sa katawan mong yan alam kong di ka mahilig hehe…pis…

  20. hi anakngpating! HAHA.

    d ako makarelate 😦 d ako sporty eh. hahaha

    wagnut:” hehe..aus lang un heheh..salamat

  21. bagay din kayu pag umpugin ng sister ko..ha ha ha..ke hilig hilig sa sports…kaya nga nagmumukhang aeta dahil sa kakabilad.

    wagnut:” naku matagal na rin ako na stop sa sport ko..6 na taon na rin..kaya di na ko mukang aeta ngayon hehe,,.anong sport ng sister mo..maldito hehe..

  22. wow nice sport… sige palo ng palo.

    wagnut:” hehe salamat


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: