maging akin ka lamang (part 2)

Nasermunan at napagalitan ng Tiya Betty niya si Gellie dahil mag-aalas-dos na ng madaling araw itong naihatid ng nobyo.kung sa tatay lang niya,mapalalampas na ang ganoon kagabing oras ng uwi,lalo’t ganoong may nailigtas naman pla sila ni raymond kaya inabot ng ganoong oras.Pero ang tiyang betty niya na parang machine gun ang bunganga,napakalaking isyu na no’n.nagkataon pang ander nito ang tatay niya kaya hindi siya maipagtanggol.”Ang akala namin,nagtanan ka na?”galit na bunganga ni betty sa anak ng asawa sa una nitong kabiyak.”aba’y sino bang matinong dalaga ang uuwi ng ganitong oras?sama ka kasi ng sama diyan sa nobyo mong tatatlo lang yata ang pantalon.tongnan mong napapala mo!”tama na naman ho tiyang,matutulog na ko”nakangusong singit ni gellie sa pagratsada ng bunganga ng madrasta.”kelan ka ba makikinig sa akin, Evangline,ha?aba’y gamitin mo yang tuktok mo.maganda ka.at hindi ka magiging dispatsadora habang buhay kung gagamitin mo yang ganda mo sa pagpili ng lalaking hindi lang guwapo ang mukha kundi pati ang bank account.gwapo nga yang si raymond,tingnan mo naman,ni hindi ka maibili ng mamahaling regalo.minsan ay ikaw pa ang nauutangan”

“heto na naman po kami,”bulong ni gellie habang ipinapakita sa tita betty niya ang mahabang hikab niya.”matutulog na ako tiyang.may pasok pa ko bukas,”sabi niya sabay pasok sa kuwarto niya.iniwan niya ang madrastang daldal pa rin ng daldal sa may kusina.”gel telepono,”tawag sa pansin niya ng kasama sa trabahong si melba kinabukasan.saka inilahad sa kanya ang reciever.”sino raw?” ewan.pero tiyak kong hindi ang mahal mong boyfriend,dahil boses babae.”

“hello,”ani ni gellie nang kunin kay melba ang awditibo.”gellie,this is roxanne remember me?”sabi ng tinig sa kabilang dulo ng linya.saglit nag-isip ang dalaga.Roxanne?sino ba ang kilala niyang roxanne?ah,naalala na nya,yung babaeng niligtas nila ni raymond two days ago.”yes,roxanne,napatawag ka,”aniya nang makilala ito.”hindi kasi ako mapapakali hanggang hindi man lamang nasusuklian ang pabor na ginawa n’yo sa akin.Iimbitahan ko sana kayong mag dinner dito sa bahay.kung hindi kayo busy tonight.”a kuwan,sasabihin ko muna kay raymond,roxanne.kung wala siyang lakad ngayong gabi at okay sa kanya,ba’t naman namin iisnabin ang dinner invitation mo?”at talaga namang hindi ako papayag na pahindian nyo ko noh”magtatampo ako sa inyong dalawa,”iaabiso ko a iyo kung darating kami,okay?”nakangiting pakli ni gellie kahit hindi nya kaharap ang kausap.

“okay,gellie,I’ll be expecting the two of you tonight.susunduin ko kayo.sabihin mo lang kung saan ko kayo pi-pick-up-in,”pagtatapos ni roxanne.tinawagan kaagad ni gellie si raymond sa trabaho nito para ipaalam ang tungkol sa imbitasyon ni roxanne.pumayag naman ito na paunlakan nila ang bagong kakilala.nagpasundo sila sa harap ng mall na pinagtratrabahuhan ni gellie kinagabihan.”nakakahiya naman sa iyo,roxanne.ikaw pa ang sumundo sa amin,”bungad ni raymond nang maksakay na sila ni gellie sa pajero ng dalaga.

“kulang na kulang ang ganitong pabor sa laki ng tulong na ginawa n’yo sa akin nung isang gabi,”nakangiting pakli ng dalagang magadang-maganda sa suot nitong ternong palda’tblouse na may blazer.”pati nga ang pamilya ni mang insiong ay gustong magpasalamat sa inyo.at ako,ewan ko kung saan ako pupulutin kung hindi kayo sumaklolo.”hindi ka ba natatakot na maulit ang ganon?ani gellie.”dapat sa iyo’y laging may kasama.”medyo natatakot na nga ako.si mang insiong naman ay tiyak na matatagalan sa ospital.mahirap namang kumuha ng mapagkakatiwalaang driver/bodyguard sa panahon ngayon.”marami-rami rin silang napagkuwentuhan habang nasa daan.maya-maya pa’y pumasok ang pajare’ng minamaneho ni roxanne sa isang subdibisyon sa quezon city. manghang kapwa sina gellie at raymond nang ipasok ni roxanne sa isang mataas na pader. animo’y may maliit na parke sa loob dahil sa malawak na landscaped lawn na puno ng ilaw. lalong kahanga-hanga ang magandang bahay na bumulaga sa mag-boyfriend.

malugod silang pinatuloy ni roxanne  sa loob ng magandang bahay na puno ng mamahaling kasangkapan. sinalubong sila ng isang unipormadong maid at isang matandang babaeing may hawig kay roxanne. “tita amie, bungad ni roxanne sa pagpapakilala sa mga bisita niya.”sila yung sinasabi ko sa iyo. ang dalawang nag ligtas sa akin sa kamay ng mga hayup na yun.” sila pala,”isang matamis na ngiti ang ibinigay ni tita amie kina gellie at raymond. hinawakan nito sa isang kamay si gellie .”alam kong mahirap pasalamatan ang ginawa niyang pagliligtas sa pamangkin ko. sana, kung hindi man namin magantihan iyon ng kahit na anong materyal na bagay ay diyos na ang bahalang gumanti sa inyo.” wala hong anuman’yon, nakangiting sagot ni gellie sa matandang babae.

hayun ang mga loko,nakakulong na,”sabi ng matandang babae na ang tinutukoy ay ang mga lalaking nambiktima kina roxanne.pero bilib kami sa ipinakitang katapangan nitong si raymond,”baling nito sa binata na buong paghangang pinagmasdan ng tiyahin ni roxanne. nahihiyang ngiti lang ni raymond sa papuri ng kausap. “napakaswerte mo,gellie,”patuloy ng palakuwento palang si tita amie.” bukod sa guwapo’t simpatiko,kayang-kaya ka pang ipagtanggol.”baka naman ho masyado nang lumaki ang ulo ko sa mga papauri nyo nyan,ani raymond,”tita,baka lumamig na ang dinner na inihanda nyo,paalala ni roxanne sa tiyahin.”saka nagugutom na itong mga bisita natin for sure dahil galing sila sa trabaho.”ay oo nga pala.bakit ba tayo nandito sa salas.umiral na naman kasi ang kadaldalan ko.tena sa dining room.”

espesyal na hapunan ang inihanda ng mag tiya para kina gellie at raymond.sa pagitan ng masasarap na pagkain ay umandar na naman ang katabilan ni tita amie.”matigas kasi ang ulo nitong si roxanne.sinabi ko nang humanap ng mas batang driver na pwede na rin niyang maging body guard para kahit na ginagabi siya sa daan ay hindi delikado.”nakikinig lang sina gellie at raymond habang kumakain.nalaman din nila sa tiyahin ni roxanne na ulila na pala ito.ten yearsold lang daw si roxanne nang bawiin ng isang car accident ang buhay ng mama nito. ang papa naman nito’y magtatatlong taon pa lamang namamatay.atake sa puso ang dahilan.”mula noo’y siya na ang naging mama at papa ko” ang tita amie niya ang tinutukoy ni roxanne,”she’s so loving and supportive.hindi siguro ako makakatayong mag-isa kung wala siya.kaya nga tuluyan nang tumandang dalaga, e.dahil sa pag-aalaga sa akin,kuwento pa ng dalaga.

hmm..binola mo  pa ako sa harap ng mga bisita natin” nakaismid pero nakangiting reaksyon ng singkwenta anyos na babae.marami pang nalaman sina raymond at gellie tungkol sa bago nilang kaibigan dahil matapos ang masarap na hapunang pinagsaluhan nilang apat ay naupo sila sa veranda sa harap ng bilog na mesang salamin at doon ipinagpatuloy ang kwentuhan habang nagkakape.sa edad na twenty-five pala’y si roxanne na ang namamahala sa mga naiwang negosyo ng papa nito.gaya ng malaking palaisdaan sa pangasinan at isang malaking company dito sa maynila.may ilang building din itong pag-aari.hindi lng isang magandang babae si roxanne.isa pala itong matalino at mayamang negosyante.halata naman sa kilos nito na hindi ito basta-bastang babae.may poise ito,may class kung magdala ng sarili.bakas sa bawat galaw nito,pagkilos,pagsasalita at ultimo sa pag-upo at pag hawak nito ng baso,na nasa mataas na estado sa lipunan ito.sa america rin pala ito nagtapos sa kolehiyo.

isang bagay na lang ang kulang kay roxanne,ungakat ni tita amie niya,”boyfriend. sa edad niyang yan,gusto kong mag-asawa na siya.kaya lang ay wala kahit boyfriend.hindi ko alam kung pihikan o hindi pa ipinapanganak ang lalaking mamahalin nito ng totoo.”hindi ko pa lang natatagpuan si mr.right, tita,depensa ni roxanne.”mabuti pa itong dalwang ito,look at them.they are such a lovely pair,”sina gellie at raymond ang tinutukoy ni tita amie.naiingit nga ako sa kanila,tita,eh”hindi nyo pa ba naiisip ang pag-aasawa?”usisa ni tita amie sa dalawa.”hindi pa hi,”maagap na sagot ni raymond.”nag-iipon pa ho kami,eh. sa klase ng mga hanapbuhay namin at sa liit ng mga kinkita namin,kailangan hong preparado na kami bago kami magpakasal.”gusto nyong lumipat ng trabaho?biglang sabad ni roxanne,”iniisip ko kung paano ako makakaganti ng utang na loob sa inyong dalawa ngayon, i have an idea.bakit hindi kayo magtrabaho para sakin?”

nagkatinginan ang magkatabi sa silyang sina gellie at raymond.”maisisingit kita sa opisina gellie.si raymond naman, alin sa dalawa,gagawin kong driver/bodyguard ko,o bibigyan ko rin ng trabaho sa construction firm.puwedeng tagapangasiwa sa mga tao ko bawat project namin.”kumikislap pareho ang mga mata ng magkatipan.magandang pagbabago sa buhay nila sakaling totohanin ni roxanne ang inaalok sa kanila.”ano sa palagay nyo?”si roxanne.”mas okay di ba?mabait akong amo.mas magaan pa ang magiging trabaho nyo.”kailangan ni roxanne ng mga taong katulad nyo sa kumpanya,”siusog ni tita amie.”isa pa tiyak,tiyak na makakaipon na kayo ng para sa pagpapakasal at pagpapamilya nyo.”kapwa natutuwa,nakangiting nagkatinginan sina gellie at raymond.hindi naglipat-linggo’y nasa bagong trabaho na nila ang dalawa. si raymond ay naging kapalit ni mang insiong.marunong namang mag-drive ang binata dahil naging jeepney driver siya noong hindi pa nakakapasok sa isang kumpanya.si gellie naman ay inilagay sa accounting department sa opisina ni roxanne.naging napakabuti ni roxanne sa dalawa.bilang employer at bilang kaibigan.

kathy’, turuan mo na lang si gellie ng mga dapat niyang matutunan dito sa departamento mo,”bilin ni roxanne sa isang pinagkakatiwalaang empleyado.”yes mam roxanne,”tugon ng pinagbilinan.”kung may magiging problema ka,gellie sabihin mo lang sakin,okay?” oo roxanne,salamat sa lahat.”hindi doon natapos ang pagbibigay-pabor ni roxanne kay gellie.dahil minsan ay niyaya niya ito sa bahay niya para bigyan ng mga bagay na sobra sa kanya at kulang sa naman sa dalaga.”ano ito?”nagtatakang tanong ni gellie nang iabot sa kanyang isa-isa ni oxanne ang mga damit nitong galing sa closet.”mga damit ko yan na hindi gaanong naisuot.”yung iba nga’y isang suotan lang.i-clinoset ko na,e isukat mo,yung magkakasya,sa iyo nang lahat.”ha?” hindi makapaniwalang reaksyon ni gellie.”naku,e puro mamahalin ang mga ito,a sobra na yata itong pabor na ginagawa mo samin ni raymond,roxanne.nakakahiya na sa iyo.”puwede ba,isukat mo na lang yan at huwag ka nang magdrama?ibinibigay ko yan ng kusa sa iyo.hindi mo naman hinihingi.maganda ka.dapat lang na magsuot ka ng ganyan.”

hindi ba nakakahiya?”nag-aalanagn pa ring sabi ni gellie na nanatili lamang yakap ang mga damit na inaabot sa kanya ni roxanne.ang iba’y nakalatag lang sa kama ng dalaga.”hindi na uso ang hiya ngayon.lalo’t wala kang ginagawang dapat ikahiya.binabaril na sa luneta ang mahiyain ngayon. Oy! saka kung itinuturing mo talaga akong kaibigan,hindi mo tatanggihan yang mga binibigay ko sa iyo.”lumapad ang pagkakangiti ni gellie habang pinaglilipat-lipat ang tingin niya sa mgagandang damit na nasa harap niya at kay roxanne na nakatayo sa tabi ng isa pang pinto ng closet.

“o,ano tititigan mo na lang ba yang mga damit na yan?” nakapamewang na tanong ng huli.”thanks,roxanne,ha! ang bait-bait mo.para kang hulog ng langit sa amin ni raymond.”hmm…drama,bilisan mo na ang pagsusukat at ipunin mo na yang mga nagugustuhan mo.pagkatapos,bumaba ka sa dining room at dito na kayo kakain ni raymond.”nang lumabas sa sariling silid ang dalaga,hindi maiwasan ni gellie ang humanga dito. matayog si roxanne pero bumaba ito sa pedestal para lang maabot nila ni raymond.gusto niyang magpasalamat at nakilala nila ito.

dahil ni sa hinagap ay di sumagi sa isip niyang si roxanne ay isang anghel na may pangil.na si roxanne na ang buong akala niya’y hulog ng langit sa kanila ni raymond,ay nakatakdang niyang maging kaaway sa mga darating na araw.

https://anakngpating.wordpress.com/2009/04/27/maging-akin-ka-lamang-part-1/

Advertisements
Published in: on May 20, 2009 at 10:56 am  Comments (5)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/05/20/maging-akin-ka-lamang-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. base!

    anober?! kakabitin naman

  2. ay wakas nasundan na rin ang matagal ko nang hinihintay……hanggang sa susunod

    wagnut:” every thursday po ang post ng susunod na kabanata..

  3. weh bitin aman..kelan ulit yung kasunod?

    wagnut:” sa thursday sundan mo po..:)

  4. para ako nagbabasa ng pocketbook.. ganda..anong ibig sabihin mo dun sa si oxanne ay isang anghel na may pangil.? naguluhan ako dun..pero mukang kontrabida pala xa..

    wagnut:” makukuha po rin to sis sa susunod na kabanat kaya abangan every thursday po ang post na kasunod..

  5. abangan nanaman ang susunod na kabanata.. ilang serye ba ito?

    wagnut:” sa thursday po ang susunod na kabanata..depende po sa author kung ilang serye hehe..:)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: