happy mother’s day

Pyzam Glitter Text Maker

una sa lahat gusto ko munang batiin ang lahat ng nanay’mommy’mama’ina’o kung ano man ang tawag sa lahat ng mother, happy mother’s day..

ngayon gusto kong pasalamatan ang butihing ina samen ng mga kapatid ko at ang pagiging lola’s sa mga chikiting ko..

nanay’mother ang minsang tawag namen sa nanay ko..nung mga bata kami grabe ang machine gun nya alam ko kung anong tinutukoy ko kung meron kayong nanay na grabe ang bibig yun na yon hehe..pero xempre nung nagkaedad na ako naintindihan ko kung bakit sya ganun,at yun nga ayaw nya ng tamad,madumi sa bahay,makalat,at yung matigas ang ulo grabe natatandaan ko nun lahat kami ng kapatid ko kapag isa ang may mali damay lahat hehe..kaya nagkakainisan kami ng mga kapatid ko..

isama ko na rin yung kwentong napag buhatan ako ng kamay ng nanay ko nun dati dahil sa minsan sinagot ko sya edad 11 ata ako nun basta bata pa ko,nasampal nya ko ng bote ng rexona yung as in bote walang pang sashey nun sana nga meron na ng yun na lang ang pinang sampal sakin ng hindi namakat sa makinis kong mukha yung bote ng rexona (oo namula yun iyak todo ako nun)to the rescue ang tatay ko kasi di ako tumitigil sa kakaiyak nun as in hikbi na talaga na tipong di na makahinga eh sa masakit eh hehe..ang ginawa ng tatay ko pumunta kami ng court malapit samen at nilibre nya ko ng tinapay’at coke tigil ang ngawa ko nun hehe..kinabukasan nun sorry si nanay sakin (dun sa tagpong yun naiintindihan ko kung bakit nagawa ng nanay ko yun kasi bastos ako sinagot ko sya) dahil sa sakit na yun eh parang nag lambing ang nanay ko sinama nya ko sa gawaan o sa pinagtratrabahuhan nya nun dun sa trabaho nya ata ako unang nag karon ng puppy love anak ng bossing ni nanay,teka hindi ako ang dapat pinaguusapan natin ang nanay ko balik tayo ulit hehe..

si nanay na sobrang nagtyaga na turuan kami mag basa,mag sulat,mag bilang,mag math,plus,minus,times/multiply to alam ko nung bata kayo times din ang tawag pa hindi multiply haha..yan sya muna ang magtuturo sayo nyan bago ka mapasok sa school nung bata ka..pero nagtataka lang kami lahat kami ng kapatid ko marunong sumayaw pero si nanay hindi bakit kaya hehe..

anyway hindi din sa pag yayabang saming magkakapatid ako ang di sya nabigyan ng sobrang sakit ng ulo haha(mabait ako maniwala ka man o hindi hehe) yung 2 kapatid ko kasi nakaranas na mag layas ako hindi hehe late umuwi pero ang mag layas never kong nagawa mga kapatid ko ayun naglalayas pero isang araw lang nakakabalik rin mga kapatid ko madals ipatawag ng teacher nila si nanay pero ako ipapatawag ako kapag may good things akong nagagawa hehe..

nanay lahat ng time at happy moment’s namen kasama kayo ng mga kapatid ko ang sobrang namimiss ko,ang pagkain natin ng sabay-sabay,ang pag gala nyo samen,ang mag punta sa C.O.D sa cubao nun bago mag pasko para manood ng fairy tale show kasama si tatay,ang mag picnic sa river park every time na may birthday samen ng mga anak nyo, ang pag sama nyo every time na grumagraduate kami pero ako si tatay ang nakaksama ko dahil ikaw ang naghahanda ng pagkain namen pag uuwi na kami, ang masarap na menudo at lumpiang gulay,monggo,na niluluto nyo pag may okasyon, ang alagaan kami kapag may sakit kami ang sabihin na wag mahalin ang sakit namen, ang mga pangaral,at ung naishare na problema na nanjan pa rin kayo ni tatay, naalala ko pala yung dating gusto nyong gawin na lalayasan nyo na kami pero di nyo nagawa dahil alam namen na mahal na mahal mo kami, ang pag suporta samen ng mga kapatid ko sa larangan na naexperience rin namen tulad ng pagiging baseball/soft player namen at pagiging dancer namen,kahit na maiinit ang araw pinapanood mo kami sa laro namen na,bilib ka pa kasi pareho kaming cather ni brader ko every time na may laro, ang mag puyat kapag may dance contest sa bayan2 natin kasama ako para suportahan si hapon(brader ko) ang maagang pag gising para lang mapanood sa unang hirit ang kapatid ko,at ang ipagmalaki rin kami sa mga pamiya pa natin,ang pag tyagang turuan mag basa ng english si hapon na sobrang tigas ng ulo noon hanggang ngayon..ang madalas na pag-iyak nyo minsan kapiling ako at dahil dun pati ako nadadala sa pag-iyak,ang paglaban wag lang maapi ng mga insecure na kapit-bahay,at mga chismosa..

hindi ako mangangako sa mga bagay na pwede kong ibigay sa inyo ni tatay pero gagawin ko ang lahat kahit na hindi ako makapag asawa hehe..ung alam ko na nasabi nyong mga pangarap nyo lahat yun nakatatak sa utak ko kaya hindi man yun naibigay ni ate pipilitin namen ni hapon na maibigay sa inyo yun,

maraming-maraming salamat sayo nanay ko sa pag-aaruga,pag-titiis,pag-mamahal,pag-iintindi,gabay,lahat ng yun ipanagpapasalamat ko sa pagiging matatag po ninyo,at pag-titiwala sa taas,ang pagturo kung paano sya namen makikilala, alam kong hindi ito sapat para mapasalamatan kayo ng lubos hindi nyo man po ito nababasa may kopya po ito sa pamamagitan ng kamay ko..

nanay ko,mahal na mahal ko..

nanay ko,mahal na mahal ko..

i love you nanay’mwah..hugs..

p.s sa lahat po ng nanay sa blogsperyuhan inihahandog ko po yung pyzam pikstyur sa taas pwede nyo pong i-copy at kahit sino po pwede syang kunin at iuwi hehe..maraming salamat po..

happy mother’s day to all

mwag..hugs

Advertisements
Published in: on May 9, 2009 at 6:13 am  Comments (18)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/05/09/417/trackback/

RSS feed for comments on this post.

18 CommentsLeave a comment

  1. wow.. nakakatats naman..

    hapi mothers sayo at syong mahal na ina!

    wagnut:” salamat kuya same to you sa mother mo..hugs..

  2. happy mother’s day din sa mom mo.

    btw, visit my site sometimes.

    wagnut:” salamat..

  3. ang sarap magkaroon ng nanay ano lalo na at andyan pa sya sa tabi mo at malakas pa..enjoy nyo lang kung ano ang meron kayo ngayon para alang pagsisihan sa huli..ingat

    wagnut:” xempre naman every time na umuuwi ako smen to do to the max ang kwentuhan namen hehe..salamat..

  4. alam mo bilang anak, kadalasan hindi natin naiintindihan yung mga paraan nila kung pano tayu idisiplina pero as time goes by at habang lumalaki tayu, naiintindihan na natin yun unti2. Kita mo naman ang suhestyon mo at mga sinsabi mo ngayong working kana ay malaking bagay sa nanay mo kasi alam nya na naintindihan mo na yung buhay at tiwala na sya sayu kasi alam nyang napalaki ka nya ng maayos at duon naman talaga ako BILIB sayo!

    isa to sa mga magagandang post mo 🙂

    mahal tayo ng mga magulang natin kaya dapat lang na magpasalamat tayu sa kanila!

    HAPPY NANAY’s DAY sa LAHAT NG MGA INA NATIN!

    wagnut:” salamat cio..happy mother’s day kay nanay mo..hugs..

  5. hapi mother’s day…nanay!

    wagnut:” kuya gusto mo sya makilala hehe..happy mother’s day din kay mother urduja ng buhay mo..hugs..

  6. kaSWET naman.
    hehehe.
    Happy Mother’s day kamo.


    New Post: My First Inspiration

    wagnut:” sweet no nagsasampalan kami ng rexona bottle hehe..joke love ko si nanay..happy mother’s day sa iyong ina kuya pepe..:)

  7. wow napaka gud girl u pala. hehe.. stay that way lovely. ;p
    Happy Mother’s day to all the moms!

    wagnut:” salamat hehe ganun pa rina ko until now wlang magbabago hehe..

  8. Haay answeet nyo naman magnanay nagsasampalan ng rexona bottle nyahaha. So kamusta naman ang makinis na mukha.

    Happy mother’s day sa mom mo. Pahugs na din sa kanya. Mwaaah!

    wagnut:” ayos naman wala ng sampalan ng rexona bottle hehe..isang beses nangyari yun hehe,,,..salamat posa pag read back hehe..:)

  9. ay, hay swit naman. detalyado ah, talagang bote ng rexona. sana charmis na lang or axe para soft ang bottle. hehehe

    wagnut:” un kasi ang di ko makakalimutan na nasaktan ako ni nanay hehe..kuya bernard..

  10. wow sweet naman neto, dapat siguro pabasa mo to sa kanya.

    belated happy mother’s day, Godbless! 🙂

    wagnut:” kapag nagkaron ako chance iapapabasa ko to..

  11. uu nga ang sweeeeeeeeeeeet..

    happy mommies day.. 😀

    wagnut:” hehe ganun talaga..muntik na nga ko langgamin nung ginagawa ko to hehe..

  12. ahehe. sana nga po e manalo. 🙂 .. salamat po sa compliment. at sa comment. hehe. goodluck po. haha. exchange links po tayo ha … salamat! ;p

    wagnut:” oo nga ang ganda pa naman nung tshirt hehe..sure..

  13. nahuli ako, sensya na! hope you had a great weekend!

    nakkita ko na ikaw ay mabuting anak! happy mother’s day to your mom! 😉

    salamat sa walang sawa sa pagbisita sa kuta ko. mwah!

    -ate reesie

    wagnut:” salamat din po hehe..may pagkamaldita pa rin naman po ako minsan ate hehe..pag inaaway ang pamilya ko hehe..:)

  14. belated hapi mother’s day sa nanay mo..hemsyur pagnabasa nia toh iyak tawa yun..

    wagnut:” malamang tulo uhog pa ngayun si nanay hehe..hapi mother’s day sayo at sa mami mo hehe..:)

  15. hahaha. mukang nakikini-kinita ko na ang mga topic sa pagba-blog-hopping ko ngayong araw na ‘to.

    happy mother’s day sa nanay mo lovely! mabuhay ang mga pukeng nagluwal satin dito sa mundong ibabaw! mabuhay!

    wagnut:” oo lio iisa lang ng mga topic hehe..at kasama ko dun..

  16. sowee late!

    happy maders day sa mom mo
    weeeeeeee

    wagnut:” salamat kuya efpi hehe..

  17. sorry naman at late ang greetings ko… happy belated mother’s day sa iyong nanay lovely.

    di ko pa binasa post mo ha! hilo pa ako sa byahe at pagod… balik ako bukas to read 🙂

    wagnut:” sige po pahinga ka lang ate hehe..tnx..hugs

  18. naku..kahit huli na..happy mothers day nalang kay nanay/


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: