mr.may kalive-in,mr.mapagbigay sa gi-ef at soon to be mrs.but..

kagabi tatlong kaibigan ko ang nag open up ng mga problemang meron sila,mga kaibigan ko dito sa lugar ng pinagtratrabahuhan ko,mga kaibigan ko na nakilala kong simple lang,kaedad ko sila na alam kong madami pa ring magagawa kung hindi nila hawak ang sitwasyon nila ngayon..

papangalanan ko na lang sila sa hindi nila totoong pangalan, gumawa na lang ako ng alyas nila,iisa-isahin ko ung kwento para di kayo maligaw sa kwento nila hehe..pero iisa lang naman ung topic “love life” oh di ba ako pa hindi ang pinuntahan para sabihan ng problema nila eh ako nga walang love life hehe..pero hindi pwedeng tanggihan ang mga gantong problema lalo na kung malapit din sayo etong tao na to..paano simulan ko..sasabihin ko din kung anong advise sinabi ko sknila hehe..tingnan nyo na lang din kung tama ba ung mga pinagsasabi ko sknila hehe..

kalimutan kong sabihin etong tatlong tao na eto ay nagtratrabaho dito sa chateau condominuim here in paranaque janitress/janitor sila ng SM.

unang tagpo dito sa shop(while blog hop)

mr.may kalive-in

may asawa sya oo ka live-in pa lang di pa sila kasal wala pa ring anak,(thank you lord wala pa haha) ang problema nya ngayon ay ganito selosa yung babae o yung asawa nya kahit daw may kausap lang na babae eh pinagseselosan na, last friday nag o.t sya ng umaga at nag straight duty na (ang duty nya is 2pm 2 10 pm)ang naging o.t nya eh yung umaga ibig sabihin nag straight duty nya sya hanggang gabi hindi sya nakapag paalam dahil na mag straight duty sya at hindi din sya umuwi kahit na kanto lang ang bahay nila mula dito sa chateau dahil kahit yung 1 oras na breaktime eh ipinasok na rin nya ng mas malaki naman daw yung sahod nya kasi napaghuhuli sya ng mga morning ang duty,ayun ng dahil sa straight duty eh pag dating nya ng bahay na syempre pagod etong taong ito dadating sya ng bahay ng nakasimangot daw ang asawa nya,hindi nya pinansin nakisuyo sya ng short para makapag palit pero hindi daw tuminag itong babae maya-maya daw tumayo at kumuha ng short kung paano ibinigay ibinato lang naman sknya ang short na hinihingi nya etong si mr.kalive-in eh parang naubos ang pasensya kahit na sinabi nyang nag straight duty sya(take note may sinabi syang madalas na pala nyang layasan itong asawa nya pero kapag nasa labas na eh hinahabol na nitong babae kaya hindi natutuloy ang ang balak na layasan nya itong babae isa pang take note: 7 beses na raw nangyari ito.) ang ginawa nya lumabas na lang daw sya ng bahay ng wala daw away pa na malala ang mangyari sknila dahil kahit paano naisip ni mr. kung paano sya lulugar kung ikaw ang nakikitira lang sa pamilya ng asawa mo,eto daw ung time na hindi na sya hinabol nag paumaga sya sa labas,bumalik sya ng bahay para maligo lang at dalhin na ang mga damit na kakailanganin lang muna nya para pansamantalang makalaya ata sa puder ni esmi nya hehe..kagabi nakusap ko sya ang sabi pa nya sakin sabay kami umuwi kung pwede daw samin sya umuwi loko kong sagot sige hehe pero joke lang pasensya na pero hindi pwede dahil for girls lang ang apartment namen,sabi nya parang di na nga nya kaya yungugali ng asawa nya..ang sabi ko bakit di mo kausapin ipaliwanag mo kung anong trabaho meron ka sabihin mo din kaya yung mga sama ng loob mo sknya na hindi din kamo dapat sya nagseselos agad sa mga nakakasalumuha mo na babae,(baka naman kasing babaero ka talaga hehe:sagot hindi naman daw) gawin mo na lang din mag lie low ka pansamantagaltala palamigin mo ang ulo nya at ikaw naman kasi din next time magsasabi ka na straight duty ka din hmp sipain kita jan eh hehe..magdadalwang taon nadin pala silang nagsasama sabi ni mr. sakin pero hindi pa nya magawang pakasalan ung babae dahil ang sabi nya hindi pa din sya sigurado dahil nadin daw sa pagiging minsan mainitin ng ulo ni esmi nya (naguguluhan ka na noh ako din eh naguguluhan na sa kwento ko at kwento ng buhay nya),pero mahal daw nya ang sabi ko na lang habaan mo pa ang pisi mo pero kung sobra na ang bad attitude nya kahit na hindi pa kayo kasal eh wag kang matakot na umalis sa poder nya o hiwalayan sya gudluck na lang ganyan ata talaga ang buhay may asawa.

mr.mapagbigay kay gi-ef

eto naman tong isa kagabi lang din habang nakikicharege sya ng cellphone ang problema,nakikipag break naman si gi-ef sknya dahil lang sa utang ni gi-ef na humingi sya ng tulong sa bi-ef nya na sya na lang muna ang mag bayad dahil wala pa syang pera at naghahanap pa lang ng trabaho pero dahil sa hindi nakautang din o hindi nakadelehensya tong si mr.mapagbigay ng pera ayun naghamon na ng break-up si girlalu (ang labo) eh anong magagawa nya kung hindi nakahapanap ng pambayad ikaw para sa inutang nya unggoy ba sya para pilitin ka at sabihin na ikaw ang mag bayad ng utang nya na sya naman ang gumamit ng pera haller..demanding ang gf mo kung ganun,ikaw ba eh nangako na ikaw ang magbabayad kaya sya nagkakaganun,sabi ni mr.mapagbigay(ang haba) hindi ako nangako pero sabi ko sknya susubukan ko na tulungan ka(eh ayun naman pala tanga lang kasi nag expect sya masyado hindi naman tama yun sa lagay na yan eh ikaw ata tong may utang at obligado na bayaran mo ung utang..ang labo talaga,sabi ko na lang sknya hindi tamang ganun lang un ipaintindi mo sknya na gumawa ka ng paraan na para matulungan sya ikaw nagsabi pati rubber shoes mo na pang basketball eh naibenta mo na pero kulang un sa amount na inutang nya..pero ung dahil sa hindi ka nya natulungan dahil dun igigive-up nya ang relasyon mo eto lang ha ang kitid ng utak ng gf mo hindi sya marunong umintidi hoy lalaki ka hindi ikaw ang mawawalan kung mag break man kayo dahil sa problema nya na ikaw ang pumapasan,kung ayaw nya na sayo edi wag bilib ako sayo kasi gagawin mo lahat para lang matulungan sya pero ang ginagawa ng gf mo hindi tama para sayo.at sabihin mo sa gf mo pinapasabi ko get lost..bow

soon to be  mrs. but….

she is preggy 3month’s pero may problema ang asawa nya eh kasal na sa unang babae at may isang anak na, bale kung iisipin nyo kabit sya no offend sa taong ito pero ko na rin nagsabi sknya na yun talaga ang labas nya.gusto nyang ipalalag ang anak nya pero kaya naman syang panagutan ng asawa nya ngayon kahit na alam din nyang may anak at asawa na rin eto pero hiwalay sila,paiigsiin ko na lang..(may atat ng makabasa nito hehe) ngayon nagsasama na sila pero hindi alam ng magulang at kapatid ni ms.yung sitwasyon nung lalaki na kasal na ito at may asawa sa una ngayon ang problema gusto ng pamilya ng babae na magpakasal sila ni lalaki,pero ang sabi ko hindi pwede at sa mata ng lahat na hindi pwede dahil may asawa na sya sa una at kapag nalaman yan pwede ka din mademanda hindi lang ikaw lalo na sya kung magpapakasal kayo,mas malaking problema ang kinakaharap mo at wag mo ng isamang magpapalaglag ka kahit na alam na ng magulang mo na buntis ka na (wag mo ng gawin binbalak mo hindi man kayo makasal ituloy mo na lang yung bata) ngayon naiipit sya dahil sa inuulok na ng pamilya nya na magpakasal sila pero di pa nila masabi ang problema at ngayon,sabi ko aminin nyo na yan wag nyo ng hintayin pa na sa iba yan malaman kung sakali naman na magalit sila sayo at sa asawa mo ihanda mo ang sarili mo at kausapin mo sin si lalaki na tanggapin nyo kung ano ang magiging reaksyon nila sa inyo masakit man o hindi kaylangan mong ihanda ang sarili mo. eto na yung mas mabigat na problema na kinakaharap mo bukod sa maaga ka na nabuntis,oo ikaw na nagsabi na ayaw mo pa dahil ang dami po nga talagang magagawa at di mo din sigurado na hindi pa maghahanap yang soon to be asawa mo sana, hindi kita kinuwestyon kung bakit ba sya napili mo dahil di ko naman hawak puso mo pero nadaan ka yata sa matatamis na salita sayo,eto last tatagan mo ang sarili mo,ihanda mo sa mangyayari kung sakaling makakausap mo na ang mga kapatid mo magdisisyon ka na dun sa tama nagkamali ka na sa una,wag mo ng hayaang magkamali ka pa ngayon..gud luck girl..wag ka iiyak sa harap ko nadadala ako eh hehe..

ayun oh di ba parang wala naman akong naitulong sknila hehe..pero si mr.mapagbigay parang sana mauntog ka sa pinaggagawa ng gf mo sayo demanding,ganun din si mr.live-in mauntog ka na din sana,may sa freind ko dapat ganto tayo lagi kasaya walang problema.

woot

woot


Advertisements
Published in: on May 4, 2009 at 10:01 am  Comments (15)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/05/04/mrmay-kalive-inmrmapagbigay-sa-gi-ef-at-soon-to-be-mrsbut/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. una:

    maling mali iyung babae na pagselosan ang trabaho. dapat nakausap ng mabuti ng lalaki ang babae. pero di mo din masisi ang babae kasi baka may history ng pangbabae si lalaki.

    pangalawa:

    kung ganyan ugali ng gf ko, hihiwalayan ko na. pero kung mahal ko baka magpakaulol din ako tulad ng lalaking kaibigan mo.

    pangatlo:

    maiging malaman na ng parents ng babae ang sitwasyon kasi may involve na buhay (yung baby).

    **pareparehong mga babae ang may sala sa mga pinayuhan mo kung napansin mo lovely. isang selosa, materyalistika at nabuntis. patunay lang na mahirap talaga kayo intindihin kapag kayo ang tinopak at gumawa ng kasalanan. gayunpaman ang galing mong magpayo na kahit ata nasa work ka nyan e nagawa mo pa silang matulungan.

    nice one lovely!

    wagnut:” hindi naman lahat ganyan eh nagkataon lang po na yan ang napili nilang babae hehe..si bff i hope maging ok ang lahat sknya ..

  2. …at may picture with smile pa! woot! 😀

    wagnut:” wooot heheh

  3. Dear ate lovely, bagay ah 🙂

    nabasa ko ang iyong comment sa bahay ni kuya blu tungkol sa tag award..

    wagnut:” kuya pm mo naman sakin kung paano pilesssssssss..hehe tnx..mwah

  4. hahahaha….sana naituro na sa iyo ni sandi ang malimuot pero tamang landas ng pagpopost….
    aha….isa na ka pala marriage counsellor….kailan pa aber…ba ang bata mo pa ha…
    alam mo dapat sa yo mag-open ng radio love program!

    woot…wooot…..woooot….

    hmm..pati ang pareng dencio…nahawa na rin sau! woot….woot…..wooot…..

    wagnut:” kuya blu hehe naituro na po hehe..medjo nahilo kasi ko dun sa instruction mo saka nawala ka po eh hehe..salamat pa rin po hehe..watcho think kuya mag karon kaya ako ng radio program dito sa blog noh hehe ng marinig din ng iba ang magandang tinig ng boses ko haha…woot..haha nakakahawa pala ako hehe..

    • hala boss blu nahawa ka na ke lovely ng “wooot” na yan haha

      wagnut:” hehe ayaw mo ba pati ikaw na papa woot na din hehe

    • uy tama ka dyan…podcast ba tawag dyan hehehehe…..
      success!kaganda ng award di ba?

      wagnut:” hehe first time nakatanggap kuya..

  5. una,ke mr. ahay,,uber nmn si gel kung magselos pati sa work,,,,wla sa lugar..

    2nd,,, mas wla sa lugar,,,pera lang ata gusto nya sa jowa,,,,nu bayun,,

    3rd,,,,,hmmmm mejo komplikado situation ni grl huh…from d start alam nmn nya na may asawa at kasal na,,,taz go pa din sya,,,,magpakatatag na lang xa,,, dat’s lyf!!!!

    wagnut:” kaya nga nung nakikinig ako sa kwento nila eh nawiwindang din ako hehe

  6. ehem hem my pov:

    una:
    i believe…nonono i STRONGLY believe na yung guy ang may kasalanan..alam ng selosa asawa nia di pa din mapirmi.tapos kahit sinong tao babae man o lalaki magagalit ng bongga kung di ka uuwi sa bahay kahit pa nasa work ka lang..sus ee ang lapit ng bahay di makuhang magsabi hemsyur may cp cia peo di cia nagtext..kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan.malakas ang loob ng guy kasi alam niang mahal na mahal at hahabulin cia ng girl…
    isa lang nakikita kong dahilan ng guy…SAWA na cia sa girl..bakit nga naman hindi ee nakuha na nia lahat ng gusto nia…
    sori sa friend mo but that’s how i see things from him…

    pangalawa:
    that girl’s a bitch ay mali ulit…that BITCH is a girl..ahehe kung ako yung guy pumayag cia sa pakikipagbreak ng girl pero bayaran muna ni girl yung nagastos ng guy para sa kanya..ipablotter pa nia kung kinakialangan.tignan lang natin kung makapalag pa yang babaeng yan…

    pangatlo:
    naku ang tanga ng friend mo..hehe galit ako sa mga kabit..peo mas galit ako sa mga hindi nagiisip..ay nag iisip pala yun nga lang sarili lang iniisip..

    ayun hehe ang haba..if i were you ipabasa mo sa mga kaibigan mo yung mga coments namin para matauhan.yung may ka live in naku sarap kutusan…

    wagnut:” girl nakakawindang hanu kahit sila nasabihan ko na rin na ang gulo ng buhay nyo pala sus mi yo marimar hehe..ginusto na nya yun wala na rin akong magagawa..hays kawindang talaga

  7. bakit panay problema pag babae
    lolz .. joke

    kung ako dun sa no.1 – hiwalayan na nya yung ka live-in nya. nampowtah.. ang hirap hirap magtrabaho tapos ganun pa sasalubong sa akin. sows. hindi na ako magsasalita para hindi kami mag away pero lalayasan ko na lang siya bigla

    no.2 – kung ganyan din ang gf ko… matagal ko ng hiniwalayan yan. abuso amf. hindi naman sya kawalan kung ganyan ugali nya eh.

    no.3 – ituloy ang pag bubuntis. ipakilala ang ama. pero wag humingi ng kapalit sa lahat. hinarap nya ng ganyan ang sitwasyon… solusyunan nya.

    wagnut:” kuya si guy no.1 naglayas naman kaso bumabalik pa rin kapag hinahabol na eh hehe..si mrs.to be parang may iniisip na gawin di ko makuha..hays puro babae noh hehe..

  8. hmmm…. ok eto ang reaction paper ko:

    -kay mr.may kalive-in : Sabi nga nila hindi mo makikilala ang isang tao hangga’t hindi mo nakakasama sa isang bubong. Akala mo parang anghel sa una, yun pala may tinataong sungay at buntot. Hindi naman natin kasalanan na sa kanya ka natisod.Hihi. Hindi ko alam kung may pinaghuhugutan ang pagseselos ng asawa mo, ok lang naman siguro yun basta nasa lugar. Ang tanong ko lang, nag-effort ba siyang sabihin na hindi siya makakauwi, knowing na alam niya na OA sa pagkaselosa yung girlalu niya.

    -kay mr.mapagbigay kay gi-ef:Hindi masamang tumulong lalong lalo na sa taong mahal mo pero isipin mo rin sarili mo. Yang gf mo ay sobrang makasarili. Sarili lang ang iniisip. Gumawa siya ng problema tapos ikaw ang gagawa ng solusyon- aba’y sobra naman ata siya. Ginawa mo na yung part mo sana naappreciate niya. She’s a loser. Sorry nakakainis sya eh. Tell her to grow up.

    – kay soon to be mrs. but…: uhmmm iha, ang dami namang iba bakit siya pa. Unang-una,alam mong may sabit na pinatulan mo pa, may kasalanan ka din e.At nagawa na niya sa unang pamiya niya, nakakasiguro ka bang hindi niya gagawin sayo. Hindi sa nakikialam ako, buhay mo yan, pero sana alam mo ang consequences ng pinasok mo. Ok lang mainlove, masarap mainlove, kaso kung makakasira o makakasakit ka na ng iba, hindi na tama. Ikaw lang din makakasolusyon jan sa problema mo, isipin mo kung ano ang tama. 🙂

    Minsan hindi sapat ang love lang, dapat laging kasama ang trust, understanding, honesty, sincerity at care.

    Ito po’y opinyon ko lamang. Ang tamaan…… siguradong sapul!

    🙂

    wagnut:” sapul na sapul ung tatlo ung 2 lalaki until now di ko pa nakakausap si mrs.to be ayun di na maxado nagsasalita muna sakin may ginagawa na atang solusyon sa problema nya..ewan ko kung ano pero im always telling her na kaya mo yan,makaka survive ka rin parang survivor philippines lang yan hehe..loser si girl demanding noh ate..nabadtrip din ako dun eh parang ewan lang kung ganunin nya yung bi-ef nya..

  9. hindi dapat pagselosan ang work.. she’s being so unreasonable.. haller! 😉

    wagnut:”un na nga ate..;)

  10. isa lang ang masasabi ko. no offense meant pero kung sakin humingi ng payo yang mga yan, paghahampasin ko mga pagmumuka nila. tsura nila! mga kulang ba sila ng katinuan sapag-iisp para di masolusyunan yang mga ganiyang probs? pathetic.

    nyahahaha!sorry ha. emo mode pa rin kasi hanggang ngayon kaya walang kasing angas ang mga birada. lolz!

    mr. may kalive-in: hindi ko alam bat ka nagsusumiksik sa gee-ep mong bangag at pati walang karasun-rason na bagay eh pagseselosan. bat di kaya sabihin mo sa gee-ep mong magbanat din ng buto at hindi na lang pagpapapampam ang inaatupag. ibreak mo na xa kung ako sa’yo.

    mr. mapagbigay kay gee-ep: isa ka pa! san napunta ang kukote mo? sa bayag mo? amp ka! obyus na hindi ka mahal ng gee-ep mo at kinakwratahan ka lang. ikaw naman si gunggong, nagtitiis maski na harap-harapan nang pera lang talaga ang habol sa’yo. magsama kayong magpatihulog sa bangin ni mr. may kalive in.

    soon to be mrs. but: is kang gaga para i-abort ang baby mo. hindi mo ba alam na blessing yan, maski sa anong paraan pa yan nabuo. anong rason mo bat mo siya ipapalaglag? dahil ba may asawa na ang tatay niyan at may kahati ka na sa saging niya? sowska! hindi mo ba naisip yan nang binuo nio si pyutyur baby? gumising ka sa katotohanan at isiping nasa modernong panahon na tayo ngayon. maraming katulad mo sa lipunan na hindi nahihiyang palakihin ang sarili nilang anak nang nag-iisa. saludo ako sa mga ganung klaseng tao. palaban at hindi susmusuko sa problema. tulad ko.

    ayan lovely. sabihin mo yan sa mga kaibigan mong nuknukan ng kawalan ng diskarte sa buhay. ahehehe.

    pacenxa ule. emo mode pa rin.

    wagnut:” kaylan ka pa naging emo eh dati naman galit ka sa mga emo ah ngayon emo ka na binibigyan ka na ng blade ni fula di ba di mo ba tinanggap wag mo tanggapin baka may kalawang ung blade eh matetano ka pa hehe..bigyan kita bago hehe..joke..anyway angas nga ng mga birada mo sa friends ko hehe kung masamang tao nga lang ako eh malamang ganyan din sinabi ko hehe hayaan mo’t try ko ipabasa sknila tong mga comment nyo ng matauhan kahit konte naman hehe..salamat naman napadaan ka..
    hindi ako demanding namiss ko lang ang pag bisita mo dito..un yon eh..

  11. tawa ako ng tawa, parang DA HU pero hindi ko naman kilala kung sino sino, hahahaha… hay ang mga tao talaga…

    wagnut:” ah da hu sa startalk ba un kuya o sa da buzz hehe//

  12. ahay. sa mga problemang ganyan tayo na’t mag-ama namin sumasalangit ka blah blah blah blah. AMEN. awoooooooo!

    wagnut:” amen aleluya..

  13. hi sis…taga praningyake…este…parañaque ka rin pala LOLs. laki ako sa sto. niño.

    watapost…napraning ako sa mga problema nyang mga kasama mo…LOLs

    1. para kay mr. ka-live in…….dapat kasi nagpaalam o nag bigay siya ng abiso na mao-o/t siya at straight duty sa misis niya. kahit ako ng babae talagang magagalit ka, syempre ang iisipin din ng misis eh baka may nangyari sa kanya na masama….o kaya naaksidente….o kaya nasagasaan ng rumaragasang kariton sa sucat…o kaya napasabit sa inuman sa sparkle ng ala-6 ng umaga….o kaya nambababae.

    pero kung talagang wala naman siyang ginagawa na masama, at ganun talaga ang ugali ng misis niya at hindi na niya kaya, eh hiwalayan na nya. tutal hindi naman sila kasal, walang problema dun.

    2. kay mr mapagbigay – hay naku sir, mukhang ginagamit ka lang ng gf mo. wake up….inoobliga ka ng gf mo na bayaran ang utang nya. hindi pa kayo kasal nyan ha….paano kung kasal na kayo, baka lahat ng pinagpapaguran mo pambayad lang ng utang ng asawa mo. kung naghahamon ng split eh di hiwalay…hindi lang siya ang babae sa mundo.

    3. kay ms. soon-to-be mom – magusap muna kayo ng bf mo. kung talagang mahal ka niya at kung hiwalay na sila ng una niyang asawa mag file na siya ng annullment dahil matagal bago ma-approve ng korte natin ang ganyang kaso…minsan taon ang inaabot. pag annulled na siya saka kayo magpakasal.

    ituloy mo ang baby kasi isa yan sa pinaka masayang parte ng buhay ang magkarun ng baby.

    wagnut:” woot kuya hehe..yap taga praningyake ako hehe dito lang sa bicutan,ang galing mo pala magpayo hehe..isama ko na to sa ipapabasa ko sknila..kaso baka magalit naman sakin tong mga to hehe..:)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: