maging akin ka lamang (part 1)

Bumilis ang pintig ng puso ni Gellie nang isara ng katipang si Raymond ang silid na iyon na tanging kulay pulang ilaw ang nagbibigay-liwanag at nakakapaninidig balahibo pa ang lamig na ibinubuga ng aircon.

pulos salamin ang buong silid. Sa kaliwa’t sa kanan at sa kisame na nakatapat sa bilog na kama.iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakapasok siya sa isang pribadong silid ng tulad no’n. Kaya’t di niya maialis sa sarili ang maasiwa at makadama ng matinding kaba. At hindi nakaligtas iyon sa pansin ni raymond.

“bakit nanlalamig ka?” natatawang puna nito nang hawakan siya sa mag kabilang balikat. “kuwag mong sabihing ninerbiyos ka.”

“Medyo,” pilit ang ngiting pakli ng dalaga.Hinaplos ng binata ang lampas-balikat na buhok ng kasintahan. Haplos na masuyong lumipat sa pisngi ng dalaga. Saka niya ito kinintalan ng damping halik sa noo.

“Para namang napakalaking krimen na nitong gagawin natin, noh! Mag nobyo po tayo.Magnobyo for more than 3 years. Hindi na rin tayo teen-agers. Pareho na tayong nasa edad. Isa pa, karaniwan na lang sa mga lovers ngayon ang ganito”

“kahit na no! Hindi ito ang idea ko ng pagpapadama ng pagmamahal sa iyo. Sabihin na ng marami na super conservative ako, e, sa hindi talaga ako pabor sa pre-marital sex,” katuwiran ni Gellie.”Kaya lang ang kulit mo eh”. Saka mahal na mahal mo kamo ako kaya pumayag ako kaya pumayag ka na rin sa matagal ko nang inuungot sayo.” namimilyong ang ngiting sabi ni Raymond.”kung hindi mo lang talaga birthday ngayon, saka kung hindi talaga kita mahal, nungkang pagbigyan kita unggoy ka!” pigil ng dalaga ang tawa habang pisil ang ilong ng binata.

Natatawang kinabig ni Raymond ang katipan. Masuyong ikinulong sa mga bisig niya.saka hinagkan sa labi. matagal,maalab,mapang-angkin ngunit puno ng paggalang.Maya-maya pa’y kapwa na sila gumagalaw ayon sa dikta ng kanilang mga emosyon. Magkayakap ang kanilang mga hubad na katawan,pinapalis ng mga haplos at mainit na pagpapadama ni raymond ng kanyang pagmamahal ang lahat ng pag-aatubili sa isip ni gellie.handa na syang magpaubaya sa lalaking pinili nyang pag-alayan ng kanyang puso, pagkatao,mga pangarap at nagyon nga’y ng kanyang katawan.

“I love you, Gel…”paulit-ulit na anas ng binata habang tinutupok ng init ng kanyang pag-ibig ang kabuuan ng katipan.Ang lahat ng takot ni Gelli’y tinutunaw ng bugso ng kaligayahang sumasakop sa buo niyang pagkatao.Natatabunan ng mga uniigting na sensayon ng maingat na pag-angkin sa knya ni raymond ang kirot na kanyang nadarama.pinagsalikop ni gellie ang kanyang mga kamay sa likod ng lalaking handa na niyang pag-alayan ng kanyang buong buhay at kinabukasan nang maramdaman nyang alipin na ng binata ang lahat sknya. Sumisigaw sa kasiyahan ang isip at puso niya habang magkasalubong na gumagalaw ang kanilang katawan. Napapikit siya nang dalhin siya ni raymond sa kaluwalhatian.

At walang nadamang pagsisi si gellie sa ginawang pagpapaubaya ng sarili sa kasintahan. dahil bukod sa mahal na mahal nya ito’y wala na siyang iba pang pipiliing makasama habambuhay kundi ito.Three years na silang magkasintahan.lumalakad na nga sa apat na taon ang relasyon nilang tumatakbo sa maganda. magkaklase sila no’ng college ngunit nagkapareho ang kanilang kapalaran.nahinto sila kapwa at di natapos ang kanilang kurso.Napasok sa isang kumpanya ng gamot si raymond at siya nama’y bilang saleslady sa isang malaking shopping mall.Sa edad na beinte kwatro at beinte dos.mahirap sikilin ang kapusukan pero lagi niyang ipinapaliwanag kay raymond na sa estado nilang ito’y mahirap makalimot.hindi pa sila handa sa pagpapamilya makulit na ang lalaki.kaya pinagbigyan na rin niya.ang katwiran niya,tiyak naman nila sa isa’t-isa na sila ang pakakasal later on.

“kung wala nga lang akong responsibilidad kina nanay at sa bunso naming si jonjon,matagal na kitang niyayang pakasal,”malamlam ang anyong sabi ni raymond nang magkatabi na silang nakahiga sa bilog na kama.kampanteng nakaunan si gellie sa matigas na braso ng nobyo.tanging kumot ang nagkukubli sa mga hubad pa rin nilang katawan.”kung ako lang ang tatanungin mo payag rin ako.lalo na ngayong ginawa na natin ito.”pakli ni gellie.”tutal , sanay naman ako sa simpleng buhay.hindi ako maghahanap ng mansyon kung sa kubo mo lang ako kayang itira.hindi ako maghahanap ng litson kung tuyo at daing lang ang kaya mong ipaulam sakin.kaya lang, tiyak na hindi ako papayagan nina tatay at ni tiyang Betty.”ano kaya kung magtanan na tayo?”untag ni raymond.”ano ka lasing?ikaw itong kasasabi lang na may respomsibildad ka pa sa nanay mo’t kapatid eh”

“para kasing hindi na ako makapaghintay ng ilang taon para maging misis ka.”darating din tayo dun noh”ani gellie.”third year na naman ang pinag-aaral mong si jon-jon, di ba? pag graduate nya next year, makakatulong na siya sa nanay mo at puwede na nating harapin ang pagpapamilya.”natatakot lang naman akong baka maagaw ka pa ng iba sakin, gel.”pumihit ang dalaga sa nobyo.”sira bat naman ako maagaw sa iyo e, ni hindi na nga ako tumitingin sa ibang guys mula nang maging boyfriend kita.ako nga itong natatakot na manligaw ka pa sa iba kapag hindi ko nakikita.”

“bawasan mo yang pagkaselosa mo, ale ha! one woman man to’. ayaw mo pa rin bang maniwala hanggang ngayon?” “may lalaki bang one woman man?”naktulis ang ngusong salag ni gellie.”ba’t ang tatay ko, buhay pa si nanay, kaliwa’t kanan ang chicks.nang mamatay si nanay, wala pang isang buwan,nag-asawa na agad.”ibahin mo ko sa tatay mo’ oy”depensa ni raymond sa sarili.”sa akin ikaw lang.ikaw lang at wala nang ibang babae.kahit maghubad pa ang pinaka-seksing babae sa aharap ko.”stir!” may kasamang irap na reaksyon ni gellie” baka katulad ka rin ng ibang lalaki, ha magaling mangako, pero kinakain rin nila ang pangako nila.”

kinintalan muli ni raymond ng halik sa labi si gellie.sapo ang baba nito’y tinitigan niya ito.yung klase ng titig na nagbibigay katiyakan, nangangako.”ikaw lang talaga, gel i swear,”seryosong sabi nito.”talaga, ha!”nakangiting sunod-sunod na tango ang itinugon ni raymond.Inabot na sila ng mag alas dyes ng gabi sa daan.birthday nga kasi ni raymond.nakataong day-off ni gellie kaya’t siya na ang nagsadya sa trabaho ng binata.nagselebra sila sa pamamagitan ng panonood ng sine.pelikula ng kapwa nila paboritong si atonio banderas ang pinanood nila.kumain sa branch ng chowking.pagkatapos nga’y nagtungo sila “doon”.

malamang masabon na naman ako ni tiyang betty”nag-aalalang sabi ni gellie habang sakay sila ng airconditioned bus pauwi. iisa ang way nila pero hindi naman magkalapit.sa malabon nakatira si gellie,samantalang sa valenzuela si raymond kapisan ang inang nagtitinda ng almusal at meryenda sa harap ng kanilang bahay at ng kapatid na kumukuha ng architecture.”ihahatid naman kita,a”alam naman nilang ako ang kasama mo, bat nag-aalala kang mapagalitan?”mas natatakot nga sila kapag ikaw ang kasama ko,e.baka raw itanan mo kong bigla.”at wala nang magpapakain sa kanila,ganon?”may inis sa tonong dugtong ni raymond.”dahil kapag itinanan kita’t naging asawa,wala nang maghahanapbuhay para saknila.”pumara si raymond at umibis sila ng bus.lagi na’y hawak ng binata sa kamay ng nobyo na para bang batang inaalalayan.

“halata namang hindi boto sa akin ang stepmother mo, gel e.”mungkat ng binata.”sahil alam kong ang gusto nyang maging boyfriend at mapangasawa mo’y yong de kotse.’yung madatung.kaya nga siguro laging nakatulis ang nguso niyon kapag nasa inyo ako,eh.”bat naman iintindihin mo siya,”ani gellie.”hindi ko naman sya tunay na nanay noh.”pero gusto nyang kontrolin ang buhay mo.kung tutuusin,sa edad mong twebty-two, pwede na kitang yayaing pakasal.pero alam kong tiyak na magproprotesta ang tatay at tiyang betty mo dahil wala nang magpapakain sknila.”

hindi sumagot si gellie.hindi naman dahil ikinagalit nya ang sinabing iyon ni raymond dahil ayaw na nyang inuukil pa sa iasip niyang siya ang bumubuhay sa mga taong dapat ay siyang sumusuporta sknya.malalakas pa naman ang dalawa dahil bata pa, pero inaasa na ang lahat sa knaya.ultimo ang paninigarilyo ng tatay niya;y sa pinaghirapan nya kinukuha.ganon din ang ultimopulbos ng step mother nya.may kakamabal na katamaran sa katawan ang dalawa.kaya’t sa kanya na lamang umaasa.”sorry gel,ha kung hindi mo nagustuhan ang huling sinabi ko,”nag-aalalang paghingi ng paumanhin ni raymond sa katipan nang mapuna ang biglang pananahimik nito.”naaawa lang ako sa iyo.kung may magagawa lang nga ako para hanguin ka sa buhay mong yan..”

ngumiti si gellie.tiningala ang mukha ng katipang mas mataas sknya ng walong pulgada. 5’3 lang siya samantalagang 5’11 ang lalaki.humigpit ang kapit niya sa braso nito.huminto sa paglalakad si raymond pagdating nila sa isang madilim at di mataong lugar.pulos talahiban ang paligid dahil mahabang bakanteng lote iyon.ang liwanag na nagmumula sa nagdaraang mga sasakyan ang tanging nagbibigay-liwanag sa paligid.ihinarap ni raymond sa kanya ang katipan.hinapit sa bewang.”ano kaya kung itanan na kita ngayon.?”bahala na,siguro naman,kaya na kitang buhayin sa kinikita ko.”sira! may usapan tayong mag-iipon pa diba.?natatawang reaksyon ni gellie.kinabig sa ng binat’t hinagkan sa noo.”mahal na mahal kasi kita e.”ang corny mo na ha!kanina mo pa inuulit yan.”

nasa ganun silang pag-uusap nang kapwa pa sila magulat sa pagdaan ng isang sasakyang tila pa-ekis-ekis ang takbo.naalarma sila.nagkatinginan.kapag ganoon kasing kalalim na gabi’y nagiging pugad na ng krimen ang kalsadang yun.at iisa sila ng kutob.may nangyayaring hindi maganda sa loob ng nasabing sasakyan.hindi nil ito hiniwakayan ng tingin.malakas ang kaba nila,napahigpit ng pagkakapit ni gellie kay raymond.inakbayan siya ng binata para papanatagin ang kanyang kalooban.nagpatuloy sa mabgal na paekis-ekis na takbo ang pajerong kulay maroon.hanggang sa makarinig sila ng putok ng baril mula sa loob niyon.napahinto sa paglakad ang mag-nobyo.hindi nila inalisan ng tingin ang nasabing sasakyan.”

rauymond..” hintakot na napayakap si gellie sa binata.”tumakbo na tayong palayo sa lugar na ito,baka tayo madamay.”teka huwag kang matakot,gel.kasama mo naman ako e.bigla rin naapreno ng sasakyan.lumihis ang direksyon ng sasakyan sa tuwid na lane.lumiko ito patungo sa talahiban.nakarinig sila ng sigaw roon.tinig ng isang babae.pagkatapos ay isa na namang putok ng baril.napatakip ng magkabilang tenga si gellie dahil sa takot.nagsimula na syang sagilahan ng nerbiyos. halos haltakin niyang palayo sa lugar na yun si raymond.halika na sabi raymond.mahirap nang madamay pa tayo sa kung ano man ang krimen na yan.”sandali, gellie.baka may maitulong tayo,”tutol ng binata.

nakita nila mula sa kinaroroonan ang pagbukas ng pinto ng kotse. nagkubli sila sa isang mataas na talahib.nakiramdam,nagmanman.may pagkakagulo sa loob ng sasakyan,maya=maya’y nakita nilang may isang taong tila inihulog na lamang sa sasakyan,papaunta sa may talahiban.saka sila muling nakarinig ng hiyaw ng isang babae na nagpapasaklolo.na agad ding naputol dahil may tila tumakip sa bibig nito.kalampagan sa loob ng pajero.kumilos si raymond mula sa pinagkukublihan nila.”ano’ng gagawin mo?” nanalalamig sa takot na tanong ni gellie.

“lalapitan ko ang sasakyan bago makalayo.dito ka, mag-abang ka ng daraang sasakyan at humingi ng tulong.sasaklolohan ko yung babae.”pero delikado raymond.”halimbawang sa iyo mangyari ito at wala ring maglakas ng loob na sumaklolo..?”natigilan si gellie.”ano’ng laban mo sa kanila?may baril sila?”nakalimutan mo na bang marunong ako ng karate?”bago pa makasagot na muli si gellie ay nakatakbo na si raymond sa kinaroroonan ng pajero.umahon na rin siya mula sa pinagkukublihan para mag-abang ng magdaraang sasakyang maaring hingan ng tulong.

tinadyakan ni raymond ang pinto ng sasakyan,saka nya kinarate ang kamay na may hawak na baril ng unang lalaking nabuglawan niya.nahulog ang baril.sinarakan niya ang lalaki at tumilapon ito plabas ng pajero.kinarate niya sa balikat ang isa pang may hawak ng baril. saka binayo ito sa likod sa pamamagitan ng siko niya.bago makaalma na muli ang tatlong lalaki’y nakatutok na sa mga ito ang baril ng mga ito.nadaig ng bilis ni raymond at ng nalalaman nya sa martial arts ang sandata ng tatlong lalaking nagulat na lamang sa bigla nyang pag sulpot.nataranta ang mga ito sa bilis ng kamay at paa niya kaya’t walang nagawa.napatunganga na lamang ang tatlong mga bagito naman sa pambibiktima.sinenyasan ni raymond ang nahihintakutang babae na nasa loob pa rin ng pajero para lumabas na sa sasakyan at tumakbo patungo sa kaligtasan.eksakto namang natawag na ni gellie ang pansin ng mga taong sakay ng nagdaraang owner type jeep.pulos lalaki ang lulan nito.tatlong katao.humiyaw ng saklolo si gellie kaya’t maagap na sumakloloa ng mga ito.nakabalik na sa composure ang tatlong lalaking nambikitima kaya’t naisip nilang walang laban ang nag-iisang si raymond sa kanilang tatlo.nagawang agawin ng isa ang baril kay raymond.tinanyakan ng isa pa ang binata.”tigil”sigaw ng isang lalaking buhat sa owner jeep.

nagulat na naman ang tatlong lalaki.nagtangkang tumakbo ang dalwa ngunit hinabol sila ng iba pang lalaking bumaba mula sa owner.naputukan ni raymond sa paa ang isa pa.nahuli ang tatlong lalaking humarang at sumakay pala sa pajero ng dalagang nagngangalang Roxanne Bermudez.ayon sa kuwento ng dalaga’t tinutukan ng tatlong lalaki ang driver niya sa ilang at di mataong lugar.binaril nga ng isa ang driver niyang may edad na.mabuti na lamang at nakaabot pa ito sa ospital dahil agad isinugod nina raymond.

“napakalaki ng utang na loob ko sa inyong dalawa,”anang roxanne sa magkasintahan matapos matiyak na ligtas na sa kamatayan ang may katandaan na ring driver na si mang insiong.”kung hindi nyo kami tinulungan,baka paglamayan na bukas si mang insiong,ako nama’y malamang pinagsawaan na ng mga hayup na yon”walang anuman yon,maagap na sagot ni raymond.”kahit naman siguro sino’ng makakita na nasa panganib ang kapwa niya at may maitutulong siya’y hindi magkakait ng tulong.”hindi lahat ng tao’y kasingbubuti ninyo’yung iba,sa takot madamay ay nag-aatubilibg tumulong.utang namin ni mang insiong sa inyo ang buhay namin.hindi ko makakalimutan ito.paano ba ako makakaganti ng utang na loob sa inyo?”

“wala yon–“roxanne.Roxanne Bermudez,”salo ng magandang babaeng mga beinte-kuwatro siguro ang edad.”kayo nga pla,hindi ko alam ang pangalan ng tagapagligtas ko.”ako si raymond.si gellie,”anang binatang itinuturo ang nobyang katabi sa kinauupuan.”magakapatid kayo?”tanong ni roxanne.nagkatinginan ang dalawa.nagkangitian.”hindi mag boyfriend kami,”si raymond na ang nagtama.”ah isee…”tatango tangong pakli n dalaga.”akala ko magkapatid kayo,magkahawig kasi kayo,inakbyan ni raymond si gellie para patunyan sa kausap ang katotohanan ng sinabi niya.”ano bang puwede kong gawin para makapagbayad naman ng utang na loob sainyong dalawa?”kuwag mo ng intindihin yon”si gellie.”yun lang sarap ng pakiramdam na may nailigtas kami’y tama na para samin.”

“you two are so kind.salamat ulit”nakangiting sabi ni roxanne habang hawak ang dalawang kamay ni gellie at nakatingin kay raymond.”in case na kailanganin naman ninyo ng tulong ko,”may kinuha itong calling card mula sa black leather bag na suot nito,”don’t hesitate to call me up.ah,mabuti pa’y ihatid ko na kayo sa inuuwian nyo.dis-oras na ng gabi.mahirap ang sasakyan.”huwag na,mag-aala-una na ng madaling arw,mas delikado para sa tulad mo ang magmaneho’t bumalik dito sa ospital nang nag-iisa,”tanggi ni raymond.”oo nga naman.kami na lang ang bahala.”susog ni gellie.”ang babait nyo talaga. i hope that this will be the start of a good friendship between us,”nakangiting ani roxanne.”bakit nga hindi?”ani gellie.”sa amin naman ni raymond,lahat ay welcome lang na maging kaibigan. O,pa’no maiwan ka na namin.’may number ba kayo?gusto kong matawagan kayo one of these day’s eh”matapos ibigay ni gellie ang number niya sa trabaho’y nagpaalam na sila kay roxanne.nakangiti pa rin itong inihatid sila ng tingin palabas ng ospital na pinagdalhan sa driver nito.

kay amo ng mukha ni roxanne.animo isang anghel na naka-krus ng daan nina gellie at raymond.wala silang kamalay-malay na ang babaeng ito ang magsisilbing anay na unti-unting sisira sa matibay na sanang pundasyon ng kanilang pagmamahalan.

Advertisements
Published in: on April 27, 2009 at 6:46 am  Comments (19)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/04/27/maging-akin-ka-lamang-part-1/trackback/

RSS feed for comments on this post.

19 CommentsLeave a comment

  1. hmmmmm…kaganda naman ng kwento…..aabangan ko ang susunod na kabanata

    wagnut:” tnx kuya blu standby ka lang..:)

  2. ang haba. sinong uthor nito? maya ko na lang basashin. hehehe. bse muna.

  3. author pla, sorry. hehehe.

    wagnut:” ikaw nga ba ang naka base hindi ata hehe.pero ok lang hehe nagwa mo naman pumangalawa eh hehe..author hulaan mo na lang kapag natapos ung kwento ko..:)balik ka ha..

  4. ang haba pero nakaya kong basahin haha.

    pihadong malandi si roxanne.

    at sana hindi magmukhang kawawa si gel at inaapi api lang.

    bakit di ka sumali sa pinoy online novels author search anakngpating? 🙂

    wagnut:” toinx..subok lang ..abangan mo na lang mangyayari saknilang 3.

  5. for some weird reasons i thought u and gel have a not-so-much-little similarities.

    wagnut:” i dont think so..:)

  6. uhmmm parang naalala ko mga pocket book nung collge ako… hihi…
    pang “precious moments” na ito ah…

    susundan ko yan… haha!

    wagnut:” woot hehe sige po…

  7. aba.. may aabangan nanaman akong kwento.. tru to life ba ito? 🙂

    wagnut:” wat cho think?kuya sandi?

    • parang tru 2 lyf ‘to..

      ikaw ba si gel o si roxanne?

      wagnut:” hulaan mo kuya sandi hehe..:)

      • palagay ko si gel ka 🙂

        wagnut:” naku wag maniwala sa maling akala hehe..abangan mo na lang kuya,..

  8. hanep…may romance at action..hehe

    feeling ko aagawin ni roxanne si gel..ahaha

    wagnut:” uyyy..nakukuha na nya kung anong mangyayari hehe..

  9. nice one. gusto ko yung action+romance. ehehe 🙂

    wagnut:” may karate epek noh hehe..romance natuwa ka hehe..uyyyy..

  10. wow ang ganda ng story…….. 😛

    nice………

    wagnut:” woot..di mo ba aabangan hehe..

  11. malamang… lalandiin ni roxanne yung guy
    tapos mahuhuli sya ni gellie

    gagawin lahat ni roxanne.. makuha lang ang katawan ng lalaki

    parang ako yung lalaki ah
    lolx

    weehee… antay ko part 2 ah 🙂

    wagnut:” haha parang ikaw ba kuya efpi hehe..topic ka namen kagabi ni ate winkie hehe..:)

    • hala… san nyo ako topic?

      wagnut:” secret hhehee…

  12. trivia and fact: hindi lahat ng nagcoment nagbasa! haha!

    ‘nice story! hanep. motivated talaga kapag lovestory! :D’

    – GINO ONG.

    wagnut:”pansin mo ikaw ba nagbasa rin o hindi nag comment lang hehe..salamat sa pagbisita..:)gino ong

  13. at syempre talaga namang bed scene agad ang unang tagpo ha! LOL

    wagnut:” para hindi kayo maboring un ang unang banat ko hehe..:)

  14. wow sumusulat ka na ng nobela. galeng! at kapangalan ko pa ang bidang lalaki. LOLs ang haba di ko natapos nasa kalagitnaan pa lang ako. mamya tataposin ko promise!

    wagnut:” huhu mukang di mo na nga nitapos sabi mo babalik ka hindi ka na bumalik bakit mo ko binitin mon hehe..

  15. umusok naman ang mouse ko dito sa post mo tungaw, pero nag enjoy akong basahin at sana naman e wag si roxanne ang maging tulay para masira ang relasyon ng dalawa pero tignan na lang natin ang susunod na kabanata

    wagnut:” abangan na lang kuya..:)

  16. ngayun ko lang nbasa ‘to…..na-excite naman ako…san yung ksunod? hehehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: