The Mammary Awards – 05.18.09 Para sa Utol Kong si Sean* akda ni Lio Loco

http://www.thessddboy.com/2007/04/mammary-awards.html

Para sa Utol Kong si Sean*

November 10, 2008

utol-ko

Congrats! Engineer ka na!

Hindi ko pinagsisisihan ang desisyon kong ipagpaliban ang pagrereview ko para makapagtapos ka ng pag-aaral. Wala akong pagsisisi na naging call boy ako una sa Baguio at ngayon dito sa Makati para makapagtapos ka at makapagreview sa Maynila. Maski na alam kong sa lampas isang taong pagkagapos ko sa pagiging hilaw kong Amerikano sa telepono eh di malayong makalimutan ko na ang pinag-aralan ko sa Accounting. Okay lang ‘yon. Mas mahalaga sakin na makapagtapos ka at maabot mo ang mga pangarap mo. Sa pagpasan ko ng tungkuling tinalikuran ni daddy, pinangako ko na sa sarili kong mauuna’t mauuna ang kapakanan niyong dalawa ni mommy bago ang ano pa man. Na sa tingin ko’y natupad ko naman di ba?

Congrats! Engineer ka na!

Noong una, asar na asar ako kay mommy dahil hindi man lang niya tayo kayang pagsabayin. Nagalit ako dahil puro na lang siya salita. Naaalala mo ba yung mga panahong kababalik lang niya ng Pinas galing abroad? Sabi niya, pag-aaralin niya tayong dalawa sa private school. Sabi niya, maski anong school sa college at maski anong kurso ang gustuhin nating kunin, kaya niyang tustusan. Tayo namang mga uhuging kuting, naniwala agad. Pala, ang kahihinatnan eh ipupublic din ‘tong mga gifted neurons natin. Dami niyang pangako na puro pala bula. Kaya nga sabi ko sa sarili ko hindi pwedeng ganto na lang lagi. Nagsumikap ako para hindi mo na maranasan yung mga naranasan ko nung nasa college pa lang ako. Di bale nang magutom dahil wala akong pambili ng pananghalian basta may baon ka lang. Di bale nang saktong pandalawang araw lang ang dapat sana’y isang linggong baon ko para may maiakyat lang si mommy para sa allowance mo. Di bale nang di ako umattend ng acquiantance namin para lang makasama ka sa educational fieldtrip niyo sa Maynila. Di bale na ‘ko para lang sa ‘yo. Dadalawa na nga lang tayong mag-utol. Sino pa bang magtutulungan?

Congrats! Engineer ka na!

Sayang lang at hindi na naabutan ni Cool Granny Carmen ang napipintong tagumpay natin bilang mag-utol. Tanda ko pa. Sabi niya no’n, napakaswerte pa rin daw natin maski na nawalan tayo ng materyal na yaman sa pag-alis ni daddy. Kasi binigyan daw tayo ni Lord ng gifted genes para batakin ang mga hamon ng buhay. Dahil sa sobrang himutok, nasabi ko sa kaniya dati na kung na kay daddy sana tayo, kung pumayag lang si mommy noon, malamang sa malamang eh baka sosyalera’t sosyalerong conio na tayo sa Ateneo at La Salle. Alam mo ba ang sabi ni Cool Granny Carmen? Mauuna raw ang hirap kaya wag raw tayong mareklamo. Pasasaan ba’t sarap ng nakaririwasang buhay raw ang aanihin natin balang araw. Sadya raw ganun ang tadhana. Hindi ako kumibo noon kasi ayokong maniwala. Sa isip-isip ko, makabagdamdamin ang tinuran mo Cool Granny Carmen pero ang words of wisdom ninyo ay hindi makapagtatahan ng kumukulong sikmura at hindi makapagtatapos sa dalawang batang henyong pinagnakawan ng sandigan at kailangang kayamanan. Ngunit ngayon eh napagtanto ko na rin ang lahat. Malaman pala ang malupit na banat niyang yun. Iyon at iyon din ang naging kalasag ko sa tuwing tila tinatablan na ko ng pagod at pagkabagot at di-miminsang pagtatangkang isuko na ang lahat dahil sa tingin ko eh napakalaking responsibilidad ang sapilitang iniwan sa’kin ni daddy at di ko na kayang tiyagain pa ito. Kung nasaan man si Cool Granny Carmen ngayon, pihado akong matuwid sitang nagmamatyag at gumabagay sa’ting dalawa. Hawak ang isang boteng shoktong (paumanhin, hindi ko alam ispelingin ang pang-matandang alak na ito), may Cool Granny Carmen rest in world and eternal peace!

Congrats! Engineer ka na!

Pag umuwi tayo sa probinsiya, hindi na ako ang laging bida tulad ng lagi mong ikinayayamot. Pag-uwi natin dun, ikaw na ang bukambibig sa buong compund, sa buong block natin. Hindi ka na ma-OOP. Dati-rati, pag may importanteng lakad sa ating pamilyang extended, sabi mo laging ako ang sinasama. Ikaw hindi. Kasi kamo ako may trabaho, samantalang ikaw eh isang hamak na estudyante pa lamang. Pero ngayon…ngayon, ikaw na ang bida pag-uwi natin. Kasi licensed Electronics and Communications Engineer ka na. Sa madaling salita, mas bigatin ka na kesa sakin ngayon. LOL!

Congrats! Engineer ka na!

Ilang araw pagkatapos ng oath-taking niyo, magkakatrabaho ka na. Mabibili mo na maski anong gusto mong bilhin. ‘Yung hindi kayang ibigay satin ni mommy, makukuha mo na. Mapapalitan mo na yang cellphone mong lagi mong idinaraing sakin. Bibilhan naman talaga kita eh. Nag-iipon pa lang kasi ako. Sabi mo sakin, maski na yung tig-isang libo lang na fake Nokiang China phone. Ayoko. Kasi gusto ko, pag binilhan kita yung gusto mo, yung hindi ka mahihiyang ilabas kapag nagtetext ka sa daan. Ano na nga ba yun? N70 ba yun? Pero malamang sa malamang, mauunahan mo na kong bilhin yun pagka nagkatrabaho ka na. Di bale, bili na lang tayong laptop hane?

Congrats! Engineer ka na!

Proud na proud ako sa’yo dahil may utol na kong professional. May mailalagay na rin tayong malaking karatula sa compound natin, yung may malalaking letrang kulay silver tsaka black sa parang hugis kuwadradong aluminum ata yun. Dinaig mo na nga talaga ko ngayon. Nung nasa hayskul pa lang tayo, lagi kang kinukumpara sa ‘kin ng mga teachers natin. Na siya namang kinaiinis mo. Kasi maski anong gawin mo, lagi na lang nakabuntot ang kadakilaan ng kuya mo. Hehehe. Lagi na lang si kuya, si kuya, ang nayayamot mo pang sabi. Ako lagi ang bida, ikaw laging pumapangalawa. Maski na nung grumadweyt kang valedictorian, kakambal pa rin ang pagkumpara kung sino satin ang mas magaling lalo na’t pareho tayong nanguna at magkasunod na batch pa. Ngayon, nasa ‘yo na ang huling halakhak. Naungusan mo na ang kuya mo. Ikaw na ang nagwagi. Professional ka na eh.

Congrats! Engineer ka na!

Kung alam mo lang kung gano kasaya ang kuya mo ngayon. Lagi kitang binibida sa mga kaibigan ko, sa mga kakilala ko. Nung gabi ngang lumabas yung exam results, bangenge ako nun. Napatumba namin ni Pareng Gerald ang apat na litro ng Red Horse kakaantay ng results. Chineck ko ng alas nuebe. Ala pa. Balik ng apartment. Tagay. Tiningnan ko ule ng alas-diyes. Pucha! Ala pa rin. Balik sa bahay. Tungga ule. Nagtext ka ng alas dose y medya. Sabi mo, “Kuya, pumasa ako.” Naknamputeek! Nabasa ko alas kuwatro y medya na. Pero hindi na ko nakatulog nun. Sino ba namang kuya ang mahihimbing ule sa pagtulog matapos niyang malamang pasado na ang utol niya?

Congrats! Engineer ka na!

O yan, abswelto na ko sa’yo ha. Sarili ko naman aasikasuhin ko ngayon. Balak kong magresign next year sa pagiging call boy para paghandaan naman ang dapat sana’y matagal ko nang tinapos na propesyon. Magwa-wanyir review ako. Gusto ko kasing mag-top sa CPA Board. Hehehe. Tayog ng pangarap ng kuya mo no? Parang sarangggola ni Pepe. Yaan mo nang kuya mong mangarap. Malay mo, di ba? Patataubin natin mga nagfi-feeling-feelingang Ivy League schools dito sa Maynila.

Congrats! Engineer ka na!

Pero wag ka munang mag-aasawa ha. Kinausap ko na si Jon. Pinauna ko nang marami pa tayong pangarap para satin, para kay mommy. At naintindihan naman ako ng boypren mong Magna Cum Laude. Ba’t nga pala Bossing tawag sa’kin nun eh pagkalaki-laking tao. Laking bulas nga eh. Mas malaki pa sa ‘kin. Sabi nina Pareng Gerald, ala raw akong panama sa laki ng katawan niya. Sabi ko naman, ala sa laki ng katawan yan. Pag galit ang tao, galit talaga. Pareho ang tingin sa lahat. Sabagay, mabait naman si Jon eh. Alam niya yung hirap natin. Pero hanggang ngayon, hindi ko alam ba’t ikaw nagustuhan nia? Siguro, kapareho mo lang kuya mong makarisma. Wahehehe. Ayos lang sakin ang date-date niyo. Basta wag lang kayong gagawa ng bagay na ikasisira ng tiwala ko. Malaking bata ka na. Malaking bata na siya. Alam niyo na ang mali sa tama. Kaya behave ha. Higi’t lalong wag na wag kang magpapakita sakin na puro tulo-uhog. Good shot pa naman na siya sakin. Heaven knows I’ve done know wrong but Gawd knows what I can do. Hindi yan threat.

Congrats! Engineer ka na!

At congrats din sakin. Kasi sa wakas, magkakalablayp na ko! May pang-date na ko eh. Yahoo! Magpapainom ako!

Lio Loco paano eto ang isa sa mga napili ko na na entry para sa pag sali ko sa kabulastugan http://www.thessddboy.com/2007/04/mammary-awards.html na pakulo mo sa iyong kuta hehe..Dahil sa gahaman gusto ko yung mga papremyo na ibibigay mo sa mananalo eh kaya napag isipan ko ng sampung beses na sasali ako sa pakulo mo, matalo man o manalo atlist eh nakasali talaga ako hehe..akswaly kung di mo naitatanong at alam ko naman na hindi mo talaga itatanong sakin eh isa ko sa mga avid readers mo hek3..kahit na last month ko lang naman napuntahan yang pinakukutahan mo sa SSDD.i.pH. ” breathing the SSDD Mantra” ka pa nun hehe at ayun nga pinatay mo na sya hehe minsan eh dinadalaw ko pa naman sya hehe..namiss ko lang akswaly ung itim na ibon dun kung ano man klaseng ibon yun eh hindi ko alam, uu ung nakadapo sa cross hek3..parang nasa sementeryo lang hehe..jokeness..(at sayo ako natutong mag jokeness ganyan ka sobrang nakakaimpluwensya hehe) mukang medjo napapalayo na nga ko sa totoong usapan at rules sa kabulastugan na to kaylangan ko pa lang sabihin at ipaliwanag bakit ito ang napili ko o isa pa lang sa napipili kong akda mo at kahit na hindi ako nakapag komento dito hehe..eto simulan ko kung bakit ito ang napili ko…handa ka na? ready 1 2 3 start hek3..

nakakarelate ako sa usaping mag kapatid oo sobra dahil mga kapatid ko close din sakin pero nitong mga nag sitanda na rin naman kami naging close hehe may awayan paktor pa kasi dati nun eh nung mga bata’bata pa hehe..proud kuya ka talaga astig ka lupet ang dapat na sa daddy mo lahat naka atang ang mga responsibilidad eh ikaw ang nakagawa nun (bilib talaga ko) at kahit na pinangakuan kayo ni mommy mo eh eh hindi nyo pa rin sya pinabayaan at mas binigyan nyo pa sya ng halaga lalo na ikaw na naging padre de pamilya ka rin saknila dahil ikaw ang lalaki (teary eyed) at bilib ako dahil napag tapos mo ang kapatid mo na inuna mo muna sya  bago ang sarili mo (gantong ganto rin ang pinagdadaanan ko ngayon, dalawang kapatid ang nanay at tatay ko at ang dalawang anghel sa buhay ko ang sinsuportahan ko pangalawa ako sa magkakapatid ang ate ko pa ang sinusuportahan ko ngayon na alam ng lahat na hindi ko nahihindian lalo na sa ngalan ng mga chikiting ko,  hindi ko man sila napag aral o ung kapatid kong bunso isa sa mga hangarin ko ang simpleng bagay na makakatulong din saknila, ang bigyan ng suporta ang anak ng ate ko, at suporthan ang kapatid ko sa propesyon na dati ako ang may gusto pero nahimok ko rin syang pasukin ito (kung anong propesyon o talent yun di ko muna sasabihin hehe) masyado na kong EMO amfufu hek3..

eto yung suportang hindi ko naman pinagsisihan dahil alam kong madami pa kong magagawa at maitutulong pa saknila yun ang priority ko kaya wala akong lovelyf pera na maipon pa para sa kinabukasan ko naman hehe..pero mukang matagal pa bago ko makuha lahat ng gusto ko dahil hindi ko man naririnig saknila ako ang inaasahan nila at sinasandalan narin lalo na ang butihin kong INA.teka nalalayo na ko sarili ko na ang ikikwento ko dito ah hehe..sa isang smile at halakhak na maririnig mo sakin nakatago lang ang lahat ng nararamdaman at problema na meron ako pero lahat ng ito enenjoy ko lang ayoko masabihan ng demonyo na talunan ako na ang problema lang hindi ko pa kayang panghawakan at lusutan (teka sobrang malayo na nga ata ako hehe)..

LIO LOCO ang isa sa masasabi ko lang talaga at ayoko na pahabain ito eh SALUDO AKO SAYO.

“hindi man pare-pareho ang kapalaran ng tao iisa lang ang hangad natin ang mabigyan ng magandang buhay at mapasaya ang mahal natin sa buhay..”

p.s

kapag bread winner , ienjoy ang pagiging SINGLE hahahah..

p.s ulit ..

loco hindi ko alam kung paano ako makakapag link back dahil pag pasensyahan na dahil until now eng-eng pa rin ako sa pag gamit ng WP hek3..pero sa na eh makapasa man lang ako kahit sa SGV hehe (oo wag mo na kong pag twanan dahil di ko pa talaga makapa kung paano ang link back naiiyak na ko huhu)

teka pwede ba kong mngapanya sa ibang bloggers na iboto naman ako para manalo ko hehe jokeness lang..

natapos din tong entry na to hehe makakanood na rin ako movie..

abangan ko na lang ang mananalo sa may 18 2009 na at alam ko itong buwan ng may eh kapanganakan mo oo hula ko lang kutob ko pa hehe na month of may ka ..

off topic: 2days ang 1 night na lang hehe hindi ko pa rin alam kung mag papa kita pa ba ko o indi na..wat cho think LIO LOCO..



Advertisements
Published in: on April 12, 2009 at 6:54 am  Comments (16)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/04/12/the-mammary-awards-051809-para-sa-utol-kong-si-sean-akda-ni-lio-loco/trackback/

RSS feed for comments on this post.

16 CommentsLeave a comment

  1. madaya. alang link-back sa kuta ko. invalid entry. hahaha! ibig sabihin ng linkback tungaw, este…lovely pala eh may link ng url ung entry mo papunta sa kuta ko. ganun. parang yung tipong nagta-tag ka…lalagyan mo ng hyperlink ung tinatag mo para pag naka-point ung mouse eh makikita ung url. ganun. gets mo ba? malabo? dun ka sa barangay magpaliwanag. hahaha.

    pero siryusli, natats ako nang sobra sobra, as in million million times sa pag-appreciate ng kuwento ko sa teleserye ng totoong buhay. ganiyan siguro tayong mga bread winner. uunahin pa talaga ang kapakanan ng pamilya kesa sa mga lablayp natin. nyahahaha!

    saludo rin ako sa’yo dahil maski na hindi sabihin ng pamilya mo eh inaako mo na ang responsibilidad ng kusa. mabuhay ang tulad nating mga martir! hahaha. ipagdiwang ang araw ng mga single na responsable! hakhak!

    p.s. baka naman pwede mong i-edit yung entry mo para malagyan ng hyperlink papunta sa kuta ko. hahaha. salamat salamat ule! Ü

    wagnut:” loco ok na ba yan hehe tama na ba ang ginawa ko sabihin mo agad kung palpak ha hehe, nag punta pa talaga ako ng barangay para ipapaliwanag kung paano wala din sila naitulong kaya nangapa na lang ako hehekung paano hehe mabuhay nga naman talaga ang mga bread winner na respomsable hehe kahit walang lab lyf hek3..

  2. napansin ko lang…pang-maalaala mo kaya na pala ang comment ko. nyahahaha!

    ung off-topic mo…sarili mong desisyon yan. kung tatanungin mo ko, ayoko talagang magpakita. allergic nga kasi ako sa tao. hahaha. sa iba ka na lang magtanong. hakhak!

    wagnut:” well nag iisip pa nga ko eh hehe salamat salamat..MMK ipapadala ko tong istorya ng buhay mo kay tita charo hehe

  3. isa pang makulet na p.s. mali ang hula mo. hindi sa may 18 ang bday ko. loko ka. pinapatanda mo na ko nang pagkaaga-aga. nyahahaha!

  4. congrats sa utol mo… hehehe! bago na pala ang iyong theme… cool!

    wagnut:” hehe kuya salamat ..

  5. ahhhhh
    valid n ba ang entry n to?
    lols….

    sige, gagayahin ko to…nyahaha

    wagnut:” kuya pogi vald na kasi na edit ko na yung link back hehe..

  6. teka naguluhan ako!!!! kanino ba talagang entry to? kay lio loco di ba? ahehe.. oo kay lio loco to… binasa ko yung last part.. ahaha.. tsk kaw kasi ang gulo mo.. cheers;p-glesy the great

    wagnut” yung about sa kapatid yun ang kay Lio Loco yun ang akda nya sumali lang ako sa pautut nya at yan po ang napili ko sa lahat ng akda nya..magulo ba hehe

  7. aba aba wet lan….sali aq..wahahaha

    panu daw ba yun ulit???ahahahaha

    link lng ng link….toinkzzz……

    pashare sa price pagnanalo wah….hehehe mwahxxx

    wagnut:” hehe hindi ata maisheshare yung price na ibibigay nya kasi tig-iisa lang fula hehe..sali ka na lang hehe

  8. uy sis yung tag mo di ko mapost..ayaw maupload ng sulat ko amptness

  9. KONGRATZ…..hapi ending di ba!

  10. Kongrats sayong utol! ikaw ba yung girl na nasa picture?

    abangan kung ano mangyayari sa mga susunod na araw… 🙂

  11. naku andameng pakontes sa kablog-an ngayun ha, try ko nga din minsan wehehehe..

  12. isa pala tong pakulo ni lio loco @_@

    eniway hayway

    alam ko kung bkit ito pinili mo …

    ^_~

    o xaxa sige nakarelayt namn ako e

    bb

  13. Hello! Happy Easter!

    Salamat sa pagdalaw ha. Manghula ka nalang sa pacontest ko, hehehe..

    Congrats sa utol mo! Godbless!

  14. walastik sikat si brader lio at ang mammary awards. Sayang at maypa-taong tinubuan ng smudged na mukha ang drama nitong si brader lio.
    Ayan wish ko magkalablayp ka na po! congrats sa utol mo at gudlak!

    wagnut:” hek3..comment mo ba yan kay LIO LOCO kuya hehe ..ipapa abot ko na lang sknya hehe…:)tnx sa pag daan..

  15. ang haba. mamaya ko na tatapusin.. hehe.. but i salute the author for being such a great brother!!

  16. Hi, good post. I have been pondering this topic,so thanks for writing. I will certainly be coming back to your blog.

    wagnut:” thank you..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: