broom broom broom

hindi ko pa sana gagawin tong tag na to ni jextayl kung hindi lang talaga sunod2 ang mga nag tag sakin hehe..pero dahil may sinabihan ako na ang mga tag na ipinasa nyo sakin ay gagawin ko sa tamang takdang panahon (sa bertdey ko) eh hindi ko na susundin yung sinabi ko hehe may ibang balak na kong gawin sa bertdey ko hehe. pero dahil sa naunang mag tag si jextayl sakin yung kanya ang uunahin ko hehe..tae ka kasi jex kaw nag pauso nito eh hehe…http://jex009.wordpress.com/

at ang tag na ito ay ang “gumawa ng post abawt sa mga nasakyang broom broom broom, at mag kwento kung anong mga karanasan nyo sa mga na sakyan nyo…aksawly sisiw lang to sakin hehe madami na din akong nasakyan except ang helocopter (oo yan talaga ang tawag ko simula ng pag kabata kaya wag ka na tumawa jan) at airplane.

pero dahil sa dami na rin ng mga nasakyan ko eh pili na lang ang mga ilalagay ko at yung talagang may experience na naganap sa nasakyan kong broom broom..

mag simula tayo dito…

trycycleayan ang trycycle sa taas jan ako sumasakay kapag pauwi ako ng marikina at kapag papasok naman ako dito sa kuta ko jan ako nakaexperience ng maarteng nilalang na ayaw sumakay sa likod kung gusto nyo malaman yung kwento pwede nyong balikan sa dating post ko “ang arte nya” ang pamagat hehe…

lrt

lrt (light rail transit).nung una sakay ko dito alangya kala ko mga mayayaman lang ang pwede hehe..tapos habang pumipila ako para kumuha ng ticket sa ticket machine tintingnan kung yung mga nauuna sakin para di ako mag mukhan bopol hehe first time ko kasi yung mag training ako sa market place eh mag isa lang akong pupunta sa destinasyon ko at yan pa ang turo sakin para mas mapadali na makarating ako..simula sa katipunan hanggang pureza (akala ko nung una mahihilo ako dito)aircon kasi eh..tagal ko din nakagamit ng lrt hehe..minsan recto pa ko napupunta kapag nagpupunta ko ng manila city hall para kumuha ng bussiness permit na nagkaleche leche ang buhay ko dahil sa papel na yan hehe…pero may natutunan naman ako hahahah/..

nxt top..

manila-mrt3-1

oo kasama si manong sa pektyur na yan hehe..ang MRT jan ako nahirapan ng husto hehe ang hirap makapasok jan kapag office hr.at kapag uwian na ng mga empleyado hehe yan ang train na may aircon nga pero piling mo wala hehe..at talamak jan ang laslas gang at mga mandurukot alam nyo na kung ano yung mga yun malamang naman na lahat satin eh nakasakay na sa ganyan..halos ako maipit kapag umaga na sasakay ako jan hehe ang liit ko na lalong hindi ako nakikita ng mga katabi kong matatangkad hehe wala rin akong makapitan kaya kaylangan kong tatagan ang mga binti ko.at kung fresh ka pumasok dito pag labas mo sa istasyon na bababaan mo mukha ka ng basang sisiw hehe..pero syempre may para sa babae na lugar dun ako sumasakay dahil ayoko maka amoy ng di kanais nais sa bandang pwede babae at lalaki hehe…

bus ordinary

(teka bus yan pasensya na kung taga ibang planeta yang nakuha kong bus kasi wala akong makita kay pareng google hehe..puro aircon)

bus ordinary hehe jan ako sumasakay kasi ayoko sa aircon nag wiwithdraw kasi ko pag dating iba na yung amo’y..haha..saka mahal sa aircon mura sa ordinary hehe..mas gusto ko yung hangin ang nalalasap ko kesa sa kulob na amo’y ng aircon hehe..pero nakasakay naman ako sa aircon kapag nga lang no choice na at pa marinduque ang punta namen hehe..wah holy week na di ako makasama ng marinduque…

-POLICE CAR

(naghahanap ako ng police car ng mandaluyong kasamaang palad yan ang nakita ko ganyan din naman yung nasakyan namen nung manakaw yung phone ko sa market place hehe..kung gusto mo malamn yung kwento basahin mo yung post na pamagat ang “theft case part 1” first time ko nakasakay jan hehe..at ang baho pramis nag aircon pa yung police badtrip hehe..

barko

barko

uu nakasakay na ko jan 2x hehe papuntang marinduue para dun mag holy week at masaya sa barko kahit hassle dahil sa madaming tao na gustong makauwi bago mag huebes santo hehe akswaly nung unang sakay ko dito medjo kabado ko negative yung naiisip ko na baka lumubog hehe..(takot ako) pero nung nakita kong ang ang ganda ng dagat at masarap ang simoy ng hangin hehe aba’y larga ko hehe tamang senti ako tinitigan ang dagat na humahapas hapas pa ang alon na maliit lang naman hehe..at kulay blu pasensya na gusto ko man mag pakita ng pektyur kasama ang mga moryon na nakasalamuha ko sa marinduque eh nandun sa friend ko na taga dun hehe..

at alam ko nagtataka kayo bakit may kulang ata hehe eto na …

contestant no.1000 last but in the list…rarampa na ang “tungaw”

tungaw

yan ang jeep na sinasakyan ko pero syempre hindi lang naman yan lang madami ding iba pero dahil sa may dahilan ako bakit jan ako madalas sumakay (tropa ko ang anak ng may ari,tropa ko ang mga kondoktor na mga pasaway, at palong-palo hehe isa ako sa mga istudyante ng P.U.P na nakiki saya dahil sa mga jeep na tong halos tumaob na ang jeep dahil sa tikwal na ginagawa ng driver kung di mo alam ang tikwal bangking na lang o kaya patok na jeep hehe..)oo nakakamatay sya sa totoo lang pero sa mga istudyante ng P.U.P eh isa etong laro at thrill sa byahe hindi boring hehe at makikipag habulan kana kay kamatayan hehe dahil sa exsibisyon na ganto sa kalsada ng mga jeep na eto hehe (pero hindi lang naman yang jeep na yan ang guamagawa ng bawal na drive na ganyan madami sila talamak na akswaly) nauso lang eto ang alam ko dahil mas madami ng patok ngayon kesa sa kakarag karag hehe..ung may kabayo hehe.. namiss ko na kasi tong mga to dahil tagal na rin ako di nakakasakay sa mga patok na jeep hehe..alam ko magagalit kayo sakin dahil dito impluwensya lang to ng mga taga P.U.P hehe…sarap na sarap kasi sila eh ..kung gusto mo makita at maintindihan yung sinasabi ko eto panoorin mo…

at dahil sisiw lang tong post na to este (tag) pala hehe mag si handa na ang mga itatag ko hahahaha maghahasik din ako ng lagim hahahahahahahahaha/…

eto na…uno dos tres..

alasais             http://alasais.wordpress.com/

lio loco            http://ssdd.i.ph

dencio             http://hisnameisdencios.wordpress.com/

wag na mag tanong ang gerls kung bakit sila hehe kasi sa susunod na tag sakin kayo naman hehe kaya mag handa na ang iba jan na close na sakin hehe…

Advertisements
Published in: on March 17, 2009 at 7:52 am  Comments (15)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/03/17/broom-broom-broom/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. haha. pagdating ko sa pinas mag pipiktyur ako ng mga yan hehehe. parang trip kong sakyan ang tungaw, looks cool…. btw yeah i know i remember the traysikol incident – “you vs the bitch” nyahaha

    wagnut:” at dapat pag uwi mo masagutan mo na ang aking mahiwagang tag ha hehe,,,at gusto mo pala maexperyens ang tungaw y not hehe masaya talaga pramis…sulit ang bayad mo hehe

  2. sa LRT minsan nung sumakay ako amoy sawsawan ng chicharon kaya biglang labas uli ako at hintay sa next train.

    sa tricycle naman ugali kong sumakay sa likod, at pag gabi tumitingala pa ko na parang di maipaliwanang ang pakiramdam

    hahah oo TUNGAW din minsan hinahanap ko pag pauwi ako galing PUP. Nandyan din yung RYU, at iba pa (nakalimutan ko ung iba)

    wagnut:” oh di ba hehe sikat ang tungaw nasasakyan mo pala yun bakit taga san ka ba?hehe at p.u.p students ka din ba hehe oo madami na nga sila hindi lang pa parang pati antipolo meron hehe…

  3. TUNGAW…..HAHANAPI N KO YAN PAG-UWI KO NG PINAS….PERO DAPAT KASAMA KITA..HAHAHAHA PRAMIS…PAKAKAININ KITA NG HOPYA AT COK!

    wagnut:” heheh sure y not sama kita sa byahe ng tungaw hehe mag backride tayo …basta 1.5 yung coke ko hehe…kylan ka ba kasi uuwi tagal naman hahaha…:)

  4. Hay “S-ALAMA-S” ginawa na rin ang TAG na to makalipas ang sampung dekada….

    Balita ko nga madami Patok na Jeep jan sa Peyupi jan din nag aaral si Biba tinag ko rin sya parang trip ko rin mag Broom Broom sa Tungaw na Jeep, pag nagkita kayong dalawa malamang nag kita nga kayo…

    Nyehahaa 😀

    wagnut:” sama ka arkilahin natin ang tungaw na hindi lang drive na deretso ang gagawin titilwal lang ng titikwal masaya yun hehe…

  5. ang saya nmn nung trip nung jeep… parang ang sarap lalo n pag katabi mo crush mo… hihihi 🙂

    wagnut:” ang dami ko na nga rin nakasakay na papa jan sa tungaw eh hehe…tuwang tuwa rin sa palo ng jeep hehe…tara sakay tayo…

  6. yang hemarti na yan ang ikakatanggal ko sa trabaho.ahaha

    wagnut:” sang istasyon kb sumasakay hehe kapag sa araneta ka sumakay malamang matanggal ka talaga sa sobrang hirap sumakay at sa sobrang sikip hehe…

  7. ngaps wat tym ka ba naka OL?di kita maabutan palagi..

    wagnut:” kapag di off ako di talaga ko naka OL pero online ako palage..

  8. hehe. masarap sumakay sa mabilis na jeep. hehe, marami nun sa pup!

    wagnut:” sumasakay ka din alam ko hehe….

  9. nung college ako sa manila… patok na jeep din ang aking sinasakyan.. derechong pasig-legarda(vice versa) grabe ang bilis… nakakatakot din 🙂

    wagnut:” pero di ba masaya hehe….

  10. Uy patok na jeep! Namimiss ko yan wala kase nyan dito sa Cavite eh. Kaya pag umuuwe ako ng San Mateo yan talaga sinasakyan ko. Alala ko nung hayskul nililista namen mga pangalan ng mga patok na jeep, hehe.

    Tipid lang talaga sa MRt at mabilis pero syete naman! Andame hassle, antaas na ng aakyatin mo, nakatayo ka pa, wala ka pang mahawakan na rail, *diko kase abot hihi..

    wagnut:” hehe yan din ang kinaasar ko ang taas ng rail nila hehe parang sinabi nila na walang karapatan sumakay ang mga maliliit hehe,,,uu dami talaga patok sa montalban gaganda din ng mga katawan ng jeep dun hehe..

  11. barko na lang ang hindi ko nasasakyan sa mga yan.

    hindi kasi ko sumama sa lolo ko nung umuwi sya sa marinduque.sayang

    wagnut:” sana sumama ka ang ganda din kaya sa marinduque lalo na yung dagat makikita mo blue talaga sya hehe…kaya sa susunod na pinapasama ka sama ka na wag mo palampasin lalo na pag holy week ang saya…

  12. pwang ok sumakay sa palo/patok ah…hehehehe taz naka sablit sa likod….AW!!!

    wagnut:” naku ayoko sumakay sa likod hehe mamatay ako hehe..

  13. wow. tagtag din pala ang entry na’to.. hehe

    hindi pa ako nakasakay ng MRT.. 😦 kasi indi pa ko nakapunta ng maynila.. hehe
    peru i was born in Valenzuela peru di ko masyado maala yun kasi when i was 5 umuwi kami Cebu. ngeks.. ba’t ako nagkukwento? heheh

    by the way, i got you tagged… young Handwriting thingy..

    Have a great day Lovely!

  14. ay di pumasok yong comment ko kanina? huhu..

    balik ako in 2 hours ah.. if wala pa rin yun.. magcocomment ako uli.

  15. hahaha patok na dyip sa kahabaan ng kalsada sa ilalim ng lrt2! 🙂

    – tenco


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: