“theft” case part 2

pag katapos ng inteviewhan namen sa mga pulis pangkalawakan sabi ng pulis antayin daw ang piskal na kakausap sa kasong ito eto ata yung attorney na sinasabi (tama ba ko) nagugutom na ko ng mga panahon na yun alas 3pm pa raw darating at maya-maya dumating ang kamag anak ng lalaking nagnakaw ng phone ko dahil pinagbigyan naman sya ng pulis na tawagan ang pamilya nya at heto na nga kinausap ako ng nanay at ate nung magnanakaw na ano daw ba ang nangyari bakit? madaming tanong at ang huli patawarin ko na daw dahil kaya daw nagawa yun eh dahil sa anak na may sakit at nasa hospital (pareho ng sinabi di ba kaya parang naniniwala na ko) pero di ako makapag salita di ko alam gagawin ko, naguguluhan kasi ako at ang sabi pa wag na daw antayin ang piskal na darating dahil matagal daw yun kahit daw mag bayad na lang daw sila sakin at sa mga kasama ko dahil na rin sa perwisyo na ginawa nila eto ata yung sinasabi na (perwisyo danyos ba yun) at dahil na nga sa nahihiya na rin ako sa mga kasama kong testigo sa nangyari na yun parang gusto ko na rin iaatras dahil makukuha ko na man yung celphone at yun narin sabi ng mga kasama ko (gulong gulo talaga ko dito).

kinausap ko mga kasama ko kung tama ba na iatras ko na dahil naabala na tayo sa trabaho at parang sinang ayunan nga nila at dahil dito kinausap namen ang mga pulis kung pwede ba iatras pero ang sabi antayin daw ang piskal para dun. ang nanay nung nagnakaw iniyak na lang yung ate eh nung makita ko mukhang may kaya dahil sa dami ng alahas sa katawan pero paano nanging magnanakaw ang kapatid nya (na ang sabi anak pala sa ama) naguguluhan talaga ko ..papaikliin ko na lang ito..

dumating ang piskal at napag disisyon akong huwag na ituloy ang demanda dahil sa hiya na rin sa mga kasama ko, kinausap kami ipinapaliwanag samen kung ano nangyari at kinausap ang magnanakaw at ako huling tanong..ano ang gusto mong gawin sa nagnakaw ng phone mo (sagot: hindi ko na po itutuloy ang demanda tutal naman po (eto turo lang nila sakin kung paano sasagot sa piskal “dahil muka naman po syang nag sisisi na at di na nya gagawin) yan ang sagot ko at di ko alam na maggalit pala ang piskal bakit daw nag file pa ko na idedemanda ko at pinahirapan ang mga pulis na gumwa ng statement ko,papatawarin mo tong mokong na to naniniwala ka na hindi na nya gagawin naku naman, hindi ko to papayagan tuloy ang demanda sknya..dito na ko parang napahiya dahil sa ulok nila na hindi ko na ituloy at dahil na rin sa hiya ko sa mga kasama ko naiyak ako dito dahil hindi maiibigay ang phone ko dahil itoy ebedensya at kung gusto ko daw makuha mag file ako ng kasulatan na pwede kong kunin ang phone.

nang pinabalik sa kulungan yung magnanakaw pag lingon ko yung mga kasama ko labas agad sabi ko antayin ako dahil may pipirmahan at may ipapaphotocopy pa raw ako para dun sa kaso lahat ng pulis na nakausap ko kung pwede ko ba kunin yung phone hindi pwede at pinagalitan pa ko bakit ko daw iaatras eh andun na nga daw nagalit tuloy ang piskal sakin kung gusto ko raw makuha yung phone gagawa nga daw ako ng release evidence para makuha yung phone at dahil hapon na yun pasara na ang office nung piskal na yun.

pag labas ko ng police station akala ko inaantay ako ng mga kasama ko pero wala na sila hindi ako naantay (paano nga naman ako aantayin eh kaso ko naman yun bahala na ko sa buhay ko parang ganun yung naisip ko kung bakit nila ko iniwan buti na lang kamo kahit paano may natira pang pamasahe papunta ng mp(market place) naiiyak ako na ewan  na nagagalit sa sarili dahil sa nangyari bobo ko dahil di ko alam na ganun pala di ko na lang sana sinunod ang sinabi nila di sana hindi pa humaba ang istorya at ang gulo na yun.

at dahil dito pag balik ko ng MP ang daming tanong nila sakin na hindi ko masagot dahil mas nangingibabaw ang luha ko na parang ako  pa yung nakulong dahil sa nangyari (tanga tanga ko kasi) nasagot ko na lang mga tanong nila nung medjo nahimasmasan na ko na ayun nga hindi ko nakuha yung phone at nagalit pa yung piskal sakin, pag dating ko ng bahay hindi ako nagpahalata na wala akong celphone hindi naman sila nag tanong sakin kasi nag kulong lang ako ng kwarto na nakagawian ko pag dating ng bahay,.

kinabukasan inasikaso ko yung releasing para makuha ko na ang phone pumasok ako at kinausap yung mga kaibigan ko na pwedeng ipatingin ang tindahan (walang kaalam alam ang amo ko nito hehe)no choice kasi ko kaylangan ko rin pumasok at wala rin alam ang magulang ko dito.

nang nasa mandaluyong city hall na ko hinanap ko yung pulis na umasikaso sa kaso ko at nag tanong kung paano kukuha ng releasing papers sinamahan nya ko sa opisina ng piskal at dun sa secretary ng piskal ako dumulog na kung pwede kong kunin yug phone ko may mga pinapirmahan sakin at alam kong kapag ganun na irerelease ang isang bagay dahil sa turo na rin ng mga kasama ko picturan ko na lang daw yung phone para kahit paano makatipid ako kesa sila ang mag pipicture na alam kong tatagain ako sa presyo (buti na lang kamo may camera ang mp4 na dala ko kaya yun ang ginamit ko) nakuhaan ko na yung cellphone at sabi ko babalik ako para mapadevelop (buti na lang pumayag si secretaryng bakla hehe na ako na lang ang mag picture dun sa cellphone) at bigla ba naman syang humirit ng 150php daw ang babayaran ko para sa releasing na yun na pa ha? ako kasi sabi nung pulis wala nman daw bayad ang pag kuha ng releasing na yun at ang sabi ng bakla na nakakalbo na anong wala paano yung mga papel daw na gaganitin at yung mga tatak at yung pag gawa daw ng sulat na inirerelease ko yung phone (taena baklang kalbo yan dina lang sinabi na parang lagay yun sknya dahil padadaliin nya ang pag kuha ng phone ko)

eh malas pa dahil wala akong pera na dala yung pampadevelop lang ng picture at pamasahe ang dala ko at take note wala talaga akong pera pa dahil wala pang sahod hays..hays kaya no choice ako bumalik ako ng tindahan na medjo mangiyakngiyak dahil magbabayad pa pala ko ang choice na naisip ko para makuha lang yung celphone utangin muna yung unang benta para may magamit na pambayad sa phone na yun..

napadevelop ko yung picture na kaylangan ko para maibigay sakanila na ebidensya, nakakainis dahil ako na nga ang nanakawan ako pa magbabayad nung sinabi ko sa mga kasamahan ko na pinagbabayad ako bakit daw eh wala naman daw yun bayad kaya pati ako naguguluhan non at sabi nila kay siguro ganun dahil nenegosyo nung secretary nung piskal na natapat sakin. tumawag ako dun sa opisina nung piskal at tinanong sa baklang kalbo na yun kung napirmahan na ba yung releasing paper ko at sabi oo daw ang hinayupak nag request pa na dalan ko daw sya ng meryenda (ASA PA) tinawanan ko lang sabi ko sige po balik na ko jan para ibigay yung picture at pera, buti na lang nung bumalik ako ng tindahan may 2 ng nabentang sinelas (pinaltan ko na lang to nung sahod).

at sa wakas nakuha ko rin ang cellphone ko inopen ko agad baka sira eh hehe..baka ginamit nung badin nakow,, ok naman sya at tuwang tuwa na ko..yehey talaga..

at dahil nakuha ko na ang phone at may mga hearing pa daw na darating at sabi padadalhan na lang daw ako ng subpoena naisip ko lagot sana hindi na mag padala dahil malalaman ng tatay at nanay ko ang nangyari ayoko na ipaalam pa..

abangan nyo na lang ulit kung ano sumunod na nangyari hehe…:)

Advertisements
Published in: on February 26, 2009 at 5:11 am  Comments (9)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/02/26/theft-case-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. grabe nmnng pang aabala yan..
    haizt….
    yngatz na lng dapat…

    wagnut:” hehe sobrang abala talaga ang ginawa nilang lahat..yap doble na ang pag-iingat ko ngayon..salamat

  2. hahahha…halos hindi ako makahinga habang sinusundan ko ang mga pangyayari..heheheh..dusa pala noh..ikaw na ang nanakawan…gumastos ka pa…hay…ano ba yan….aba’t may karugtong pala ito hane….di aabangan sinabi mo eh…pero pramis wag mo nang paabutin ng siyam-siyam sabik na ako noh! …hala sulat kaagad…

    wagnut:” hane teka taga san ka ba eh alam ko yang term hane eh taga rizal kasi ko hehe…

  3. tsk tsk pasaway yung bading na yun..panglolod lang nia sa jowa nia yung pera ee..dapat cia ang ipakulong ee..

    wagnut:” ay naku ipangdate na rin siguro yung pera hehe…napapanot na nga xa eh nangungurakot pa hehe…

  4. grabeng abala tsktsk. sana nga hinde malaman ng nanay at tatay mo wehehe. pero maghanda ka na din.. =)

    wagnut:” hindi ko nga po napag handaan eh hehe basahin mo po ang kasunod ang last part soon na yun hehe…:)

  5. -_- sayang dapat yung pina bayad mo sa lahat ng yan e yung mag nanakaw (perwisyo danyos) sila kasi yung naka perwisyo sayo yun paki sabi din sa mokong na ulopong na attorney na yan wala syang paki kung ibaba mo yung kaso e nag kasundo naman kayo nung nanay ng mag nanakaw pero wala parin tayo magagawa dahil meron tayong batas na pinapatupad sabihin na natin na labas ka n dun pero “sa mga mata ng BATAS ang nagnakaw e magnanakaw pa rin” nagka sala sya at lumabag sya sa BATAS kaya my pananagutan parin sya :d

    o xaxa ang habang comment may TAG nga pala ako sayo gawin mo yun 😀

    wagnut:” yun nga eh may BATAS tlaga …wow ha kasama ko sa tag ilink mo na ko saka ko sasagutin yang tag mo at alam mo bang namiss ko yang mga sasakyan na yan dami ko rin experyens sa jeep hehe..:)

  6. grabe pinagdaanan mo ah bago mo makuha celphone mo..
    Ingat ka na lang lage at God Bless…

  7. ok sana kung dinemanda mo kaya lang hassle to kasi aatend ka ng hearing hanggang makapag decide ang judge.hirap ng ganito.bagal kasi ng hustisya sa pinas eh.

  8. ay, pati ako napagod dyan sa mga nangyari sa yo. hassle talaga ano, pero kudos sa yo kasi tinapos mo sya.

  9. maxado palang mahaba entries mo. ahehehe. babalikan ko ‘to mamaya. pramis.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: