wala sa tamang pag iisip…

ilang araw na ko wala sa tamang pag-iisip sa kadahilanang may lagnat din kasi ko at masama ang pakiramdam hindi masyadong makaporma ang katawan ko para mag sulat kaya hindi ko maituloy yung part 2 ng theft case ko pasensya na sa mga bumasa at sa mga nag aabang ng susunod na kabanata wag kayong mag alala at tatapusin ko na as soon as possible at ok na ko. hehe naka draft na sya kaya wag na po kayo mainip sa mga nag aabang hehe ilalabas ko rin yun..hehe

any way my way sa ilang araw na ginugol ko sa pag papagaling lang ng hinayupak na lagnat na dumapo sakin, at no choice pa ko dahil pinilit ko pumasok kahit mukha akong eng-eng dahil hagard ako masyado hehe..panget ko ba..at medjo ok na naman ako ngayon at bukas tamang tulog ang gagawin ko kahit madaming aasikasuhin na problema hehe hahayaan ko ang problema ang mamoblema sa problema ko hahahah..kulet kasi eh nakikisawsaw pa pumapanget tuloy ako hehe…

hindi ko nga pala alam kung kaylan ako makakabalik dahil nagbabalak rin ako makitira kina blu(kunwari lang to) ng dalwang araw at yung the rest itutulog ko lang at mag aalaga ng mga chikiting, makapag laba na rin dahil ngumangawa na rin ang mga damit ko hehhe…akalain mo yun isang daliri lang ang gamit ko sa pag tata type tinatamad talaga ko eh hehe wala ako sa wisyo..

sa ngayon bisita na lang muna ko sa mga bahay nyo babalik din ako hehe pupunta lang ako sa tamabayan ko (ang sementeryo) oo sementeryo dun ako madalas mag tambay kapag parang down na down ako o sunod-sunod ang dumadating na drama ng buhay ko sa paraiso san mateo dito ako nakakapag isip ng malaya habang malapit lang sa puntod ng namayapang boy friend ng ate ko gawain ko na ang tumambay dun dahil tahimik at wala makekealam sayo kung ano pwede mong gawin hehe dito ung peace of mind na hinahahanap ko, nakukuha ko madalas kinakausap ko pa si kuya (sabihin mo ng baliw ako pake mo ba hehe) fresh ang air na dahil paraiso ang lugar sa lilim ng punong mangga yun ang lugar na gustong gusto ko..

ang ihip ng hangin nakakaginhawa kaya kaylngan kong umuwi pansamantala para makahugot sa lugar na to ng malayang pag iisip, malayang makapag disisyon, tahimik walang gulo nagiging maingay lang ang lugar na to isang beses sa isang taon kung hindi man 2 beses depende sa mga pamilya ng mga nakalibing dito (wag mong isipin na sumulat ako dahil sa pinapaaga ko ang araw ng patay) gusto ko lang i-share ang nakakapag pagaan ng loob ko kapag piling ko babagsak na ko.weird man ang mga ginagawa ko, eto yung paraan na alam kong makakapag bigay sakin ng tamang disisyon sa buhay, tahimik na lugar.

peace of mind ba ang hanap mo?

gusto mong subukan?

sama ka..

masarap huminga sa hindi poluted na lugar at ito yun ang

paraiso.

kapag nakita mo tong lugar na to hindi mo talaga iisipin na sementeryo sya.

kaya paraiso ang tawag sknya.

Advertisements
Published in: on February 22, 2009 at 10:45 am  Comments (17)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/02/22/wala-sa-tamang-pag-iisip/trackback/

RSS feed for comments on this post.

17 CommentsLeave a comment

  1. fresh air ba kamo…wow ok talaga dyan sa sementeryo……hmm…dito sa blu haws ko kung gusto mo lagyan natin ng mga krus ang garden ko para magmukhang sementeryo….

    gud luck sa reflect-reflect mong drama ha..tama sometimes we really need to be alone….clap! clap! clap! ganda ng sinabi ko….

  2. cool ka lang.
    hindi ko pa nababasa iyong theft case.
    basahin ko ng di na ako macurious.
    oke.
    relax.

    wagnut: ‘ nabasa mo na ba pepe..?:)

  3. bukod sa maysakit ka sa tingin ko may mabigat dyan sa puso mo.. ilabas mo iyan…

    wagnut:” nailabas ko na cio sa c’r namen hehe salamat po..mwah..

  4. hiatus?? hayberneyt? hmmm.

    sige nawa’y makita mu ang peace of mind na hinahanap mo. ingats kaw at magpagaling..

    *mwahugss
    ~joycee

    wagnut: ” ate joycee salamat hehe im ok now hehe malakas na ulit …:)

  5. hehe, tama ka nga.

    sa park, hindi ko siya maituturing na paraiso dahil maraming tao saka ang iingay pa nila. ^^

  6. uyy… masarap bulalo malapit sa sementeryo
    ewan ko ba kung bakit
    lolz

    gudluck sa R&R
    🙂

    wagnut:” awts di ko pa nasubukan kumain ng bulalo sa tabi ng sementeryo loko ka talaga epfi hehe salamat..

  7. kahit may lagnat ka mahaba ka pa din magsulat.hehe

    pagaling ka..

    wagnut: ” hehe galing noh ang kulit kasi ng daliri ko gusto pindot ng pindot at dalawa na ulit ang gumagana..:)

  8. inum ka biogesic dude..
    taz rest lang u..
    getwell..

    wagnut: ” hehe bioflu nga po ininom ko hehe…im ok now salamat..

  9. tara samen madaming punong mangga, ipipitas kita para gumaling ka na…

    mag-ingat ka para di ka na ulit magkasakit…

    wagnut: ” wow ha sige punta ko san ba banda ang inyo kylan ako pwedeng pumunta para sa punong mangga nyo..:)

  10. ingat lang.. at pahinga muna baka pagod ka lang 🙂

    wagnut: ” hehe salamat im ok now; yebah

  11. naku ate… konti lang ang mga ganyang sementeryo dito samin kaya hindi talaga option yang ginagawa mo para sakin unless gusto kong magpahol-up o magparape.. hahaha!!!

    pero good for you may gnyan kang lugar… asteeg!!!

    wagnut: ” yah dis is my place hehe…malas ang mang rerape sakin eh hehe..

  12. Ulirat ang tawag jan 😀 ganyan din ako minsan pinapatay ko na lang ang pc ko pag d ako maka pag isip… o kaya tinutulog ko na lang muna 😀

    wagnut: yun nga dapat ko gagawin ang matulog mag hapon pero hindi ko na gawa dahil sa mga makukulit kung chikiting hehe..:) salamat

  13. inhale.exhale.have a break.have a kitkat.hehe

    pagaling ka ate. sa panahon ng krisis, bawal magkasakit.

    wagnut: im ok now koya hehe…maga nga lang ang isang paa ko hehe…

  14. ate…..
    may sakit ka pa ba? di ka nagpaparamdam ah……..
    sabi nga ni Rye…..inhel…exhel….inhel…exhel….

    wagnut: ” araw2 ko ginagawa yan hehe…im ok now..natapilok nga lang ako kahapon kaya namamaga ang aking isang paa pero nakakalakd pa naman wag mong isipin na naka high heels ako plat lang ang mga sinelas ko natapilok ako dahil madulas na palengke hehe..:)hindi ko din alam kung paano nangyari basta pag uwi ko maga na..

  15. talagang nakapagpasama ng pakiramdam ang sobrang istress at pag-iisip sa problema. magpahinga ka muna at magpagaling…tingin ko kasi kahit may sakit ka na, naiisip mo pa rin ang mga problema mo, baka mabinat ka naman nyan mas malala pa yun sa lagnat. 🙂

    pabisita 🙂

    wagnut: ” ate baby salamat sa pag bisita mo hehe..ok na po ako nailabas ko na lahat hehe..sa cr jokelang..yun nga lang po hindi na nga po ko nilalagnat na tapilok naman po ako kahapon hehe kaya eto namamaga ang aking paa pero nakakalakad pa naman hehe…:)

  16. pahinga mo lang yan… wag muna mag blog at manuod ng tv.. rest mo lang yan.. at yoga para ma clear ang mind mo…

    wagnut: ” oki na po ako ngayon hehe salamat po…

  17. wierd… huh? hay namn poh… try ko nga minsan tumanbay sa sementeryo gabi… meron kaya peace of min don… any way napadaan lang po ako here… pwd palink????

    wagnut:” sige2 salamat sa pagdaan mo hehe…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: