“theft” case part 1

mag iisang taon na rin ang nakakalipas nung magkaron ako ng kaso pero syempre hindi ako ang nademanda hehe good girl ata ako hehe, ako po ang nag demanda ang galing no ang bata ko pa nagkaron na ko ng kaso.Ang kaso ay theft(pagnanakaw o nakaw sa tagalog). sabihin na natin na parang shoplift o hold-up ang nangyari. Ni sa hinagap hindi ko akalain na mangyayari ang ganun sakin may kasalanan din ako sa kasong to..ikwento ko kung bakit..at pag nakuha ko yung mga subpoena na napadala sakin para sa kasong to ipopost ko din dito nasa bahay kasi hehe.

eto ang kwento:naganap ito sa trabaho ko sa lugar mismo na pinagtratrabahuhan ko last 2008 of feb. sa isang mall sa mandaluyong isa akong sales lady ng isang stall na ang mga item ay sinelas na syempre gawa samen (naging mahirap din tong trabaho na to ikwento ko nxt time hehe kasi yung kaso ang topic dito hehe)

yung stall na kinakatatayuan ng tindahan eh parang maliit na booth lang alam mo yung istante na salamin ganun lang sya tatlong stante ang nakapalibot sa tindahan jan nakadisplay ang mga sinelas at ang iba ay stocks, nag-iisa lang ako sa trabaho na to dahil petiks lang naman kung tutuusin kapag may lumapit na customer xempre bobolahin para bumili sa paninda mo parang palengke lang tyangge parang ganun..

ang pasok ko dito 10am 2 8pm ayos lang mall hrs.talaga isang araw,ones a funny time na pumasok ako hindi talaga expected na mangyayari to. kapag malapit na ang lunch time routine ko na ang bumili ng pagkain sa ilalim ng mall dahil mas mura sa loob ng palengke ang bilihan ng pagkakataon na yun naisipan ko ng bumili hanggat wala pa masyadong tao sa loob ng mall at para makakain na rin, nakasanayan ko ng mag charge ng celphone sa loob ng istante may lock ang istante namen pero sa pagkakataon na yun naisipan kong huwag i lock ang istante pero nakasarado (hindi nga lang naka lock) nakalagay sa loob ng istante ang celphone na hindi talaga sakin sa ate ko hehe  bago ko bumababa nagpaalam ako sa mga katabing stall ko lang na bibili lang ako ng pagkain sanay na sakanila kasi damayan kami kapag magpapatingin ng tindihan kung sakali man na may magtanong at wala ako sila ang nag aasist sa customer at ganun din naman ako saknila bigayan lang at pagkatapos ko ngang magpaalam bumaba na ko. alam kong sila naman bahala kong sakali na may tumingin sa mga tinda ko.

at dahil sa medjo natagalan ako sa pagbili ng pagkain dahil sa dami ng tao. pagpasok ko ng mall(yung mall kasi pwede mo makita sa taas yung o sa mga floor yung mga taong pumapasok dudungaw ka lang kita mo na.kung sino man ang may alam ng market place mall sa kalentong mandaluyon tapat ng don bosco college malapit sa J.R.U. maiintindihan mo kung ano itsura nung mall hehe open kasi eh (open sa mga magnanakaw,shoplift) basta yan na yun.

pag pasok ko inaabangan na pala ko ng mga kalapit tindahan at ng makita nila ko tinawag ako na bilisan ko daw yun lang ang naintidihan ko iniisip ko na baka may customer na namimili at nagpapahanap ng stocks, pero hindi dahil pag bungad ko sa 3rd floor ng mall ang sabi sakin yung cellphone mo nanakaw na nagulat ako pero biglang nahimasmasan din dahil kadugtong ang katagang ” nahuli ang nagnakaw bugbog sarado puntahan mo sa admin sa security hall ng mall nandun yung nagnakaw”.

kinakabahan na umakyat ako na hindi makapag salita sa nalaman nag pasama ako sa isang tindero sinasabi nya ang nangyari pero hindi ko alam isasagot ko nakarating kami sa security hindi ko alam tawag dito pero parang office sya ng mga deffense ng mall.(security guard) lahat ng madaanan kong tao nakatingin sakin lalo na ang mga tindera.eto na nakita ko ang nagnakaw ng phone ko wah nagulat ako sa itsura namimilipit sa sakit umiiyak, at hindi maipinta ang mukha nya (basta hindi ko alam) nung mga pagkakataon na yun.

ngayon kinausap ako ng pinaka head sa security na ipinakilala sakin yung lalaki sa pangalan,edad,basta yung buong profile sinabi nakita ko na nasa kamay ni SG yung phone at tinanong ako kung sakin daw ba yung phone na nakuha nung lalaking yun na pansamantalang nakatingin sakin at parang nagmamakaawa, sabi ko kay SG (security guard nga pala meaning nito)  na akin nga po yang phone na yan colored/with camera di ko na sasabihin ang unit hehe,..ayun na nga iiklian ko na lang ha, idemanda ko na daw kasi kapag di ko daw ginawa yun uulit-ulitin yung gagawin eh kaso naman paanong hindi ako maawa kaya pala sya nahuli dahil eto ang kwento:

syempre wala ako nun yung kalapit bahay nakita nyang lumapit yung si manong sa tindahan ko ang akala nya bibili o namimili lang ang kaso imbes na sa labas lang yung kamay nya napasok nya yung kamay sa istante na kinalalagyan ng celphone ko at gotcha nakuha nya pero napansin na sya nung kalapit tindahan di ko na banggitin ang pangalan ha..basta si ate na lang at ng mapansin nyang sinilid ito sa bulsa nya ayun na sinigaw ni ate na magnanakaw kinuha yung celphone ni lovely eh narinig nung manong kaya nagtatakbo ang hinayupak ng nasa elavator na sya at nagsisigaw yung mga kasama ko na harangan nyo mag nanakaw yan eto ang nangyari sa elavator wala daw tao nun na pababa tinakbo nya at bago sa ground ng elevator tinalon nya yung 5 baitang na natitira kaya ayun nadapa ang mokong kaya nung sa baba na nakorner na sya ng mga kilala kong technician ng celphone ayun na ang nagyari kinuyog sya yun ang dahilan bakit parang namimilipit sya sakit dahil kahit di ko nakita sabi sakin sinapak,kinutusan,sinikmuraan,kung ano ano pang pambubugbog ang ginawa sknya.pero nakita ko na sinapak sya kasi nung kinakausap sya ni SG kung may kasabwat daw ba sya wala daw eto ang dahilan nya sakin nung nasa prisinto na kami “nagawa ko lang magnakaw dahil may sakit ang anak ko na nasa ospital ” e diba mga tsong/tsang gasgas na tong dahilan na to sa mga magnanakaw pero medjo nadala ko dito dahil oo naawa ako pero ang mga pulis sa harap ko wag mong kaawaan yan dahil kapag yan hindi mo ipinakulong gagawin at gagawin pa rin nya ang pagnanakaw mas marami pa silang mabibiktima.dito na ko natauhan umo oo na lang ako sa mga sinasabi nila sakin dahil di ko talaga alam ang gagawin ko sa sitwasyon na ganun clue less ako kung ano ang itatanong sakin ng mga pulis ang sabi sakin ni SG ihayag ko lang daw kung paano nangyari at isasama yung testigo sa nangyari na yun at yung mga concern cityzen (eto yung mga bumogbog hehe)

edi syempre tamang interview eto parang sa TV hehe kabado na ewan ako iniisip ko kasi nun baka makulong rin ako hehe(tanga ko talaga) at yun nga initerview ako at pati na mga kasama ko nahihiya ako kasi may mga trabaho yung mga kasama ko apektado ang sales din nito at wala ako sa tindahan buti na lang anjan ang mga kalapit bahay na nasabihan kong paki bantayan naman hays..yung celphone hindi ko mahawakan ng mga oras na yun.ebedensya daw yun ganto pala ang piling na nasa prisinto ka at nakikita mo yung mga preso na sama-samang nakakulong sa masikip na kulungan na nilagak sakanila nakakaawang,natatakot ang naramdaman ko nun hehe,..

hays walang kaalam alam ang pamilya ko na may nangyayari ng ganito sakin nung araw na yun na nasa prisinto ako nakikipag chikahan interviewhan sa pulis pangkalawakan.

abangan ang part 2…

Advertisements
Published in: on February 17, 2009 at 11:17 am  Comments (13)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/02/17/theft-case-part-1/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. hmmmm…kailan ipost n ang part 2 …nabitin ako dun ah..hoy manang lovely….agad ha….
    ano ba yan parang komiks itutuloy…..hahahahahha

    smile naman dyan noh…ayan….click!

    wagnut:” abangan mo na lang hehe..true to life yan ng buhay ko..

  2. parang action movie na may halong drama ang dating

    bitinnnnn
    post mo na yung part 2 !!!

    🙂

    wagnut: ” abangan hehe..teleserye yan eh hehe…

  3. ayan, sana magtanda na sya at bugbog sarado sya. bakit nga kaya sa atin e daming gumagawa ng masama dahil lang sa celfon ano?

    wagnut:” kapit sa patalim na ate kenkgs..hays..

  4. tsktsk lupets naman talaga ni manong, kala nya di sya mahuhule ah!

    part 2 na!!

    wagnut:” malapit na…:)

  5. asan na kaya si manong ngayon? hintay ko kasunod ha! bilisan mo at baka ma trapik pa..

    wagnut:” ayan xenxa na late po malapit na 🙂

  6. parang di ako nakahinga sa kwento mo! exciting ang bawat letra. haha mabuti at walang nangyaring di maganda. nextime kasi tantyahin mo din yung oras na mawawala ka kasi pag ang tinda ang nawala ikaw sisisihin ng may-ari. so nextime ingats po at mag aral ka ng judo para balian mo sila ng buto haha

  7. tsk tsk..next time yngatan ang gamit.lalo pa ang daming lokoloko sa paligid…buti nalang mababait neyborhuds mo..

  8. beeeehtheen! haha

  9. hayz… kakaiba toh…

    wagnut: ” kakaiba po tlga di ko din akalain na mangyayari to..

  10. hehe. hanep sa adventure mo.

    wagnut: ” kakaibang adventure no..

  11. antay na ang part two..san na?.bilis..

  12. Wahahaha…Nakakabitin naman! Grabeng experience yan, a!

    Actually, nakaexperience narin ako ng something similar to yours. Pero sige lang kwento ka lnag.

    wagnut: ” uy kwento mo naman hehe hayaan mo malapit na i release ang part2 salamat sa pag bisita mo ha hehe..:)

  13. kawawa nga si manong. e parehas lang naman kayong kawawa dahil ninakawan ka. kahit pa maysakit ang kung sino mang kamag-anak niya, bawal pa ring maging gago.

    – tenco

    wagnut: ” tama ka tenco may kinawawa nya ang sarili nya sa ginawa nya..mas pinalaki nya ang problema..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: