tanggap lang ng tanggap ng makarami

sa limang taon na out of school youth ako (bata pa eh hehe kaya youth) hehe ang dami kong natutunan,nalaman,nagawa,natutong makisalamuha sa iba’t-ibang tao, at ang maging wais hehe (mag sabon ka ng surf para lalong wais mag kakaron ka pa ng kambal). limang taon na nakipag sapalaran, limang taon na naging masaya,at malungkot sa buhay.alam kong kulang pa ang mga nalalaman ko at yun ang gusto kong mas madagdagan pa sakin hindi man ako nakatapos ng kolehiyo masasabi ko na rin naman na bilib na ko sa sarili ko dahil nakaya ko lahat kahit minsan parang gusto ko ng sumuko pero dahil may takot ako sknya kaya eto pa rin ako patuloy na lumalaban at patuloy na mabubuhay (naks)..

bago ako grumaduate ng high school syempre anjan yung magtanungan ang clasmeyts natin kung saan mag-aaral,anong kurso ang kukuhanin at kung ano-ano pang balak pag katapos ng high school. ako hindi na rin naman ako masyadong nag expect kung ano magiging kapalaran ko pag katapos nun pero mas malaking pangrap na makapag aral ng kolehiyo dahil ang dami kong balak talaga,gusto ko makamit yung goal na dating pinag uusapan lang namen nung high school. nang malaman ko pag katapos ng ceremony ng graduation sa tatay ko na hindi pa nila kaya iyak tawa na lang ang ginawa ko(iyak nung nasa kwarto na nakatalukbong habang humihikbi,tawa nung nag pa ice cream ang tatay ko para sakin).

nagtago ako nung mga panahon na enrolment na ayoko kasi ipakita na nalulungkot ako dahil sa hindi nga ako makapag aral, may konting galit ako sa magulang ko rin nun pero madaling nawala yun dahil naiisip ko kung meron naman kami alam kung hindi nila ipagdadamot ang gusto ko.

16 yrs old habang nasa bahay lang ako at tambay walang ibang ginagawa naisipan kung mag paalam sa nanay at tatay ko na mag trabaho ako para naman hindi ako maging pabigat dahil nung mga time na yun alam kong mahirap na si tatay lang ang nagtratrabaho kaya nag pursige ko makahanap kahit alam kong hindi pa ko matatanggap dahil sa edad ko nun.

bago mag pasko dito sa lugar sa marikina may tyangge na itinatayo every year ang tyangge dito ng minsan na nag gala kami nung ampon namen (o tawagin na natin na ampon ng ate ko, oo may ampon kami edad 20 na sya nung mapatira samen) back to the topic may nakita kaming wanted sales lady sa isang stall at syempre dahil sa gusto namen magkatrabaho pareho sinubukan namen mag tanong at natanggap naman kami ang naging amo namen dito muslim tumagal ako sito ng 3 linggo si ate (ampon namen) 1 linggo lang hindi kinaya kasi ang puyat. ayun naging tindera ko sa sapatos, sumunod sa damit naman mas maganda dito kasi sa isang linggo ko 950 na kinikita ko.natulungan ko pa yung isang clasmeyts ko.

pangalawang napasukan ko sa STA.LUCIA EAST GRAND MALL (cainta).Food court ako napunta service crew dun sa building na bago dito mahirap na trabaho rin at sobrang haba ng oras pero kahit paano tumagal din ako ng anim na buwan wala naman end of contract dito sahod ko dito 100php kada araw customer din ang mga makakasalamuha mo dito.tanda ko dito ako nag karon ng unang manliligaw hehe..lahat dito gagawin mo ang mag serve,mag sales talk,magluto paminsan-minsan,maghugas ng malalaking kaldero,mag map kada oras, as in walang petiks tlaga, pero lahat dito malalaman mo dahil walang pwedeng masayang (kung magtatanong ka kung bakit i-ym mo na lang ako dahil masyadong komplikado hehe) hindi ka pwede mag patay ng oras dito dahil matao ang food court.ok din dito dahil dito ko tumaba nun bumalik lang katawan ko hehe sagana ko sa pagkain dito nun eh.nga pala ang amo ko dito ibang lahi kaya nosebleed kami ng mga kasama ko nun di k malaman kung bumbay ba sya o iranian something basta muslim sya eh kasi hindi sya payag mag luto kami ng baboy kaya pag may time na gusto namen ng baboy na ulam patak-patak kami at palihim na naglulto nito.masarap ata ang bawal noh hehe..

pangatlo sa cainta isang kapit bahay namen na nauutangan ng nanay ko sa cainta merong isang factory ng salamin at kami ang canteen bale ang amo ko ang may ari ng canteen tapos ako service crew na dish washer pa dito ang dami kong nakilala mga workers lalaki at babae matanda o bata pati mga taga admin nakilala ko lahat sila ok bilang lang ang nagpapaka mayor pero mas marami pa rin ang mababait at down to earth (nagkaron din ako ng manliligaw dito hehe di ko mabilang hahaha joke) naging close ko lang talaga ang lahat sakanila dahil ako nagseserve sakanila ako ang naniningil ng mga utang at naghuhugas ng pinggan nila hehe..nagkaron ng time na nagkagalit-galit kami ng may ari pero tiniis ko lahat ng mga masasakit na sinabi nya sakin nung time na yun pero ngayon kinalimutan ko na, taon din ang nilagi namen dito nakasama ng pasko nakapag coordinate kami ng blessing nila kami ang nag cattering  masaya nun ang daming pagkain, pero dito ko naranasan ang kumain ng tutung na kanin na isinangag lang at yung mga tira na ulam pero ayus lang sakin dahil alam ko naman namalinis at minsan ako pa ang nagluluto na guide ako ng amo ko at ang mga tinuring kong nanay at tatay eto yung mga kasama namen sa canteen na nag tiis din sa pag uugali ng amo namen, kapag ako ang napapagalitan ni manang(amo) anjan sila kakampi ko.namimiss ko na nga sila di ko na lama kung si nanay nasan na ngayon i hope ok sya.miss you nay/tita.

humina ang canteen dahil sa mga nag alisan na tao sa kompanya ng salamin naiisipan na ni manang na itigil na total wala na rin naman yung mga workers ano pang kikitain kaya pag katapos nito naiisipan kong mag bakasyon sa lola ko sa tanay at pumayag naman ang magulang ko ang sabi ko isang buwan lang dumating ang isang buwan nag hagilap ang ng trabaho dito at nag apply ako sa isang burger stand name it FRUNKS parang BURGER MACHINE may parang maliit na burger stand din sya nag train ako ng 5days dito ang bayad sa traning 50php at makukuha lang ito kapag ng 3 buwan ka na tinanggap ko na tong trabaho na to kesa wala at akal ko mag eenjoy ako nagkaron ng exam bago makapasa at mag duty 8hrs ang oras ng trabaho ko dito at kung minsan pa umaabot ako ng 36hrs nung time na nag duduty na ko ang hirap noh walang tulugan makatulog man parang manok lang dilat pikit ang nagagawa ko ang per ora lang naman dito 120php nasabi ko na lang na ok na rin, nagkaron ng time na  madaling araw ang duty ko 10pm 2 6am bumabagyo nun ang lakas ng ihip ng hangin at ulan biglang nag brown out nag-iisa lang ako takot na takot dahil sobrang dilim at ang lakas pa ng hangin badtrip pa dahil napapaligiran ako ng mga bahay na walang tao nung time na yun sa tabi may abandunadong kotse na sira-sira kala mo nasa hunted place ako noh pero hindi ganun talaga yung pinag lugaran ng stall nila hindi ko alam kung bakit ng time na nawalan ng kuryente walang kandila dasal na lang ang naipanlaban ko na sana wag may mag pakita sakin at walang taong mantrip, after 10 mins o 15 nag kailaw ulit nadalangin ko na lang na sana wag na mamatay bandang 2 ng madaling araw yun kung hindi ako nagkakamali, may nangyari pa dito na sobrang ikinatakot ko rin may customer ako na ngungo sya yung ang nguso ay may problema yung hindi dertso ang salita nag order sya ng 2 burger eto yung may free mini burger ng naluto ko na syempre binigay ko sknya nag bayad sya tapos nag dadal dal na kung pwede daw ba na ligawan nya ko tapos pakakasalan daw nya ko nung una napansin ko na na mukang nakatira ng tawas alak kung ano-ano na pinagsasabi nya natakot na ko kasi ppatayin daw nya kung sakali na hindi daw ako sumama sknya kaya ang ginawa ko umiiyak na ko nun hindi na ko nagsasalita lumabas ako ng stall at tumakbo sa kalsada lumapit ako sa dalwang kabataang lalaki na padaan sa sabi ko kuya tulungan nyo ko yang lalaki na yan kanina pa kung ano ano na pinagsasabi kahit muka na kong tanga nag tago ako sa likod nila kasi nakita kong tumayo sya palapit sabi nung mga lalaki wag ka matakot  sinuway nila yung lalaki pinaalis sa lugar ng stall sabi ko please kuya ilayo mo sya dito baka kung ano gawin nya sakin eh hindi ko naman sya kilala kaya yun pinaalis nila hindi pa rin tumigil ang iyak ko nun nahimasmasan na lang ako nung mukang safe na ko lumapita ko sa mga lalaki na kahit hindi ko kilala tinulungan ako. kahit na dalawang buwan lang ako tumagal dito dami na nagyari sa 2 buwan na yun hindi ko na makwento pa pero isasama ko na bakit wala na ko sa trabaho na to terminated ako sa kadahilanang hindi ko ginawa o kung hini ko man ginawa hindi ko alam na naloloko na pala ko ng mga kareleaver ko ang stall o ang trabaho na to ay hindi pwedeng walang inventory sales bilang lahat ng produkto ng dahil sa produkto na iniinventory ang inventory papers dinodoktor na pala ng kareleaver o ka shift ko at ang malupet pa nag cash advance na sa papel ng inventory ko nakasulat sa knya napupunta ang pera at ginagawa nya eto kapag darating na ang delivery at sya ang duty hindi ako (nasabihan kong bobo ang sarili ko nun dahil wala akong kaalam alam na ginagawa nya na yun sakin)sa memo na ibingay sakin stop duty ako at kaylangan ko mag report sa office na napa ka layo ng lugar ng office nila quezon province kamusta ka naman wala na nga kong sahod may utang pa ko saknila na tumataginting na 5thousand pesosesoses dahil sa cash advance at mga shortage sa inventory kaya ginawa ko kahit na nasaknila ang original birthcert ko hindi na ko bumalik pwede naman ako kumuha nito sa NSO (tama ba ko?) kaya napag pasyahan ko na rin na bumalik na rin ng marikina dahil na rin sa kadahilanang nag tatampuhan na kami ng lola ko.pero ok na kami ngayon tagal na yun hehe love ko lola ko eh ..at i know love nya kami paborito ata hehe..

napasok naman ako ng tatay ko na tindera ng sinelas yun nga yung sa market place dahil sya yung gumagawa ng sinelas sa factory na to 3 kami sa pamilya ang nagtratrabaho si tatay,ako at kapatid ko na lalaki ako sa tindahan sila sa production ginagawa ang sinelas na tinitinda ko tumagal ako ng 1 yr and something 7 months din dito  maganda rin naman dahil libre ang fare/transpo at pagain ng lunch sahod 150php kada araw dito ko nakapundar ng isang nokia 3315 unit, 1 worth 3,500 na mp3 bago pa to nun kalalabas lang ng mga mp3 medjo palaos na ang disk man nun eh hehe,at isang mp4 na may camera hehe..digi sana to mahal lang hehe, may branded na damit na rin na dating yung iba palengke lang  at kada sahod may grocerie sa bahay at kapag may okasyon di mawawala ang cake, nung binyag ni pamangkin 75% share ko  hehe kulang na lang dito ang lupat bahay na pangarap ko sa magulang ko. eto yung trabaho na maraming masaya at malungkot na nangyari sakin masaya dahil maraming nakilala, malungkot dahil malin apagpapalakad ng may ari nitong pagawaan na to hindi na makatarungan sobra na halos hindi na sumasahod ang mga manggagawa kasama na ang tatay ko humina din kasi ang bentahan may time na naka zero akong benta nun as in walang sales abono pa ang may ari ng sinelas sakin pero alam na bakit naging ganun dahil nag iba ang pag uugali nya hindi na tama yang pagpapasahod nya at laging delayed pa at may mga favoritism sya na manggagawa madaming kwento dito kinalimutan ko na kasi to ehhehe..

pag katapos dito nakarating ako sa pag gawa ng sapatos at ang name ang sikat na natasha dito sa pilipinas nga ba?hehe uu ako naman ngayon ang gumagawa na dati tindera lang hehe pero tumagal lang ako sa 3 linggo oo tatlong linggo lang dahil dito na ko sa chateau napunta na bless ako dahil ok na ok dito mabait ang amo,may time na petiks sa trabaho,hawak ang oras, maganda ang pasahod,magandang place,kahit iba-iba nag ugali ng mga nakatira dito ok lang nakapag adjust na ko,nakatanggap ng unang bonus nanging indepndent sa buhay,mas nakilala ko ang ugali ko, dating pangarap na ganto ang trabaho natupad na rin masaya ako pero masasabi ko na hindi pa rin eto perfect hehe pero masaya ako..

lahat ng yan,lahat ng pinag daanan ko lahat ng napuntahan ko, lahat ng nakilala ko,nakasalamuha,naging kapamilya,kaibigan,amo,katrabaho,lahat eto blessing para sakin at lahat ng ito itretresure ko may negative man at positive nagpapasalamat ako kay lord dahil he gave me a lesson and to learn, madami akong natutunan at hindi lang dito yun natatapos alam ko dahil marami marami pa syang ibigay sakin(sana pag-ibig naman hehe) and walang pag aalinlangan kong tatanggapin ang ibibigay nya sakin.xempre accept lang ng accept para makarami di ba? 😀

Advertisements
Published in: on February 13, 2009 at 8:11 am  Comments (19)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/02/13/tanggap-lang-ng-tanggap-ng-makarami/trackback/

RSS feed for comments on this post.

19 CommentsLeave a comment

  1. “…kulang na lang dito ang lupat bahay na pangarap ko sa magulang ko”

    **alam mo pangarap ko din iyan pero ngayon unti unit ko ng natutupad sana pagpalain pa tayo. kaya naman natin lahat e basta kumapit ka lamng mabuti sa itaas.

    oo tama ka grab ng grab ng blessings para makarami pero wag mo punuin ulo mo tas umapaw ka sa yabang. masama yun! basta ang mahalaga i share sa pamilya at taong mahal mo na ginagawa mo talaga.

    tama din yung negative na gawing inspiration to strive smart. imbis na itanim jan sa puso yung galit gawing pakpak para makatulong sa sarili at sa iba. at kapag nakalapag kana sa lugar na gusto mo. tapon mo na yung pakpak na yun tas invest ka ulit tas lipad ulit ng bago. ganun lang yun

    saka dagdag ko lang pag may problema, gawan agad ng solusyon hindi yung mukmuk atupagin mo kasiu mas dadami problema mo! ok?

    mabuhay ang post na ito!

    mabuhay ka!

    wagnut:” hehe yah im cheering up..kaya ko naman di pwedeng hindi eh, nalulungkot lang naman po ko kaya para kong tanga hehe pero hindi talaga dahil im thinking positive pa rin naman at kapit na kapit ako sknya hinding hindi ako talaga bibitiw at hindi ko naman sa ulo ilalagay lahat ng blessings eh ilalagay ko sa bangko hehe di ba para may mapag huhugutan ako/kami..gagawin ko to para sakanila..:)
    salamat…po kuya dencio..:D

  2. ei ei wagnut

    think positive… sa dami ng napagdaanan mo, im sure marami kang natutunan. lahat naman yan comes with a purpose
    soon ul find yours. 🙂

    weehee… stay happy
    cheer up
    happy larbs day! 🙂

    wagnut: ” wahaha walang araw na ganyan sakin eh larbs day ba..im always thinking positive yeah boy ehehehe,..salamat…u also stay happy…

  3. wow andami mo na pala naging trabaho. at nakakatuwa dahil sa mga trabahong yun, you learn something from them

    tama yan na kung anuman ang dumating, tanggap lang ng tanggap at alagaan naten yun, mahalin ang trabaho kahit ganu pa nakakainis ang mga boss wahehhe.

    PS.
    San ka sa Marikina? Sa san mateo, rizal ako lumaki eh. at sta.lucia baby din ako. 😀

    wagnut: malapit lang po ako sa bayan “lamuan” talga taga jan ang tito ko eh hehe..sta.lucia baby ka rin wat year? salamat po…

  4. taena! ang haba ng post mo. natuyuan na utak ko kababasa. lolz!

    parang pang-maalaala mo kaya to ah? bat di mo na lang kaya ipadala sa magpakailanman? hehehe. pero seryusli, saludo ako sa mga taong tulad mo na hindi nagpapatalo sa mga hamon ng buhay. ganiang ganian din ako eh. at natutuwa akong kahit di ka napag-aral ng magulang mo, sila pa rin ang gusto mong paghandugan ng mga tagumpay mo. bow!

    p.s.

    salamat sa pagbisita sa alang kwentang kuta ko. salamat na rin po sa comment. 😀

    wagnut: bibisita pa rin naman ako hehe at mangaasar sa kuta mo haha..tagumpay natin to hehe..cheers 😀 bilib din ako sa kulay mo hehe magaling ka din salamat…

  5. thats my girl! malayo ang mararating mo…ang mga experiences natin sa buhay…positive man ito or negative….ay parang balon yan na paghuhugutan natin ng lakas sa patuloy nating pagsuong sa bagwis ng buhay.
    Kaibigan,…sabi nga let us not cry on the spilled milk but rather count our blessings…marami minsan di lang natin pansin..

    praying for you….totoo……lalo na sa wish mo na sana this time lovelife naman ang regalo ng Diyos sa iyo…..

    wagnut: ” hehe kylan kaya yun ibibgay ni lord noh hehe..ang sarap basahin ng comento mo sobrang gaan ng pasok ng umaga sakin dahil dito hehe…salamat sayo..bluguy 😀

  6. wow this is really a humbling experience for you.

    kaya naman siguro lalo kang pinagpapala kasi you never fail to look back. galing. i’m sure proud na proud sayo ang parents mo.

    on a lighter note,eh may ampon pala kayo eh. ampunin mo na rin ako para may dagdag.pwede?hehehe (nangungulit talaga..hahaha)

    happy v-day. God bless you. :p

    wagnut: ” umalis na ang ampon namen but ngayon she is independent at bumibista samen minsan 2yrs din namen syang nakasama.kaylan ka ba luluwas dito ng masabi ko na sa magulang ko dun tayo sa marikina titira hindi dito ok lang ba sayo?hehe…salamat ha natutuwa ako sa mga komento nyo..:)

  7. hey….kaibigan miss ko na rin ang mga nakakatuwa mong comment. Para kasing vitamins sa umaga…it lightens my day! ika nga…salamat ha…..gud luck sa iyo…go girl!

    wagnut: uy miss nya ko hehehehe…oh paano isama na kita sa blogroll ko hehe muka kasing nagpaparamdam kana sakin heheh bibisitahin kita lage dont worry ..mamats totoy..:)

  8. wagnut
    una sa lahat, ang haba ng sinulat mo! natuyo ang mata ko kababasa!

    ang tibay mo ha? dami mong napasukan. di ko alam na ganun ang sweldo sa food court. akala ko ay mas mataas ng kaunti sa nabanggit mo

    wagnut: yap mababa lang angs sahod heheh kylangan maging matibay para mabuhay hehe…natuyo ba sana binasa mo hehe joke..salamat sa pgdaan…:)

  9. tama lang na may matutunan tayo anuman ang ating maging trabaho o gawin, para sa atin din yan di ba?

    basta tanggap lang anuman ang dumating at kung alam mo naman na ok e, di ba?

    wagnut: ” opo salamat..:)

  10. Grabeh!

    unang basa ko e nawawalan ako ng gana,

    pero nung nasa kalagitnaan na ko e biglang lumiksi ang isip ko,

    sa haba haba ng post na eto e na appreciate naman kita,

    mhirp talaga kung hindi k nkatapos ng koleheyo,

    pero bumilib ako sau 😀 astig ka DAI,

    ang dami mo ng napasukan trabo, sa edad lng na 16 yrs old e nagawa mo ng kumayod…

    😀

    wagnut: “kailangan po talaga hehe salamat sa pag daan mo hehe bibisitahin din po kita ..:)

  11. darating din ang para sa yo, konting tiyaga na lang esp masarap ang nilaga 😀

    ako kung saan saan narin nakarating at kung ano ano na rin pinag-gagawa ko. pero lahat ng yon e naging tulay lang para sa kinalalagyan ko ngayon. kaya natin to 😀

    wagnut: ” wah lalo na te kengks kung may patis at kalamnsi na sawsawan di ba hehe…kaya nga po idol kita ate kenkgs kasi ang galing galing mo hindi lang sa larangan ng pag susulat sa larangan ng pagiging mabuting ina at asawa isama na ang pagiging anak maraming salamat po…:)

  12. wow.. kahanga-hanga ang lahat ng iyong sinulat dito post at syempre humahanga rin ako sa nagsulat 🙂 ang galing!

    Gaganda nman ng reply 🙂

    napadaan sa iyong blog! add kita ha 🙂

    wagnut: ” slamat po sa pag daan at nagustuhan nyo ko hehe madami pa po kayong aabangan kaya abangan nyo po at balik po kayo ulit dito hehe..

  13. akala ko nobela..hehe piz!

    niweis ang dami mong naging trabaho..halatang di ka mapakali pag walang ginagawa…tunay na kapakipakinabang..

    wagnut: ” naku opo pag walang trabaho madalas akong mabad trip hehe ayoko lang po talaga na nababakante mahirap po kasi eh hehe lalo na po’t parang nasanay na ko na kumikita ng sarili hehe salamat po…

  14. nakonsensya ako sa mga reklamo ko sa trabaho ko… petiks kasi ako like ngayon… samantalang ikaw pinatos kahit anong trabaho kesa wala…

    basta na touch ako sa dami mong pinasukan at experience na makapag tinda…

    ** guilty ako! **

    wagnut: ” hehe madagdagan pa yan kuya hehe di ko lang alam kung ano sususnod na ibibigay ni lord sakin hehe..naku bat namn po guilty pahalagahan na lang po natin kung ano po meron tayo yun lang po at magpasalamat po sknya malaki man o maliit ang ibinibigay nya saten di ba kuya badoy hehe…salamat po..

  15. bravo anakngpating!

    i agree na yung mga tao na nakakasalamuha natin, pang -support or pang villain man ang kanilang role sa ating life eh may factor sila kung ano tayo ngayon at sa hinaharap. nasa sa atin kung paano natin ipi-filter ang kanilang mga special effects sa ating pagkatao.

    wagnut: ” hehe oo nga po eh salamat po..bravo

  16. i see.. ghosts..este.. green pala haha.. sarap sa mata ng new theme 🙂

    wagnut: cio toinx ghost ka jan hehe …grin yan hehe…gaya gaya ko eh hehe..

  17. ang haba, pero ayos lang. kaya mo yan! isang kang astig!yeah!

    wagnut: ” salamat sa pag bisita hehe

  18. wlang ano man. balik ako ulit araw2!

  19. ang sipag mo naman. siguro milyunaryo kana hehehe…

    pagpatuloy ang pagiging masipag pero huwag masyado baka sa hospital ang bagsak mo niyan.

    salamat sa pagbisita.

    wagnut: ” di pa nga po makaipon hehe hindi pa po mayaman ,mayaman lang po ako sa mga minamahal ko at sa kaibigan hehe salamat po ulit…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: