alma matter

eto gusto ko lang mag kwento sinisipag ako eh hehe,,.(nakita ko kasi yung kras ko) pero hindi about sa kras ko yung ikwekwento ko saka na to pag sinagot na nya ko hehe..joke lang

magkakaron kasi ng alumni ang alma matter ko nung high school sa darating na marso 1,2009. At ito’y kinabibilangan at invited ang lahat simula batch 1998-2008 lahat yan kasali sa grand reunion na gaganapin sa school. at dahil jan naalala ko ang mga clasmeyts,guro,schoolmate,pati na prinsipal na sobrang higpit,isama na ang mga tropang out of school youth mga tambay sa waiting shed..

hindi pa ko sigurado sa invitation na to kung makakarating ako syempre sa kadahilanan na hindi makakapunta hectic ang schedule ko pila ang endorsements,pictorial,rehearsal,taping, at mga guesting sa ibat-ibang show(kunwari lang to) di pa kasi ko talaga nakakapag paalam sa releaver ko kung pwede ko makag off..iniisip ko rin may due date ang pag bili ng entry pass sa school oo may entry pass may bayad ang pagdalo sa reunion na yun ano kb? wala ng libre ngayon noh alam mo naman ang school minsan para kumita din eh gagawa sila ng mga activities at eto na nga yon hehe if i’m not mistaken 150php daw ang entry pass. expensive no hehe pero sabagay 1ns lang naman yun hindi na mabigat saka alam ko kung san gagamitin yung kikitaing pera na yun napadaan kasi kami ni best friend dun 1 time at ginagawan ng bagong bldg.ang school alam kong dito mapupunta yung pera sa bldg na ginagawa nila..ok naman di ba..hehe pero sayang dahil di namen maeexperience ang bagong tinatayong building na yun hehe.

at sa pag ninilay ko ngayon lang magaganda na ang ibang clasmeyts ko na nakita kong nakapag tapos na may stable na trabaho ang iba nga aaply,ang iba nagtutro na sa school na pinapasukan nila oo mas marami akong kiala na naging teacher na talaga hindi ko akalain na dating kasama ko sa pag kuha lang muna ng entrance exam sa P.U.P eh teacher na sila ngayon pero sa ibang school na ka graduate hindi ko alam kung bakit sa iba hindi ko na kasi sila nakita nun nung mag karon na ko ng work. OO hindi ako nakapag aral talaga ng college at 16 yrs old nagtrabaho na ko(ikwento ko lahat ng trabaho na dumaan sakin nxt time).

at syempre kung meron nakapag tapos na ng kolehiyo meron din naman na masaya na ang may buhay asawa o pamilya. naalala ko pa nun nung nagprapraktis na kami ng martsa para sa graduation 10 sa kabatch ko ang buntis na nakagraduate isa sa sampu na yun clasmeyts namen at isa na kapit bahay lang namen. hindi ko na rin alam kung ano na nagyari sa mga taong to pag kalipas ng limang taon.

nakita ko sa friendster yung ibang clasmeyts ko na nakapag tapos ng college ang iba primary picture pa nila ang nakatoga sila parang ang sarap isipin na sana ganito din ako pag kalipas ng apat na taon sa kolehiyo naranasan ko rin sana ang naranasan nila noon sa college life pero ayoko na maiingit hehe maswerte pa rin naman ako hehe..

nung 2006 nagkatagpo din kami nung best friend ko nung high school at grabe na miss namen ang isat-isa kwentuhan to the max at sya din hindi naka pag college nung bago kami maghiwalay nito nasabi nya sakin na mag aral nga xa taking up nursing daw ako nun that time puro kuha lang ng entrance exam hindi pa sigurado na makapag aaral (iniyak ko nung sinabi sakin na hindi ako makakapag aral tanggap ko na pagkalipas lang ng isang buwan hehe) go back to my bestfriend hindi na xa nakapag aral nabuntis sya ng papabol nya ayun nag kaisang anak lalaki hinanap daw nya ko nung time na lumabas na baby nya dahil ninang nga ko kaso hindi na napasama nag pangalan ko hindi kasi nya ko nakita ang liit ko kasi hehe..dis time dalawa na anak nya humihayaw na nga sya na ayaw na nya dahil walang kwenta ang naging asawa nya nagagawa pa kasi nung lalaki na mambabae dalawa na anak nila suportado ko sknya pag dating na kaylngan nya ko alam ko nahihirapan sya walang trabaho yung kupal nyang asawa sabi ko sknya nun makipag hiwalay na sya pero di nya ginawa ang payo ko dahil mahal daw nya at ayaw daw nya luamki ang mga bata na walang tatay hindi ko pinanghimasukan pa ang disisyon nya nung time na yun. pero ngayon ramdamko na hirap sya nakikitira sya ngayon sa nanay nya at syempre may time daw na nakakarinig na sya sa nanay nya tinitiis na lang nya mabuhay lang silang tatlo ng anak nya” pinangakuan ko na lang sya na kapag ok na ang lahat at pwede na yung mga anak nya na iwan  ako mismo ang ang tutulong sknya na makahanap ng trabaho para hindi na sya umasa sa asawa nya dahil alam ko naman na wala na syang maasahan dito.naaawa ako pero ayoko ipakita yun sknya dahil lalo syang mawawalan ng lakas.lagi ko sinasabi sknya na wag sya susuko kaya mo yan basta pag may problema tawag ka lang.sya rin ang nagpayo sakin na wag na wag muna akong mag aasawa dahil mahirap daw tlaga enjoy ko daw muna yung single life dahil pag ones na daw na ganto na ang buhay may asawa hindi mo pwede gawin yung mga night life daw o yung makakilala pa ng ibang tao ..naisip ko na to dati pa nung nag ka anak si ate.

nakita ko din kasi na nahihirapan sya kaya sabi ko sa sarili ko (na ayoko naman magsalita ng tapos) saka muna ang asawa pag naging stable na ang lahat. kaya nga status ko (single) naks napunta sa single ang topic ko hehe..

way back to alma matter makikita ko na yung mga itsura ng mga dati kong clasmeyts kung sakaling makadalo ko dito yung kras ko kaya nung high school may asawa na hehe..ano na kaya sya ngayon ang dami ko naiisip ang daming pwedeng mangyari sa araw na yun kulang malamang ang isang araw na kamustahan,kulitan,at asaran katulad dati nung hig school. yung mga clasmyts ko kayang laging napapagalitan ng teacher nagbago na kaya mga pananaw nila sa buhay hindi na kaya sila ngayon sakit sa ulo o ang pagiging pasaway nung high school. ang sarap balikan ng high school life.

, hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa na makakapag aral, gagawin ko pa rin to pag ok na ang lahat..

hindi man ako nakapag tapos ng college, kahit paano ipagmamalaki ko na rin yung narating ko ngayon sa dami ng napag daanan ko ang dami ko na natutunan at may mga darating pa. hindi ako marunong sumuko (drama) lahat ng to na ibinigay ni  papa GOD sakin tinanggap ko ng buong buo hindi man ako nakapag aral, dito naman nya ko dinala masaya ko dun eto yung binigay nya sakin kaya blessed pa rin ako dahil eto yung binigay nya sakin.

mag kita-kita man kami ng mga clasmeyts ko. iba-iba man ang naging mga kapalaran namen, sa iba-iba napunta,iba na ang narating, mas masarap pa rin kung ano ikaw noon syang ikaw pa rin ngayon. tipong walang nagbago.

Advertisements
Published in: on February 8, 2009 at 6:18 am  Comments (15)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/02/08/alma-matter/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. keep the faith. naitutuloy mo din ang aral mo. saka pumunta ka sayang yun. be different. compidens pa din anakngpating! nasa pagdadala lang yan.

    sarap mag remenis no? o punta ka tas piktyur ka tas kwento mo dito. wow eksayating iyan. anu theme daw? dress?formal?casual? jeans? 70s?

    wagnut: cio hehe tulad nga ng sinabi ko kapag nakapunta ko sige ikwento ko mag popost pa ko ng pic haha…

  2. wahhhhhhhh
    nostalgic ako bigla…
    7 yrs na pala akong nag wwork

    matanda na ako

    ilang taon na lang
    at dekada reunion na kami ng mga tropa ko
    haiz

    wagnut: ” hehe grabe matanda ka lang 2 taon sakin hehe…reunion sarap kapag babalikan ang lahat..

  3. anak ng pating, oo, ang sarap naman talaga balikan ang buhay ng hay skul, di ba? laging may kurot sa puso at sabik na makita kung ano na ba si ganito at si ganyan?

    yun namang kaibigan mo e, mahirap din ang lagay ano? pero wag lang sya susuko, dadating ang araw at lalaya sya sa ganung buhay

    wagnut: ” uu sarap balik-balikan high school life..si best friend alam ko makakaya nya rin ang lahat..salamat sa pagdaan..

  4. Uy sis, masaya yan…. nagka reunion na din kami ng HS batch namin nung Dec 2007. Naka attend ako dahil sched vacation ko nun sakto.
    Ayun masaya, nakita ko yung mga naging kras ko….ahihiihihihi (kinilig pa ang kumag).

    Pero nung sa amin, walang bayad kasi nag contribute lang kung sino ang pwedeng makapag bigay. Inisip namin kasi hindi naman lahat ng mga ka-batch namin naging successful, kung baga pera ng isa pera ng lahat.

    Pilitin mong pumunta kasi hindi mo alam kung mauulit pa yan, baka once in a lifetime lang yan…..good luck.

    wagnut: eto nga hindi pa ko nakabili ng entry pass baka di ako makapunta,pero siguro pupunta ko labas na lang ng gate hehe dun ako magsasaya hehe..pilitin ko pa rin papautos ako mag pabili ng entry pass oo nga sana nga libre kaso hindi eh hehe..

  5. wahehehe, feeling tanda ko naman nung nabasa ko tong post mo, kami may silver jubillee na nakaplano sa 2011, high school batch namin, hahaha. ako tumatayong presidentita pero ang hirap magplano kasi andito ako sa malayo. pero alam mo, sa more than 300 kami? halos kalahati na non e kasali na sa yahoogroups namin. at parating may mini reunions, ang sarap na magka chika ulit ang mga kaibigan at maging kaibigan ang mga taong dati e nakakasalubong lang sa corridors ;D

    wagnut: ” uu nga pero kaya naman yan kahit malayo basta updated lang po hehe tulad nga ng kasali sa yahoo groups nagkakausap pa rin online hehe..lalo na kapag ang nakasalubong mo yung kras mo hehe,..di ba ate kengks..

  6. magpost ka ng pix ha. antayin namen yan! hehe

    wagnut: “kaylangan bang mag popost ako ng pix pwedeng iba na lang hehe..wag lang pix hehe…

  7. alam mo.. mas mataas ang tingin ko sa mga tao na hindi nakatapos pero may ibubuga naman na tulad mo… i assure you… oo, may advantage ang may mga diploma.. pero marami sa iba jan na mas deserving ka pa kesa sa mga diplomang hawak nila… cheers…. sugod lang ng sugod, mas masarap ang lasa pag pinaghirapan… cheers ulit;p-glesy the great

    wagnut: ” salamat glesi hehe yap may kilala nga ko na may diploma pero until now walang trabaho tambay hehe sayang hehe ..yah sugod mga kapatid hehe..:)

  8. KAKAGRADUATE KO LANG LAST YEAR PERO KAPAG ME REUNION SA ALMA MATER EH GO AGAD KAMI..KAHIT WALA PANG NARARATING SA BUHAY…

    KANYA KANYA LANG YAN…

    ***PADAAN

    wagnut: ” daan ka ulit hehe…

  9. namiss ko biglang ang buhay estudyante ko dati…

    nakibasa lang…;-)

    wagnut: ” salamat sa pag basa balik ka ha hehe…basa ka ulit hehe..:)

  10. wats important is that you are happy of what you have become…

    sana maenjoy mo ang reunion niyo..

    wagnut: ” yap happy na ko kahit ganito sana nga makapunta ko hehe..salamat

  11. ahmmm add kita sa broll ko para madali kitang mabalikan..pde mo din ako i add..hehe

    wagnut: ” teka url mo po hehe…:)salamat

  12. ‘OO hindi ako nakapag aral talaga ng college at 16 yrs old nagtrabaho na ko’

    -pramis yan ha.kwento mo samin lahat ng trabaho mo

    btw, hindi naman sukatan ng pagkatao kung nakapagtapos ng kolehiyo ang isang tao or hindi. ang importante, wala syang inaapakang tao at ginagawa nya lahat para matupad pangarap nya.naks.

    ampunin mo na kasi ko!!wahhhhhhhhh

    wagnut: ” naku naman mag kano ba ang e-ticket mo papunta dito sa pinas saka sunduin na lang kita NAIA naks hehe (totoo ba ito?) haha…abangan mo ha…:)

  13. ako naghihintay kung kailan ang hs reunion namin. gusto ko ng makita yung mag former classmate ko, kahit ano pa itchura na nila hehehe. yung mga crush ko ni-let go ko na yong feeling kahit yung isa roon parang tinamaan talaga ako. hehehe

    sayang balikan ang HS kumpara noong elem at college. mabuhay sa iyo sana ay makapag-aral ka ulit. pero kung hindi, tuloy ang buhay di ba? hindi naman napuputol ang lahat ng pangarap dahil lang sa hindi tapo sa college.

    mabuhay!

    wagnut: “uu nga tama…

  14. punta ka sa reunion niyo…sayang ang time, baka di na kasi maulit.

    nanghihinayang nga rin ako kasi hindi ako pumunta sa reunion namin ng mga elementary classmates ko last december…sobrang enjoy daw

    sayang at hindi ako pumunta (tinatamd kasi ako)

    bat dika kaya mag-aral ulet… magenrol ka sa school na may CENTER FOR ALTERNATIVE AND CONTINUING EDUCATION (CACE) or
    EXPANDED TERTIARY EDUCATION EQUIVALENCY AND ACCREDITATION PROGRAM (E.T.E.E.A.P.)Course Offerings…

    isulat mo hah kapag nagaral ka ulit

    wagnut: ‘ teka san po ba ito hehe libre po ba ang aral dito hehe anong site po ba ang pwede ko puntahan para malaman ko kung paano mag enroll dito hehe…salamat po

  15. hi lovely tenx for being my new friend take care always!

    wagnut:” ok lang po hehe enjoy …


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: