wantusawa..kulang pa..

ilang araw na kong nag- iisip kung mag popost ba ko sa ilang araw na nawala ako binibisita ko naman tong blog ko. nag iisip ako ng magagawa. gusto ko kasing mag busy-busyhan kaso hindi ako nag tagumpay nawala ako ng dalawang araw dito sa apat na sulok ng pader na kinalalagyan ko umuwi ako sa pamilya ko nakakalungkot dahil nakita ko si kuya brailee ang dating katawan nya medjo nagbago (pumayat) pero nung nakita ako sa bintana bago ako pumasok ng umagang yun na sarado pa ang pinto at natutlog pa pala sila naramdaman kong ok naman sya dahil ang laking ngiti ang binungad nya sakin at nagkukumahog na lumabas ng kulambo, para lumapit sakin..

bago ko umuwi namalengke muna ko namiss ko ang palengke namen nag grocery muna ko ng mga gamit nila sa bahay yun naman lagi ko ginagawa kapg umuuwi ako samen gusto ko kumpleto kapag umuuwi ako.

sa ulam para sa tanghalian bumili ako ng tilapia sa grocery pa lang nag- iisip na ko ng ulam na lulutuin at yun nga ang naisip ko isda tilapia at ang luto sinigang sa miso na tilapia nag laway ako dun hehe..kaya yun na binili ko.

at xempre ang nag luto si tatay hehe…masarap din ang luto ni nanay mag ka iba kasi sila hehe..pero love ko pareho ang luo nila …

grabe si kuya brailee pa lang hirap na alagaan sobrang kuleeet pero kapag sinabihan mo titgil sandale pero malingat ka lang ayan na naman sya hehe…kinahaponan mga alas tres nag txt na ang mga frienship ko sa mandaluyong kung anong oras daw ako pupunta kasi bertdey ng kapatid ng ate-atehan ko dati sa katabing stall na pinapasukan ko dati namiss ko sila kaya nag punta ko saka babalik at babalik naman talaga ko dun dahil parang isang pamilya na rin kami sa sobrang close  xempre pag dating ko dun yakap-yakap yung mga taong namiss ko at ang daming nagbago..pero sila hindi pa rin nagbabago…

nagkaron ng konting inuman at hindi ako nakahindi kahit na alam kong ayoko talaga uminom hehe red horse nanipa talaga sya nag ka amats ako agad sa 3 baso palang tinira ko na lang ng tinira yung mangga na nabili nameng pulutan hehe..(taga tira lang talaga ko ng pulutan hehe)

umuwi ako ng medjo may amats pa pero masaya ko kasi yung dating tawa na hagalpak na nagagawa ko nung kasama ko sila noon nagawa ko ulit ngayon dito kasi hindi ko yun masyadong ngagawa depende na lang pag nanonood ako ng mga gags show ..mababaw akong tao pag dating na kasama ko na ang mga mahahalaga sa buhay ko konting kiliti konting yakap, konting banat ng jokes tawa na ko ng tawa (may time pa na sa kakatawa ko teary eyed na ko) sa kadahilanang masakit sa tyan ang sobrang pag tawa pero syempre di naman ako nauutot pag katapos nun hehe..

dahil gusto ko na rin lang lubusin ang panahon na nasa labas ako ng trabaho sumakay ako sa mga kilala kong jeep na tumitikwal yung patok na tinatawag na dati ang mga nakakasabay ko na pasahero eh ang mga PUP estudent hehe nag aala estudyante ako dati nung sa manda pa ko nag tratrabaho sayang din kasi ang discount hehe at ang mabilis na jeep (hindi naman kasi ko mapagkakamalan na ordinaryong bata lang ako hehe o yung out of school youth hehe)..pumoporma ko na naayon sa mga estudyante na walang uniform yun bang sibilyan lang ang suot at pang gabi ang klase. pero iba na yung mga mukha nila hindi na yung mga dating nakakasabay ko siguro ang iba graduate na o kung hindi naman iba ang oras ng pasok 8pm na rin kasi nung nagaabang ako ng jeep.

kinabukasan kahapon a 3 ng pebrero nag-iisip na ko kung sino naman ang bibisitahin ko madami ang gustong bisitahin ko sila kaso kulang ang isang araw na pag bisita dahil sa kwentuhan pa lang kulang na hehe binisita ko na lang yung medjo malapit sa bahay at yun nga ang dating pinapasukan ko bago ko napunta dito sa computer shop. ang gawaan ng mga sapatos at ang ginagawa namen ay brand ng marikina. oo gumagawa ako ng pabalat ng mga sapatos pero ito’y mga pambata lang pampasok kungbaga..2months din ako tumagal sa larangan na yun hehe masakit man sa likod at ang nasisinghot na rugby ayos lang (xempre baka sabihin nyo adik ako sa rugby hindi noh natural na yung maka singhot kani ng cement at rugby dahil yun ang pinagdidikit sa sapatos na ginagawa namen.

wag na kayo magtaka bakit dun ako huling nagtrabaho..(experince ang kinuha ko dahil madaling bumalik sa trabaho na to kapag nawalan ka) :)dun pa rin kasi ko babalik kung sakali hehe..pero xempre masaya naman ako dito..

nakamusta ko sila ang mga co-workers ko tagal na rin nila sa gawaan na yun xempre hindi nawalang kantyawan nila ko dami daw nagbago na dati hindi ako ganun nag aayos at boyish dat time ibang-iba na daw ngayon sa totoo lang wala nmn nagbago hehe kala lang nila yun.hindi pa rin nawawala na dapat mag pa RC cola ang bagong dating kantyaw pa na san daw ang chocolate at pabango (as if na galing akong ibang bansa :)) at yun nga pa RC naman ako hehe asaran konte.

sinulit ko na yung  mga pagkakataon na puntahan sila para hindi nila akalain na nagbago ako at hindi na lumilingon sa pinang galingan dahil…

” kahit san ako magpunta at san man ako nang galing dati babalik at babalik pa rin ako at mas gugustuhin ko na kayo pa rin ang mga kaibigan ko dahil iba na ang nagawa ng samahan na bumubuo ng pagiging magkaibigan natin hindi lang sa pagiging kasama sa trabaho.”

bitin ang dalawang araw..:)

Advertisements
Published in: on February 4, 2009 at 6:36 am  Comments (4)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/02/04/wantusawakulang-pa/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. naks indemand ka sa inyo. halatang sikat ka a! nice.. hamu na minsan ay nainom ka ng redhorse mga kaibigan naman ang kasama mo e. masaya pa ang inuman hehe. exciting yung papunta ka pa lang sa inyo. yung bumili ka ng mga groseri at ulam. wow. naku po, ang sarap ng tilapya sa miso, magpapaluto ako pagbakasyon ko samin nun at ng sapsap (gusto ko yung malalaking sapsap kasi malinamnam e) na may maasin na sabaw (di ko alam yung tawag hehe) at kamatis…sa ngayon tyaga muna ako sa itlog at oatmeal at prutas. haha….. at gusto ko yung mga huling linya mo anakngpating. (applause! applause!)

    wagnut: ” cio sarap tlaga ang sinigang sa miso bukod sa sinigang, miso ang paborito kong ulam. di nman sikat friendly lang hehe(pa hamble pa ko noh) joke hehe…sulitin mo na kapag umuwi ka dapat wala kang mamissed..wantusawa tlga…

  2. sarap naman nun

    kahit nakakapagod, masarap bumisita sa mga dating kaibigan na nawala sa sirkulasyon ng buhay natin.

    haiz.. lalo tuloy akong na excite umuwi ng pinas
    pag uwi ko.. phartee!!!
    ehehe

    wagnut: “epfi : lalong masarap yung mahug mo sila sa tagal na hindi pagkikita sobrang sarap sa pakiramdam..

  3. babalik at babalik ka riiiiin! (by gary v.)

    sarap talagang balikan ang nakagisnan. tumawa, mag-asaran, maghiritan tulag ng dati.

    – tenco of alasais

    wagnut: ” tenco yah babalik ako dun hehe..gandang kanta ni gary..i like it..

  4. there’s really no place like home, hay gusto ku yung mga patok na jeep, namiss ko yun, wala kaseng ganun dito sa cavite. 😦

    welkem bek!

    wagnut: ” yah im back hehe..naku miss ko sobra patok dami ko kasi nakilala na estudyante dahil sa jeep na yun..:)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: