art of letting go

para to sa mga hindi pa nakaka move on at sa mga naka move on na sa pag-ibig,

nadapa na rin ako ones but two times hehe ang isa dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko na may bato pala kaya nadapa at nasaktan nag kasugat na matagal bago gumaling pero naghilom din naman after 48yrs..joke alam ko naman tanga ko minsan kaya nadadpa ako. alam ko naman hindi lang ako ang tanga nadapa hindi lang naman ako alam ko kayo rin nung mga kabataan nyo tama ba ko hek3…

at yung pangalawa xempre alam na ang pag-ibig pero pag katapos naman nun nag sumikap akong tumayo dahil alam ko kaya ko kalimutan lahat at tanggapin ang sakit ng unang pag-ibig naks anak ng akala ko nun sya na rin ang destiny ko hayop sa murang edad ko disisyete  umibig ako sa akala kong lalaki dalawang taon na nagkunwari sya dalawang taon na celphone lang ang contact namen dahil nasa malayong lugar sya at dun nag aaral dalawang taon na mabibilang lang sa limang daliri ang pagkikita namen.na pagkatapos ng dalawang taon at aksidenteng nagkita kami  sa isang lugar na di ko aakalain na makikita ko na ibang iba na sa itsurang nakita ko sknya nung huling nagkita kami (gwapo,mabango,matikas,lalaking-laki ang tindig at katayuan,papang papa ang dating)kasama ko ang mga klasmeyts ko nung high school pagpasok namen sa food chain na yun (hindi ko talaga alam kung paano ko ikwekwento tong kwento na to) basta natigilan ako ng makita sya na kasunod kami sa pila at lumingon sya samen, pagkagulat ang naramdaman ko at pati sya parang nagulat sa nakita nya nakita kong namutla sya.

hindi ako pwedeng magkamali dahil mata palang nya at ilong nya alam kong sya yun teka bat ko nga ba to kinukwento sige tatapusin ko na pero bakit parang may mali mapula ang labi halos hanggang balikat ang buhok,may kulay ang ilalim ng mga kilay, may blush-on,na ako hindi nga makagamit nun naka high hills na sandals, at may konting hinaharap na ewan ko kung bra lang yun o may laman na talaga dahil sa fited na blouse na suot nya.

mas babaeng babae pa sya sakin hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ano ang magiging reaksyon ko at sasabihin ko, dahil parang pareho kaming nablangko.napukaw lang ang pagkagulat kong yun ng may magasalita sa likod ko lovely kilala mo sya?

teng ayun biglang hila sa klasmeyts ko na tara sa iba na lang tayo kumain..nagtatakang sumunod si klasmeyt walang lingong likod na nilisan ko yung lugar na yun.(alam nyo na rin siguro kung bakit di ba ) hays nasa loob pala ang kulo sayang talaga hindi pala babae talaga ang gusto nya,pag dating ko ng bahay naka receive ako ng message galing sknya at eto ang pagkakasabi( alam mo na ngayon kung bakit nung huling pagkikita natin sobrang higpit ng yakap ko bago ako lumisan sa lugar na pinagkakitaan natin at nagpapahiwatig ng aking paglayo ngayong alam mo na patawarin mo sana ko kung pinaasa kita at pinaniwala sa kung ano talaga ko hindi ko kayang magpaliwanag sayo dahil natatakot akong hindi mo ko matanggap sa kalagayan kong ito, aantayin kong mapatawad mo ko..wag mong isipin na hindi kita minahal na kahit alam kong iba talaga ang gusto ko, ikaw lang ang babaeng naging mabuti at naging parang naging kaibigan ko. )

nxt message( alam ko marami akong pagkukulang sayo pinaasa kang magiging tayo hanggang sa huli pero naging mahina ako hindi ko nalabanan dahil hindi ko na kayang magkunwari pa.)

ng mabasa ko yan tulo uhog luha ko.hindi ko tlaga alam masakit oo sobra..dahil biglaan ang pangyayari parang piling ko namatayan ako,parang inagawan ng laruan, pero hindi yun eh bakit kaylangan patagalin nya ng mahigit dalawang taon ang pagkukunwari kung ano talaga sya.hindi ko na alam basta pinilit ko nung time na yun na isipin  na kunwari panaginip lang lahat yun na babalik sya sa dating sya pero hindi mas lalaong lolokohin ko ang sarili ko pag nagkataon.

masaya na sya kahit paano naka move-on na ko ng may dumating ulit sa buhay ko pero sa pagkakakataon na yun naging bulag ako nung time na malapit na kong mahulog sknya at nakalimutan ko na yung isa.saka ko na ikwento to.

naging magkaibigan na lang kami wala na yung dating nararamdaman ko na pagnanasa pagmamahal sknya. Masaya na rin ako dun..

Advertisements
Published in: on January 25, 2009 at 9:01 am  Comments (10)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/01/25/art-of-letting-go/trackback/

RSS feed for comments on this post.

10 CommentsLeave a comment

  1. hamu na. e ganun talaga siya e. at least ang mahalaga nalaman mo na din ng maaga. just look forward (..and downward para sa bato hehe). madami pang bukas 😉

    • hek3..natuwa lang ako dahil kapwa lalaki lang din pala gusto nya sad ako hek3..
      pero ok na ko nkwento ko lang yan last 2006 pa yan nangyari eh..wala lang hek3..

  2. walang nararamdamang pagnanasa?
    asus
    hahahaha

    this too shall pass
    darating ang araw
    tatawanan mo na lang ito
    🙂

    • ngayon tinatawanan ko na lang talaga yan kasi tpos na yan almost 1 yr na rin akong walang bf xa yung last hek3…
      pagnanasa meron nmn tlga a little bit lang xempre hek3..
      salamat sa pagbisita mo xienahgirl

  3. Transformers pala….LOLs

    Bakit ganun ? Hindi naman nanganganak ang mga badinger-Z pero dumadami lahi nila…….mas mahirap kung nagkatuluyan kayo tapos….mahuhuli mo siya sinusuot yung mga damit mo…

    Ohmygulay….

    • nakngunggoy un kung nagkataon saka hek3..kung mangyari yun na suutin nya damit ko di naman pang girl kasi mga damit ko hek3..hindi sya magiging sexy tingnan kung nagkataon hek3..ewan ko ba bakit nga ba dumadami sila wag lang sana sya magpalit ng name katulad ni BB (rustom padilla) hek3…mas lalo akong natutuwa (malulungkot)

  4. […] ko kanina ang entry ni kapatid Anak ng Pating (ayan ha sis, libre plugging…ahihihihi), bigla ko tuloy naalala itong isang kasamahan ko […]

    • salamat sa plugging hek3…

  5. talaga… parang nakarelate ako… he he he he

  6. wala pang update? 😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: