ang arte nya

hep hep syempre wala akong kaaway pero muntik na asar kasi ko kaninang umaga bago pumasok may maarte kasing pasahero ng trycicle babae sya syempre sa pilahan ng trycicle kasi dito sa pinpasukan ko dapat bago bumyahe  anim na katao ang dapat kumpletuhin para tuloy-tuloy ang byahe ang trycicle dito kakaiba sa iba kung ang kasya sa isang trycicle na maliit lang eh 3 o 4 na tao dito 6 na tao 2 sa harapan 2 sa likuran at 2 sa likod ng driver dumating ako sa pilahan ng trycicle ako palang mag-isa ang nagaantay ng makakasama may dumating na isang lalaki sumunod ang isang lalaki ulit at sumunod yung maarte hehe at magkasabay na dumating ang 2 pa para makumpleto kaming anim sabi nung driver na nasa unahan doon daw ang byaheng airport eh kaso sabi naman nung isa dun daw sa pangalawang trycicle ang byaheng airport buti na lang magkasunod lang yung trycicle edi sumakay na ko at pumwesto sa harapan kanya kanyang pwesto eto hehe may tumabi saking lalaki may edad na rin sya siguro mga 40 plus yun at yung yung 2 babae na huling dumating pumwest sa hulihan at yung babaeng maarte nandun sa harapan ng trycicle nagbubunganga kasi ang natirang space na pwede nyang upuan ay sa likod ng driver at dun pa sa bakal ang upuan hehe sabi nung babae * ano ba yan kanina pa ko nag aantay dito tapos hindi ako makakasakay ano ba namang kayo manong* sabi nung manong eto mam sa likod meron pa kumpleto na kayo eh* sabi nung ale na ang puti ng mukha at ang kapal ng eye shadow ayoko maupo jan sa likod kanina pa ko nag antay tapos jan lang ako makakaupo *ayoko man gawin ginawa ko ng lumipat ako ang pumwesto sa likod dahil kung hindi sya sasakay malilintikan na ko dahil 1 hr na kong late ayokong mapagalitan ng dahil lang sa kaartehan nya na ayaw nya maupo sa likod ng driver kaya nung bumababa ako nak ng tipaklong ang arte naman ang naisagot ko na lang hehe hindi ko alam kung narinig yun nung babae na alam ko matanda na nag iinarte pa eh ano naman at sumakay sya sa likod katabi nya yung isang lalaki naasar din ako dahil makikiramdam sana ko dun sa manong na nakatabi ko dun sa unahan na sya ang magbibigay dun sa ale hindi eh wala hindi sya tumayo nak ng pating he’s not a gentleman ha…at yun pala gusto pala nya ata makatabi yung ale kasi mukang mag kaedad lang sila hehe ..yung nakatabi ko naman sa likod nak ng pating talaga hindi man lang din naging gentleman hindi sya nag give way na dun ako paupuin sa malambot ang upuan sa bakal talga ko naupo yung parane rehas sa liko ng driver alam nyo yun db? hehe ..wala syang pakels din sakin dahil ba hindi ako karapat-dapat igalang ganun ba kahit na narinig na nya sakin na sinabihan ko ng maarte yung pasahero na nag inarte dedma lang sya naisip ko tuloy meron pa nga kayang gentle man na lalaki o para na lang sa magaganda ang pagiging gentle man ng iba tsk..tsk..paano naman ako kami na nasa loob ng pag katao ang kagandahan naks may ganun hehe paano na lang diba …

masasabi ko dun sa babae kung ayaw mo ng mausukan ka or hindi ka sanay sumakay sa likod ng trycicle aba edi mag special ka may byahe naman na ikaw lang ang sakay ng driver at kahit humiga ka sa loob o kahit san ka pumwesto sa loob ng trycicle walang makekealam sayo nakakbwisit lang kasi parang reyna ka kung umasta kanina sa pag kakasabi mo na ayaw mo umupo jan sa likod..dahil sa nag antay ka ng matagal eh kung tutuusin nga mas matagal pa k nag antay sayo bago tayo makumpletong anim noh ..ang sarap mong kutusan hehe…tsk..wag ang bad ko naman malinis nga kalooban ko eh dapat mahaba parin yung pisi ng pasensya ko hehe/..kaya sa susunod mag special ka na lang kesa nag puputak ka dahil wala ka ng maupuan bagal mo kasi eh nag papa ka mahinhin ka pa …sus..eto naman din kasi yung manong driver hindi pumalag na alam ko na naartehan ka rin sknya kahit di mo sabihin manong minsan papalag ka pag ganyan ang customer hindi lang naman sya ang sasakay sayo noh..hmp…di na ko sasakay sayo heheh…sa trycicle mo..hmp

sana di ko na sya makasabay ulit kapag nag kataon at mag asta ulit syang ganun naku kukutusan ko talaga hehe…dyuk lang syempre takot din ako noh…

Advertisements
Published in: on January 18, 2009 at 8:38 am  Comments (11)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/01/18/ang-arte-nya/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. sana nga di mo makasabay uli..baka ma late ka! 😆

    eniway, hinigal ako magbasa! lol.

    • bakit ka kasi tumatakbo habang binabasa entry ko hek3…dyuk lang ..

      peace…XD

  2. aba, mantalang si kengkay mas type na type umupo dun sa likod ng drayber kaso parating huli kaya parating sa loob ako nauupo, hahaha. kakabaliw talaga ang kwentong pasahero sa pinas ano?

    • ate kengkay hindi na nga ata mababago yung ibang pasahero na nag iinarte pa hek3..
      ganun n ata yung babaeng yun…XD

  3. Blog Hopping! Cute Blogger Dropping by!
    http://perspektib.blogspot.com,
    http://marlonofmanila.blogspot.com
    thanks for visiting!

  4. ganun talaga ang ibang pipol op da pilipins….kaya konting pasensya lang…sabi nga di ba….pag nakagawa ka ng isang kabutihan….sangkatutak na kamalasan ang darating sa iyo….LOLs

    jok lang….ibig kong sabihin….isang magandang gawain ay may katumbas na points sa itaas….

    hanep para akong si Padre Damaso….LOLs

    Kakalibang ng entry mo…at sa wakas naka dalaw din ako dito….

    • yun nga eh kahit paano na kapagtimpi pa ko…kukutusan ko na nga sana takot lang talaga ko ..lol
      salamat sa pag bisita mo …dalaw ka ulit ha pero wag ka mananakot ha hek3…lol

    • url mo bat po wala hek3…

  5. o huminahon ka lang anak ng pating hehe …. pasaway nga naman iyun. nextime tarayan mo para matuto. 😉

    • hinahon hinahon amp mahinahon naman ako nun hehe kasi hindi ko sya nakutusan hek3,.,.joke lang …

  6. award..hehehe dapat magtaxi xa kamo…

    exlink?/add kta ha

    http://simplefula09.wordpress.com

    wagnut: ” oo nga eh nag taxi na lang sana nag inarte pa kasi..sige links kita..salamat sa pagdaan..:)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: