5 years in the 6 feet we miss you..kuya julius

bakit six feet at bakit may pangalan ang tittle ng post ko na ito? inaalay ko po etong post na to sa yumaong boy friend ng ate ko.

January 4, 2003 namatay sa sakit sa puso sa edad na bente uno ang isang mabait na anak,kuya,kaibigan,katropa,at kasintahan si Julius Falic. Sa taong 2002 nakilala namen syang manliligaw pa lang ng ate ko isang lalaking hindi mo aakalain na magugustuhan mo ang ugali at hindi iisipin na may sakit dahil sa laking bulas at lusog ng katawan sa taas nyang 5’11 at ma-mascle na katawan hindi mo makikita na eto’y may sakit pa lang sakit sa puso na alam ng lahat ng tao na isa itong traydor na sakit na biglaan kung mangyari o atakihin ka.Kahit ako nung una wala akong alam na meron sya nun dahil nga wala sa pisikal na katangian nya masayahin sya.

nakilala namen syang magalang,mabait,kahit na sandali pa lang namen sya nakasama sa 2 months na nakasalamuha namen sya lalo na nung nakilala sya ng aking ama’t ina boto sknya ang mga ito at kasama na kami dun.Ang ate ko ang buong nakakakilala sknya alam nya kung gaano din sya kahalaga kay kuya at ramdam ko nung mga time na nabubuhay pa si kuya na mahal nya ang ate ko.

alam ko kung ano iisipin nyo ang batang namatay sa sakit sa puso si kuya dahil kahit kami nagtataka rin na biglaan ito. Madami pa syang magagawa sa buhay makikilala pero hanggang doon lang ang binigay sknya ni papa jesus kaya tinanggap namen (teary eyed) hindi lang ako ang nakakamiss sknya alam ko buong pamilya ko at kasama ang ate ko at ang kanyang pamilya ang namimiss sya dahil sa mga katangian na pinakita nya at kabutihan ng pagiging anak,kapatid,kaibigan alam kong walang makakalimot sknya at alam ko kuya masaya ka na ngayon jan alam kong kasama mo sya alam in namen na isa ka sa guardian angel namen lahat at alam ko masaya ka na rin sa katayuan ng ate ko ngayon.na kung sakaling buhay ka ikaw sana ang asawa na nya ngayon pero eto yung balak ng diyos satin  eto yung binigay nya at buong puso naming tinanggap yun.sana nakikita mo yung dalawang bigay nyang anghel samen siguro ikaw ang nag sabi sknya na bigyan kami ng dalawang gwapong anghel kapalit mo na makakasama din namen hehe…

ikwento ko kung panano sya kinuha samen ..

december 2002 kasama namen syang nag noche buena sa tahanan namen dun sya nag christmas samen nakakasama pa namen syang mag riverpark pag gabi nun ako yung chaperon nilang dalawa ng ate ko naalala ko pa sa sobrang tangkad ni kuya halos kili-kili lang ang ate ko nya at ako bewang lang ata nun hehe…bagong taon sa bahay nila kuya nag bagong taon ang ate ko pinayagan sya ng parents ko. Jan 1, 2002 dahil fiesta samen nandun din sya kasama namen.Jan 2, pinabalik namen sya para isama namen sa piknik sa river park marikina kawayanan at sumama sya para makilala buong pamilya namen dahil parang isang grand reunion din yun ng pamilya ko.Nakilala sya ng lola ko ng mga pinsan ko at mga tita,tito ko. Sa isang table magkakasama kami nabanggit ni ate na by sunday manonood daw sila ng sine at kung gusto ko daw ba sumama edi xempre sama naman ako dahil ang gusto nilang panoorin nun yung sa street boys na kasali sa MMFF2002 pasensya na nakalimutan ko yung tittle nung palabas na yun eh (paki-insert na lang dito yun hehe kung alam mo). thusrday yun kinabukasan friday xempre hehe…sabado akwatro ng enero bumisita si kuya gulat ang lahat dahil 4 palang ng hapon sya dumating nkantyawan ng aking magulang na intsik sya ang aga daw kasi hehe…nasanay kasi kami na pumunta sya ng mga alas- syete ng gabi that time lang sya maaga at ang dahilan pala galing sya ng ortigas dun sa company na ina-aplyan nya at good news ang gusto nyang sabihin sa ate ko na natanggap sya at starting nya ng monday. Dahil nandun na rin sya sa bahay binalak namen mag gala ulit sa ilog pag katapos kumain. ang ate ko lumabas ng banyo galing sa paliligo at si kuya naka-upo sa sopa namen na plastic at ako naman naglulto ng ulam nagpriprito ako ng maling nun meat loap. nasa likod ko lang si kuya nakatalikod ako sknya si ate pag kalabas ng cr umakyat sa taas ng bahay namen.ako habang nagpriprito tumalsik yung mantika sa kamay ko kaya nabitawan ko yung sandok na hawak ko at tumama sa kamay ko pag harap ko kay kuya naninigas na sya tumitirik na ang mata gulat talga ko kaya bigla ang pag tawag ko sa ate ko..

lovely: ate si kuya

ate: (bumababa ng hagdan) toto ano nangyari

lovely: ng mga time n yun buti na lang nasa likod lang ng bahay ang nga magulang ko tinawag ko sila

tatay: toto gising

(ng mga panahon na yun tirik na ang mata ni kuya at hindi na makahinga  at yung laway nya tumutulo na ni mouth to mouth na sya ng tatay ko.ang ate ko inalalayan na ng nanay ko dahil may sakit na din ang ate ko kapag nabibigla hindi rin nakakahinga ako nanginginig na rin ng mga panahon na yun itusan ako ng tatay ko n tumawag na ng ambulansya at mabilis kong ginawa pero ang hirap pa lang mag hanap ng telepono sa mga kapit-bahay nanginginig na rin ako nun at tumutulo ang luha hindi ko na magawang kausapin yung sumagot sakin sa ospital dahil parang piling ko mauubusan na rin ako ng lakas nung panahon na yun sa nakita ko kaya yung may ari ng telepono na ang kumausap sa emergency.after 15 mins. dumating ang ambulansya hindi ko na nagawang bumalik sa bahay nun ang ate ko dinala na rin sa bahay ng tita ko lahat kami. ang tatay ko nagpatulong na mailabas sa iskinita ng bahay namen si kuya para maisalba pa sya kahit na alam ng tatay ko na masusugatan si kuya dahil sa laki nya at  apat na tao kasama ang tatay ko ang bumuhat sknya palabas para lang mailabas sya. habang hinihintay namen ang tatay ko lahat kami pinapakalma namen si ate dahil nagpipilit sya na pumunta ng ospital na pinag dalan kay kuya.

dumating ang aking ama na ramdam ko ang lungkot sa mata nya pero hindi nya ito pinakita sa ate ko inilihim muna sa ate ko na dumating sa ospital na dead on arrival na wala na sya hindi na sya umabot pero sa kaalaman ng ate ko na ok na si kuya nagpipilit sya na puntahan si kuya pinangakuan na lang sya na dadalin sya bukas sa ospital para makita nya si kuya. at ako naman kinausap ako na ayusin ko gamit ni kuya at kunin ang cellphone nya at tawagan ang pamilya ni kuya na nasa ospital si kuya at wala na nanginginig akong hinanap ang no.ng nanay ni kuya pero wala akong nakita ang nakita ko tita kaya yun ang tinawagan ko para ipaalam ang nagyari at sabihin na nasa ospital si kuya.bumalik ang tatay ko ng ospital para makausap ang magulang ni kuya.hindi ko na alam kung ano na ang nagyari sa ospital nun na nandun na ang pamilya ni kuya pero nasabi ni tatay nung pag balik nya na kung ipapa autopsy si kuya ng pamilya ni kuya mas maganda nag ka gasgas din kasi si kuya nun dahil sa padr na dinaanan sa maipot na eskinita namen ..

at alam na pala ng pamilya na meron ngang sakit si kuya kaya hindi na nila ipina autopsy si kuya at sinabi na rin ng doctor na ganun na nga ang ikinamatay ni kuya inatake at may naipit na ugat sa batok si kuya alam din ng pamilya na samen nag punta si kuya dahil bago pa nag punta si kuya sa bahay umuwi muna ito sknila para mag palit ng damit at maligo.

inalam narin nila kung alam na rin ba ng ate ko na wala na sinabi ng tatay ko na hindi pa at sasabihin pa lang nagaalala din kasi kami na baka kung ano mangyari kay ate kapag nabigla sya.

kinabukasan nga maaga pa lang nagungulit na si ate na pumunta ng ospital per hindi nga masabi na wala na rin dun si kuya dahil nakalagak na rin si kuya sa tahanan nila. mga hapon na nung malaman ng ate ko hindi pa kami ang mismong nagsabi sknya dahil lahat kami hirap din sabihin sknya ang mga pinsan ng tatay ko ang nag sabi sa ate ko kaya nung time na yun grabe ang naramdaman namen sa ate ko dahil wala syang tigil sa kakaiyak kaya nung hiniling ng ate ko na pumunta sa burol hindi na yun pinag damot pa ng magulang ko sinamahan nila ang ate ko, naiwan ako ng bahay mag-isa hindi ako makatagal sa bahay dahil hindi ko rin kaya kapag may kaylangan ako nagpapasama ko sa malapit kong pinsan saka ko papasok takot din kasi ko dahil fresh pa rin yung mga nangyari ng mga gabing yun.

kahit mag boyfriend pa lang sila ng ate ko parang piling namen ang agang nabyuda ng ate ko ang hirap pala ng ganun mas gugustuhin ko na pumunta ng ibang bansa kung sakali ang kasintahan ko kesa naman ang iwanan ka na for life na hindi mo na talaga makikita.

salamat din sa pamilya ni kuya na mababait din at naiintindihan nila dahil parang lahat kami nawalan ng isang katulad ni kuya…sa nangyari naging close ang pamilya namen saknila at lalo na ang ate ko…3 yrs din bago nasundan ng ate ko si kuya nung mga panahon na yun hindi pumapalya si ate bisitahin si kuya every sunday nandun sya minsan sumamsama ko kita ko na mahal pa ni ate si kuya dahil minsan kinakausap pa nya ito.pero ang pamilya na rin ni kuya ang nag sabi kay ate na buksan nya ulit ang puso nya dahil mas lalo daw magiging masaya si kuya kapag umibig sya ulit.buhay ng ate ko parang teleserye lang hehe…masaya na rin kami dahil parang binigyan kami ng bagong mamahalin ni kuya kahit hindi sknya galing pero parang hiniling nya kay papa god na yun ang ibigay nya samen.at ninang/ninong na ng dalawang anghel namen ngayon ang mg kapatid ni kuya…

kuya para sayo tong post ko handog ko sa kabaitan mo hindi ko man na sabi na mabait kang tao nung nabubuhay ka pa at gusto kita para sa ate ko dito ko na lang sinabi sana request mo kay papa god na basahin mo yung blog ko jan sa heaven hehe mag rent ka ng internet kay papa god hehe..thank you rin dahil alam ko gingabayan mo kaming lahat na mahal mo..

we miss you kuya..

Advertisements
Published in: on January 4, 2009 at 8:39 am  Comments (4)  

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2009/01/04/5-years-in-the-6-feet-we-miss-youkuya-julius/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. ikinalulungkot ko ang nangyari sa kuya mo

    • sobrang miss na nga namen sya teh…

      pero alam namen na nanjan lang sya sa tabi namen …

      slamat po sa pag daan …

  2. ikinalulungkot ko din.. napaka hirap ng ganun.. una masaydo na syang matanda nung namatay. masyado na yung bonding nya sa inyo.. kaya sobrang kakalungkot..yup. anjan lang xa sa inyo..

    • nung una mahirap talaga tanggapin na wala na sya …

      pero naisip nameng lahat na hindi sya magiging masaya kung hindi namen tatanggapin..

      kaya kahit mahirap ginawa namen…:c

      salamat sa pag daan…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: