unang araw ng simbang gabi

kanina pa nagloloko ang internet connection ko nakaka asar na nga sarap ibato ng modem nakakhiya tuloy sa mga customer ko at kanina pa sana ko nakapag sulat dahil nga sa net ayun nagyon ko lang nagawa yung mga dapat ko gawin.

unang araw ng simbang gabi mamaya ng madaling araw eto na yung hudyat na ilang araw na lang ay pasko na at eto yung pinaka inaantay ng lahat ng bata tulad ko hehe hindi pa naman halata sakin eh walang kokontra blog ko to hehe eto na yung papalapit ang kapanganakan ni hesus.

akstwaly hinid talaga ko nagsisimbang gabi ni minsan hindi ako naka attend ng mass ng madaling araw kasi sa totoo lang tamad talaga ko bumangon ng umaga yun ang sakit ko ang bumangon ng umaga o madaling araw hindi pa sumisikat ang araw ayoko talaga babangon ng ganyang oras..dati madaming nagyaya sakin mag simbang gabi sobra ko sa tangge na sumama sa kanila nasabihan pa kong kj o hindi talaga nagsisimba hindi naman sa ayaw ko magsimba pero aaminin ko hindi talaga ko madalas mag lingkod saknya kahit alam kong 1 oras lang naman ang hinihinge nyang panahon sakin. sa minsan kahit hindi ko alam at hindi ko pa nakikita yung mga taong nagsisimba dahil hindi nga ko nagsisimba alam ko yung ibang kabataan iba ang simbang gabi sakanila simbang date lang hehe kunwari paalam sa magulang mgasisimba pero makikipagkita lang pala  sa mga dyowakis nila hehe at tatambay sa gilid ng simbahan at pag tapos na ang misa kanya-kanyang gala na muna yan bago umuwi ng bahay.na siguro gagawin ko rin to kung may dyowakis na ko nung mga panahon na yun hehe …kaso wala pa nga eh …

ang simba ko talaga bukod sa linggo ay yung huling misa ng simbang gabi eto yung bago mag noche buena at kinaumagahan ng pasko abente singko ng disyembre kasama ang pamilya ko mas gusto ko kasi yun kahit na yung iba kong kapatid mas gusto ng ibang lakad kesa magsimba na kasama ang mga magulang namen hindi papayag ang nanay at tatay ko na hindi kami samasama na magsisimba ng umaga ng pasko at pag katapos ng misa bago kami magsari-sariling lakad bibisitahin muna namen ang mahal kong lola at kapag naiinip na ang iba kong kapatid hehe nagyaya na yan kasi nga may sari-sariling lakad at isa na rin naman ako dun hehe pero hindi para makipag date para sumama sa mga pinsan ko na mamasko sa mga kamag-anak namen hehe xempre hindi nga kasi halata sakin na matanda na ko kaya sumasama pa rin ako kahit na ba kinakantyawan nila ko saka isa na rin sa pinupuntahan namen eh madaming pagkain ang handa nila hehe ang iba kasi sa kamag anak namen may mga kaya talaga …ang saya kaya makatanggap ng 20php na malutong at amoy ang nakakaadik na amoy pera talaga tapos ilalagay sa biniling wallet o pouch ni nanay kasama ang pamaskong damit na binili sa tyangge sa ilog.natatandaan ko pa payabangan pa kami kung ilang orange,pula at ube na ang napapamaskuhan naming magpipinsan minsan luge ko hehe ang lalayo kasi ng mga ninang at ninong ko hindi ko kayang puntahan naalala ko pa ang nagbigay pa ata sakin nung ube yung ninang ko sa kumpil hehe o di ba …

eto yung tawag namen sa pera kapag namamasko :

brown – 10php

orange – 2opesos yan malutong

pula’mansanas – sengkwenta petot

ube – isang daang pito

hindi ko na isasama ang limang daan kasi ni minsan hindi naman ako nakatanggap nun at saka hindi ko rinalam kung ano tawag nila dun hehe…

mas madalas din kasing damit ang natatanggap kong regalo nung pass xmas na dumaan hehe …

ewan ko na nga lang ngayon kung ano kaya matatanggap ko pero xempre hindi ko na rin iisipin yun kasi mas iniisip ko yung mga inaanak ko na tataguan ko hehe pasensya na kayo mga inaanak ha may trabaho kasi si ninang sa araw ng pasko hehe…

Advertisements
Published in: on December 15, 2008 at 7:55 am  Comments (2)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://anakngpating.wordpress.com/2008/12/15/unang-araw-ng-simbang-gabi/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. hay buhay!
    ewan ko kung may pag-asa pa akong mabuo ang simbang gabi!
    ang sarap kasi talagang matulog!
    hay…
    napakalungkot naman at may trabaho sa araw ng pasko.
    pero pwede mo naman iadbans ah!
    hekhek!

    • lalo na malamig pag madaling araw hek3

      lungkot nga bawi na lang siguro nxt tym araw araw naman pasko eh hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: