testing lang.

blangko.

pumapagitna ako. naiisip ang pwedeng mangyari..

maging tama ba o mali, ano ba ang susundin ko..ang puso o ang utak.

paano kung sinabi ng utak ko na wag na lang susundin ko ba?

eh paano naman ung puso ko na gusto ipag patuloy hindi alintana ang di magagandang mangyayari basta ipag patuloy lang.

ano nga bang mas matimbang ang puso o ang utak.

kung pag babasihan lamang ang utak..pwedeng kontrolin ang nangyayari, pwedeng sumige pwedeng himindi.

eh ang puso buong kilo pwede mong ibigay sa gusto mong pagbigyan, na kahit dehado ok lang basta maging maligaya lang.

ang puso tumitibok, ang utak kontrol pa din ng puso para ito’y tumibok.

kung isang daan porsyento parehong pwedeng ibigay ng puso at utak.

kung ang puso kayang kaya na paligayahin ang sarili.

ang utak kailangan munang umisip para maging maligaya.

ilang beses ko na ring pinili ang puso ko (kahit alam nyang walang happy ending sa huli)

sinubukan kong sumugal ilang beses na rin wala pang succesful palaging failed ganun nga yata lalo na kung di mo na isip na gamitin ang utak.

buti na lang at hindi pala ako nag iisa na gamitin lang ang puso.

nakakatawang di lang kasing laki ng mapapanalunan sa lotto ang dami na ginamit ang parte ng katawan na tumitibok.

sino nga ba talaga ang lamang?

isang naiiwan na tanong.

na hanggang ngayon di ko pa nasasagot.

wala kasing makapag bigay sakin ng formula to solve.

can you give me a clue buddy.

testing lang.

 

Published in: Uncategorized on November 19, 2010 at 10:25 am  Comments (9)  

***** kita pero di mo lang alam..

napapangiti ako pag nakikita kita.

napapaindak ako ng bonggang bongga pag lilingon ka at sakin ka titingin.

hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko,

may pagkakataon na parang gusto ko nasa harap lang kita at titigan ka hanggang sa di na ko magsawa..

gusto kitang kausapin pero sa dami ng tao umuurong ang aking dila.

kumukuha lang ng tyempo.

upang sabihin sa iyo.

***** kita pero di mo lang alam..

pero di nga lang halata..

di ko lang sayo masabi ng harapan dahil sa babae nga ako baka sabihin pa na ang lande lande ko hahah..

Published in: Uncategorized on September 27, 2010 at 4:41 am  Comments (18)  

higit sayo.

sa pitong buwan na di tayo nagkita, madaming nagbago, madaming nangyari, may pangyayaring di sinasadya, may pang yayaring sadya.

mahirap man, pinilit kong tumayo sa sarili kong paa, dahil un ang turo sakin ng mga magulang ko, nag iisa man ako o kasama ko man sila,.

may pagkakataong minsan nawawala kas sa isipan ko, nawawala sa pagkakataong di ka pumapasok sa utak ko, sa pagkakataong napapangiti ako ng iba, sa pagkakataong hindi kita naaalala.

may pagkakataon naman na ikaw lang ang laman ng isip ko, pagkakataong naalala kita, pag kakataong naalala ko kung san tayo nag umpisa, kung paano kita nakilala, kung paano mo ko napangiti sa paraang alam mo, napaluha sa paraang magkalayo tayo, napalungkot sa paraang madalang tayo magkausap,  ayoko mang magbilang ng araw na di kita nakasama pero nabibilang ko ang ilang beses na nagkasama tayo,..(bilang na bilang sa patak ng ulan)buti pa nga ang ulan nailalabas nya ang hinanakit nya nailuluha nya..

may pagkakataong narerealize ko na mali ang mahalin ka, mali ang mag antay sayo. pero may pagkakataong umaasa pa rin pala akong makikita pa kita at makakasama, pagkakataong nag aantay ako sa pagbalik mo.

tanga man akong sabihan ng iba,  sabihan man akong martir o kung ano man, alam kong napakagago ko para antayin ka.

eh anong magagawa ko minahal kita. (tanga na kung tanga)

gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko sa pammamgitan man lang ng ispasyo dito.

sa pamamagitan man lang nito gumaan ang loob ko.

na kahit isang pursyento man lang mabawasan ang galit at sakit sa puso ko.

oo alam ko hindi ko napadama lahat sayo, paano ko naman un gagawin kung ikaw mismo di ka gumagawa ng paraan para makasama ko. sapilitan pa nga minsan, sapilitan pa.

hindi pala sa lahat ng bagay mapag bibigyan ko ang sarili ko, ngayon ko napagtanto na tama na tapos na kung ano man ang naiisip ko pang mangyari iwawaglit ko na lang un sa isipan ko, dahil ayoko ng saktan mo at saktan ko pa ang sarili ko,.

kung akala mo hahabulin pa kita tulad ng dati, nagkakamali ka mahal ko pa naman ang sarili ko. na mas mahal ko higit sayo…

may pangyayari man na hindi dapat nangyari, may pangyayari man na bigla na lang umusbong, nagpapasalamat ako sa sa itaas na pinagbigyan pa nya ko n pagkakataon para makahanap  ng mas higit sayo.

Published in: Uncategorized on July 24, 2010 at 4:20 am  Comments (14)  

ay nagbabalik.

ako’y nagbabalik sa totoong bahay na nabuo ko, sa mahigit isang taon iniwan ko ang totoong bahay na nabuo ko, para ma experience ang panibagong yugto ng pag susulat ko, sa pamamagitan ng bahay na to di ko naman ma eexperience ang datcom na napanalunan ko sa isang kontes.

alam kong may tanong kung bakit iniwan ko kung ano yung bago, kung ano yung uso, kung ano ung may bayad, sa experience na yun nasulit ko naman lahat2, tulad ng magkaron ng bagong kilala, bagong kaibigan.

may dahilan kung bakit ko iniwan, haha wala kasi akong pang bayad hehe, para ma continue ko ang .com na yun, oo seryoso haha.. sapat na yung na experience ko na naging isang datcomista ako. sapat na ung isang taon na naisulat ko sa papel na un, isang taon na pahina, isang taon na kung anik-anik na kwento at kabaluharaan sa pahina na yon hehe..

ngayon sa pagbabalik ko dito, di ko masasabi o mapapangako na katulad ng dati ang maihahandog ko, pero kakayanin ko naman na kahit paano may update pa rin tong page ko.

sa ngayon kasi nalalapit na rin ang paglipat ko ng panibagong trabaho.

bagong tao, bagong lugar, at panibagong pakikisalamuha ulet sa panibagong yugto ng buhay.

matagal ko ding ipinag isipan ang paglipat ng trabaho, at ngayon final na ang desisyon ko hehe.. buti na lang tataas ang salary wage hehe..(dahil dun kaya ako nag apply ng iba) haha..

sa ngayon eto na muna, babalitaan ko kayo pag ok na ko sa bagong trabaho hehe..:)

ciao.

Published in: Uncategorized on June 29, 2010 at 9:42 am  Comments (6)  

datkom..lipat bahay..

hello..aun ..salamat sa mga napadaan po dito..

gusto ko lang po ipaalam sa mga taong bumabalik dito..na lumipat na po ako ng bahay..

isa na rin po ako sa mga kasamahang datcomista natin..sa mga gusto pa rin pong bumisita sakin bisitahin nyo po ako diyo..

click : lovely-anakngpating

salamat..po sa mga taong tumulong sakin..paki update na rin po ang url ko sa inyo..mamat’s kita kits tayo  dun mga kapatid hehe..

p.s pasensya na sa 2 taong di ko alam kung nasaktan sa mga nsabi ko pasensya na..kausapin nyo ko mamaya hehe..sige na pliesseee..

Published in: on August 4, 2009 at 9:26 am  Comments (9)  

thank’s giving part 2

miss winkie (eto si ate winkie ang unang naging ate ko sa blogsphere, at syempre sya rin ang unang-una kong na meet, nilibre ako ng starbucks pa berdey nya sakin at pareho din kasi kami ng month, pareho kaming sweet di ba ate hehe..at magaganda kami walang aangal haha, sa presinto kayo mag paliwanag hehe, salamat ate, isa ka rin sa may alam ng secret’s ko..ayieee..hugs..)

monzavenue-papa mon (aba sino di nakakakilala ngayon sknya dahil sa kontes nya, bigatin ang tee shert, at ang premyo..isa syang cebuano,mabait tulad ko kahit inaaway na,am bait pa din hehe,,.well sana’y makadaum-palad kita,mon-mon,..salamat sa prendshipness..)

naglalambing si ate cute (hi ate..salamat din sayo, dahil pag need kita walang atubiling mag spam ka rin sa mga kontes entry ko hehe..basta pakain nekstime ng lumpiang s ariwa mo ha hehe..)

otep (nakow kasali ka ba talaga hehe, joke lang ..nakow etong taong to ang pinaka makulet ata sa personal hehe..pero astig kung mag sulat,wala akong masabi nakita na nya si howie severino san ka pa, basta pag nagkita ulit kayo pakamusta mo ko kay jay taruc ha ehhe..salamat otep..)

sandijmartin-kuya sandi (etong si kuya ang sobra-sobra kong pasasalamatan, dahil sa mga kwento nyang totoong nangyayari sa paligid nya at sa mga dasal na naisheshare nya satin, isa ka rin kuya sa gusto kong makamayan,salamat po..)

tirador ng kaning lamig (nag delete na sya ng blog di ko alam kung bakit, sana kuya mabasa mo to..dami ko pa naman natutunan sayo tulad ng madalas mong pag interview sa ibat-ibang taong nakakasalumuha mo, bilib ako sayo dahil kahit mahirap trabaho mo kinakaya mo, para lang maipalabas sa tv..ang mga dokyu mo..namimiss ko na..salamat sayo..

reesie-ate reesie (salamat din sayo ate, di ko akalain na mapapansin mo rin ako,at magiging ate rin kita dito, isa ka rin sa gusto kong maka kwentuhan ng personal, salamat..hugs ate..mwah)

ate yhen (ate, salamat dahil kahit sandali pa lang tayo magkakakilala,pinag katiwalaan mo na ko, i hope na maging maayos ang kalagayan ni mommy.. isa ka rin sa mga taong gusto kong makilala at maka bonding..salamat ate..)

heleyna (ate bff ni joycee, isa ka rin sa mga ate ko dito..daming thank you din sayo..di ko din akalain na mapapansin mo ko hehe..stay sweet ate..hugs..)

kikayness-ate rhona ( nakow ang pinaka ate ko sa lahat,at kadaldalan ko nung sya’y hindi pa nag papa ka busy hehe..tapik sa likod,ate kamusta ka naman, alam mo ba to..salamat sayo..salamat sa tiwalang nibigay mo sakin..(naiiyak naman ako haha) seryoso..salamat wala akong masabi basta kung kailangan mo ng clown andito lang ako oki..salamat..nasabi ko na kasi lahat dun sa berdey message ko hehe)

machong butiki-mb (pare..kung ano man ang dinadala mo ngayon, kayang-kaya mo yan andito lang kami ok..madaming salamat sa predship na nabuo natin nila jason..di ko akalain na magiging ganun tayo ka close tatlo..dont hesitae to call me if u need to lean on..tapik pare..)

not but not the least..nyahaha..

TSI-archie (haha wala pa kami isang buwan magkakilala, sayang sana’y nakita rin kita nung eb..galit galit kasi kayo ni jason..muka kayong batang uhugin pareho hehe..nag aaway  pa hehe..heneway..im thanking you also, basta tequila tayo ha ehhe..mahaba pa ang lalakbayin natin..makikilala ko rin ang anak mo hehe..)

wushuuuuu..sa mga makikilala ko pa dito..mabibigyan din kita ng ganitong billing..welcome sa circle of prends ko..

at sa mga taong nabanggit ko..walang sawang pasasalamat sa inyo..(last will of testamen na to) joke lang..maagang pasasalamat kahit na wala pa naman akong 1 year hehe..wag po sana kayong magsawa sa pag suporta sakin..sa pakikipag palitan ng kuro-kuro..sa pagbasa ng mga kwento ko sa sarili ko at sa pamilya..

mahabang lakbayin pa ang naghihintay sakin para sa pagkamit ng aking mga pangarap..naks..kindat..

love you all..

p.s may suplays guest ako dito sa shop sa sunday im so excited..sa mga binulungan ko..kwayet muna kayo ha hehe…

Published in: on July 31, 2009 at 5:09 am  Comments (69)  

thanks giving list

here we go..

thanks giving list ko hehe..

Ah’kong D’ Greyt!!! (salamat kuya, sa mga joke mong kahit luma na nakaka pag pabagsak pa rin sa upuan lalo na ang kabulastugan nyo ni ahkong itsik wala ka pa ring kupas pa ra sakin..isa kang henyo sa larangan ng pagpapatawa iniisip ko nga hindi kaya ikaw si chikito hehe..at sobrang bilib ako dahil sa pag mamahal mo sa asawa’t chikiting patrol mo, at ang pag titiis jan sa saudi para sknila kahit na home sick kana..andito naman ang blogsphere pam pawala ng home sick hehe..)

6pm-alasais ( naku etong tatlong to mag kaka barkada na to ,ang nag papawala ng badtrip ko sa araw-araw grabe as in lahat ng laro alam nila,wala sknila ang usong psp o xbox  o ps2,ps3..mas gusto nilang mag laro ng taguan,agawan base,saksak puso tulo ang dugo,mataya-taya, at kung anu-ano pang laro noon isa ako s nangangarap na sana makalaro ko din sila hehe..tikboy,tenco wag kayo maingay ha..kras ko talaga si tem-i hehe..salamat sa inyong 3, abangan nyo sila every friday ang entry nila the best talaga..)

axrealm (salamat ax..alam mo bang dati akala ko di mo papansinin kasi kala ko suplado ka sa blog at hindi ka nag kokoment kapag tagalog ang blog hehe..nagkamali pala ako ng akala(maling akala talaga) pero nung nag spam ka sa kontes entry ko para kay otep hindi pala, grabe maraming salamat..di ko akalin na dahil sayo magiging pang-apat ako hehe..at mamimimeet kita inperson,try mo nekstime walang salamin na suot ha hehe..para mas cute ka hehe..mwah..)

bioniclugaw (salamas kahit na nawawala ka sa serkulasyon ng blogging namimiss na kita, at ang kalokohan mo sa i.ph mo..balik ka na kasi asan ka ba)

bloociadow-azul (sis salamat, naku etong lukaret na to ang madalas na mang alaska sakin hehe..pero natutuwa ako sa pang aalaska haha..hyper sa alaskahan itong babaeng ito hehe..at huy update ka naman hehe..aba’y wala na kaming balita xado sayo ah hehe..ehem ka lang ng ehem eh, well i hope for life na kayo ni siopau..abay ako ha jokeness haha,,)

bluerosebluguy-kuya blu (salamat kuya blu, at dami kong nakilala at natutunan sayo, sa mga aral mo, kamusta ba si baby blu i think mag 1 year old na ata sya noh..naku aabangan na rin kita sa sept 4, may surprays ako hehe..)

dhyoy-ate joy (ate salamat sayo, lagi mo ko napapangiti sa mga post mo, sa mga kwento na naishare mo samen,sa nangyayari sayo sa opis, gusto ko naman malaman ang status ng love life mo un na lang kasi ang hindi ko alam hehe..pwede ba bulong mo sakin dali hehe..kukulet ng bear mo sa bahay mo saka emoticons hehe..sana may pasalubong akong teddy bear hehe..joke lang, kailan ka ba uwi ..eb na..)

efpidemic (kuya salamat kahit busy ka at hindi ka na nadaan dito hehe..basta ung pictorial at eb natin nila ate winkie ha..aasahan ko un hehe..mwah..mis u,,.)

flamindevil-rye ( salamat, aabangan ko na ang eb dis coming sept 4, makikita ko na rin ang artistahing bloggers hehe..etong taong to ang lakas ng loob grabe, bilib ako..at gustong gusto ko ang closeness nila ng buong pamilya nya..)

gasti (kuya kamusta ang anak mong bibo/kiddo, hehe,,.naku isa si kuya sa nakilala kong kumpare ni kuya baduds,jeck,maldito,chillidobo na miss ko na, naku wala ring kupas to sa mga jokes nyang ewan ko minsan kung totoo o talagang joke lang hehe..he made’s my day kasi kulet tlaga as in di pwedeng walang patawa sa post nya..idol ko talaga kayo..kaya rin nandito ko salamat po talaga..)

hisnameisdencios-dioniscio (papa dencio ,unang lalaking naka nakilala ko,na buong pagkatao ko alam nya hehe..ahm update sa lahat ng nangyayari sakin,lalo na pag dating sa pamilya ko at sa chikiting ko, salamat pare sa pakikinig mo sakin pag time na down ako at may problema, salamat sa bonding true chat natin,namimiss ko ung usapan na petiks ka lang jan sa office, kung anong maopen na topic talagang pinag uusapan, salamat sa pag tawag mo sakin kagabi, ang papa ng boses talaga hehe..isa ka rin sa taong nag papangiti sakin, ikaw ung taong hindi ko makakalimutan kahit na hindi pa kita nakikita,kita ko naman ang sincerity mo sa pakikinig sakin..salamat..)

jasonhamster(edad bente-uno pero mukang bata pa rin ang pag-iisip hehe..joke lang, salamat..eb ulit sa divi hehe..paano ko nga ba ikaw idedecribe bukod sa salamat, ah oo sa pag spam mo sa mga kontes na sinalihan ko madaming salamat pare..kung di dahil sa inyo ni ax..kulelat ako hehe..salamat talaga..aminin mo na kasi kras mo ko haha..joke lang.,inaasar lang talaga kita..pramis..)

joycee (sis salamat..naku bait-bait nitong si joycee,ayaw nya tawagin ko syang ate hehe..mag kaedad lang daw kami hehe..pero nung nakita kita aminin ko starstruck talaga ako, pramis..may bulong pala ako, dito na lang ha,merong may kras sayo..hawig mo daw kasi si emma watson,pero di ko na lang sasabihin kung sino un..haha..mwah sis..stay happy and inlove with neto ok..wish u all the best..more blessings to come..)

kengkay-mommy ng lahat hehe..(naku, sobrang pinay na pinay nito ni mommy kengkay wala akong masabi at malapit na kaming…basta mommy salamat din sayo..pa bles po kay daddy kengkoy hehe..)

lio loco (i.ph ko sya nakilala,hindi ko rin akalain na papansinin nya ko, grabe ang sense of kabulastugan nitong taong ito aba, naging lalong sikat ng mag .com, pero pansamantalang nakahimalay, oi kahit dalas kita barahin salamat..as in nasa puso ko ung pasasalamat ko sayo dahil kahit boring ang englist entry mo binabasa ko haha..dami ko natutunan bad words sayo haha..tulad ng nyemas(bad words nga ba to hehe,,.) lumabas ka na jan huy..nag paramdam ka na’t lahat..eh hehe..)

livingstain-alvin (salamat pare, buti na lang din napansin mo ko hehe..kahit na ang liit ko hehe..salamat sa spamming, at sa kwento nung eb..i hope maulit un..)

maldito (kasali ka ba talaga hehe..joke lang naku naman tulad nga ng sabi ko, idol ko kayo nila gasti,jeck,chillidobo,badudz wala pa si lio nun hehe..grabe isa ka rin sa pampawala ng lungkot,asar,badtrip,ko..pag ikaw ang nag sulat..parang ayoko maniwalang seryoso ka kahit alam kong seryoso ka sa entry mo minsan hehe..i love the way u wrote parang singaw talaga hehe,..naku kahit madaming nagsusulputan na bloggers nagyon na may sense of humor kayo pa rin ang da best sakin..pramis hehe..pa kiss nga..sa noo lang haha..)

to be continued…

Published in: on July 30, 2009 at 8:04 am  Comments (59)  

thank’s to you..

gusto ko lang mag pasalamat..

Pyzam Glitter Text Maker

kasama kayong lahat dito..kahit wala sa blog list ko kasama yan..kasama ang mga matatalik kong kaibigan sa labas ng mundo..(may lahi akong nemic eh hehe..) jokeness..

gusto ko lang mag pasalamat sa mga taong always sumusuporta sakin..

gusto nyo bang isa-isahin ko..isigaw nyo dali..hehe..

basta alam nyo naman kung sino kayo di ba..pero kung pipilitin nyo ko pwede rin hehe..joke..

seryoso gagawa ako pasasalamat sa mga taong gusto kong pasalamatan,dahil sa naging mabait sila sakin,natulungan nila ko,naging kaibigan ko hindi lang sa sa blog pati na rin sa totoong buhay..sa mga nakadalaw na din dito na hindi pa nag sisibalik dahil hiatus mode daw sila hehe..kasama kayo kahit na nawawala kayo sa sirkulasyon hehe..(busy lang dami nila priorities,iba na ang sikat symepre di ba hehe..)namiss ko kayo huy..lumabas nga kayo jan..(nagpaparinig)

p.s

basta i have a surprays on sept 4, para sa dadalo ng..toooot..(bawal muna ata sabihin hehe..)

salamat kaibigan..


Published in: on July 29, 2009 at 10:44 am  Comments (35)  

well im back after 48 yrs..

wushuuuuuuu,,……………………………………………………….

oha.im back after 48yrs hehe,,..nyemas talaga..nakaka windang din pala kapag wala kang internet..ang 2 days na walang net..nakaka asar na..grabe 5 days din akong nawalan ng net ha..makita mo un patay na patay ang negosyo ng amo ko..at ako..walang magawa dahil malay ko ba dito sa internet connection ng pldt..

at nakakabadtrip ang mga nakakausap ko sa pldt, pare-pareho lang ng sinasabi pero walang update talaga walang nagpupunta na technician ng ilang araw..ang bagal nila grabe..kamusta naman na nasa sm bicutanlang ung site nila..i mean ung company ng pldt..dah..

heneway ayoko na maasar pa dahil eto’t andito na ulit ako sa harap ng monitor ko at nag tatype nyahah..

dun sa limang araw kong walang internet naka, nakauwi ako sa amen, nakatulog ng maaga sa dorm, naka tambay ng 4 na araw dito sa shop ng walang ginagawa, nakanood ng dvd horror movies dito sa shop, 4 na movie din ung natapos ko, naka gala ako ng sm, nakipag kita ako sa high scool clasmeyts ko, nakipag inuman hanggang ala-una ng madaling araw (sarap pala ng tequila) ang init lang sa katawan haha..

nalasing..umuwing banggag sa tequila pers time eh hehe..pero ok lang nakauwi naman ako sa bahay namen ng safe hehe..

kulang sana yan eh,.madami pa kong nagawa kung, nag sasabi ang pldt ng mas maaga na hindi darating ung technician na ina asaayn nila ehhe..dami ko pa sanang nabisita, naka laro ko pa sana ng matagal ang chikiting ko hehe..

pero nakaka usbos pala ng anda ang ganung walang pasok hehe..

pero aus lang nilubos ko na..minsan lang un heheh..

well salamat sa mga dumalaw..haha..
salamat sa mga nakaalala ..

balik uli ako sa dating routine..sa wed na ko mag blog hopping susulitin ko muna ang mga namiss ko sa pilipino star,pinoy channel.tv, ung pinapanood kong movie sa dvd na nahiram ko..(ganda ng wrong turn 2 panoorin nyo astig..hanggang ngayon di ko pa makalimutan pag mumukha nung mga pumapatay..nyemas wag ko sana silang mapaginipan baka di na ko magising hehe mag research ako nung part 1, nyahah..), ang pet ko sa fesbuk b(buhay pa kaya),at aayusin ko kung mag .com na ko hehe..

ang mag comment dito i read back ko haha..(jokeness..)

mag read back tlaga ko..pramis..sa susunod na araw..

Published in: on July 27, 2009 at 9:11 am  Comments (78)  
Tags: ,

quikie…

halo-halo

ang nararamdaman ko..

pag kainis..

pag ka badtrip

pag kayamot

lahat na ata hehe..

nyemas na..

internet connection to..

patay ang negosyo..

dahil sa kanila..

pinapaasa ka na ichecheck ng technician nilang hanggang ngayon wala pa rin hindi pa rin nag pupunta..

mababalitaan nyo na lang sumabog na ang pldt kompani kapag ang internet ko ay hindi pa naayos bukas.. ng tanghali…

kokontakin ko si osama binladen..(buhay pa ba yun)

iwas kayo sa paputok paaalam..

bwahahahahahahahahahahah…

Published in: on July 23, 2009 at 1:31 pm  Comments (29)  
Tags:
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.